Kabanata 11

1917 Words
“NAYA, I’m really sorry for what happened!” sambit ni Liza nang salubungin ako nito ng yakap. Wala kaming klase kaya nagkita na lang kami sa mall na malapit sa university. Ipinaalam ko ang pagkikita namin ng kaibigan ko kay Enrico bago siya umalis ng mansion kanina. I thought he would stay in the house since it’s weekend but, he said he had some things to do in the office. Pumayag siyang umalis ako pero, ibinilin niyang magpahatid ako kay Kuya Vener. Naiwan sa kotse sa parking lot ng mall ang driver at nagsabing doon niya ako hihintayin. Nahihiya ako pero, hindi na lang ako nagprotesta. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay nang ganitong buhay - para akong prinsesa. “Sorry talaga, hindi ko agad nalaman!” paumanhin pa rin ni Liza nang kumalas kami ng yakap sa isa’t isa. “Nag-log out ako sa lahat ng social media accounts ko and I did not turn on my phone since Thursday night. I’m sorry, I forgot that you’re in difficult situation and you might need my help, anytime.” “It’s okay, Liza. I understand. Ako nga itong nahihiya sa’yo kasi hindi ko alam na may mabigat na problema ka sa inyo kaya absent ka kahapon. Kumusta ka?” Naupo kami. Nasa isang mesa kami sa food court ng mall at halos puno na ang lugar. “I’m all right, Naya. Gano’n talaga, e. Magkakaiba tayo ng sitwasyon at may kani-kaniya tayong mga problema. Anyway, how are you? Saan ka ngayon tumutuloy? Naya, you know how I wanted to invite you in our house pero sa sitwasyon kasi ngayon ng parents ko… mahirap, e.” “No, Liza, it’s okay!” maagap na sabi ko. I don’t want her to feel guilty. Ang dami na niyang naitulong sa akin. “Ayos lang ako at ang totoo niyan… unti-unti nang nasosolusyonan ang mga problema ko. With the help of Enrico.” Namilog ang mga mata ni Liza. “Enrico? Enrico Laxamana? You mean, pinagbigyan niya ang hiling mo?” The excitement and joy were in her face. Tumango ako. “Yes.. pero may kapalit.” Nagusot bigla ang noo niya. “Anong kapalit?” I pulled an air. Hinawakan ko si Liza sa kamay at tinitigan sa mga mata. “Liza, you know how I love you and  trust you. That’s why I want you to be one of the few persons to know that I am getting married.” Natigilan siya. Nasa hitsura niya ang pagkalito. “W-what? Are you kidding me, Naya?” “No. I am telling the truth. Liza, I will soon be Mrs. Enrico Laxamana.” Hindi kami nagtagal ni Liza sa mall. Nagpaalam din siya agad at ako naman ay kailangan na ring bumalik sa mansion. Isa pa, ayokong paghintayin nang matagal si Kuya Vener. Pagpasok ng kotse sa gate ay napansin ko ang isang nakaparadang sports car na blue sa gilid ng driveway. I don’t know if it is Enrico’s pero hindi naman katakataka kung sakaling sa kaniya rin ang sasakyan na iyon. Pero sa pagkakatanda ko ay ang itim na SUV ang gamit niya kaninang umalis. Pagbaba ay pumasok na ako. Walang tao sa living room kaya dumirecho ako sa kusina. Sa entrada pa lang ay dinig ko na ang tawa ni Poleng at ng isa pang kasambahay. Pagpasok ko sa kusina ay isang matangkad na lalake ang naabutan kong katawanan nila. “Miss Naya, nariyan ka na pala!” sambit ni Poleng nang makita ako. Agad itong umalis sa pagkakahilig sa lababo at lumapit sa akin. “Nagugutom ka ba, Miss Naya? Gusto mong igawa kita ng snacks?” “No, Poleng. Busog pa ako. Kumain kami ng friend ko sa mall,” sagot ko at tumingin sa lalakeng naroon. Sa pagkakataong iyon, nasa amin na ang atensiyon niya. May maliit siyang ngiti sa mga labi. He looks young, probably in his mid twenties. At halatang may dugong banyaga base sa kulay ng balat at iba pang features. “Hi there. Ikaw pala ang tinutukoy nila na bisita ni Eric?” Lumapit ito sa aming kinatatayuan pero, nasa akin nakatuon ang tingin niya. “Miss Naya, siya si Sir Pierre, step-brother ni Senyorito Eric.” Bahagyang nagusot ang noo ko nang lingunin si Poleng. Malaki ang ngiti nito habang ipinakikilala sa akin ang lalake. Tumingin ulit ako sa lalake. Bahagya akong tumango saka bumati. “Hello. I am Naya.” “Pierre.” Inulit pa nito ang pangalan sabay iniabot ang palad sa akin. Wala akong choice kundi ang tanggapin iyon. Binawi ko ang palad ko pagkaraan ng ilang segundo. “Maiwan ko na muna kayo rito,” magalang na paalam ko bago tumalikod at pumunta sa kwarto. Step-brother? Hindi ko alam na may step-brother si Enrico. Actually, wala akong ibang alam tungkol sa pamilya niya maliban sa nabasa ko sa isang article sa internet tungkol sa Laxamana Group. Ayon sa article ay namatay ang dating Chairman and CEO nito na father ni Enrico sa isang aksidente sa Laguna several months ago. Nagbihis ako ng damit na pambahay at hindi na muna bumaba. Tumambay ako sa may veranda ng kwarto at tumanaw sa rectangular swimming pool. I never have imagined myself living in a place like this. Malaki at moderno rin ang bahay ni Ninong Marty sa Laguna pero, malayong-malayo iyon sa laki at ganda ng mansion ni Enrico. Maya-maya ay narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Pumasok ako at kinuha iyon. Nakita kong si Ninong Marty ang tumatawag via videocall. Natigilan ako at kinabahan. Tumingin ako sa paligid at humanap ng background na halos kapareho ng sa dorm pero, wala. Everything about the room shows extravagance. Mamaya ay isipin pa ni Ninong Marty na nasa isang five-star hotel room ako.  My phone keeps on ringing. Nahiga na lang ako sa kama. At least the simle white bed sheet will not reveal that I am in another room. Sinagot ko ang tawag. “H-hi… N-Ninong!” I wave my hand on the screen. He smiles on me. Base sa background ay nasa garden siya. “Princess, how are you?” masiglang bungad niya. “I haven’t heard your voice since yesterday. Naisip ko ngayong mag-videocall. I miss you, princess.” Napangiti ako. Base sa ngiti at sigla ng boses ni Ninong Marty, I know I did the right thing. Isang problema na namin ang na-solve. Kanina kasi ay nabanggit sa akin ni Enrico na may nakausap na siyang tao para ayusin ang tungkol sa nalalapit na foreclosure ng property ni Ninong. I did not ask for any details. Basta nang sinabi ni Enrico na wala na akong dapat alalahanin ay naniwala na lang ako. I know that he keeps his words. “I’m good, Ninong. Sorry kung hindi ako makatawag. But I did not fail to send you messages naman, ‘di ba?” “Of course. At marunong na akong magreply ngayon sa text messages mo.” Kapwa kami napatawa sa sinabi niya. “I miss you, too, Ninong Marty. Don’t worry, I will come home on sem break.” Kinagat ko ang loob ng ibabang labi ko. Hindi ko alam kung papayagan ako ni Enrico na umuwi. Once kasal na kaming dalawa, hindi maiiwasang pakialaman na rin niya ang mga lakad ko. Pero pwede ko naman siyang pakiusapan. I know he will understand me. Nagkaguhit sa pagitan ng mga kilay ni Ninong. “Uhm… princess, naisip ko lang.  Siguro ay ako na lang ang bibisita sa’yo sa Manila sa sem break ninyo para hindi ka mapagod sa biyahe.” Natigilan ako. Hindi pwedeng magpunta rito si Ninong Marty. Hindi ko napigilan ang panic pero, pinilit kong ngumiti para hindi iyon makita ni Ninong sa mukha ko. “N-Ninong Marty, it’s okay. I’m fine with it. I always come home during sem break naman, ‘di ba? Sanay na ako sa biyahe.” Tumawa ito. “Of course. Pero… naisip ko lang na… maybe you stay there on your break. Alam mo naman na busy pa ang Ninong Marty mo sa ngayon.” Halos pawisan ako dahil sa kaba. “A-alam ko po. Kaya nga ako na lang ang uuwi para hindi ka na maabala. Don’t worry, you can still do your business kahit nariyan ako.” Sandali itong natahimik bago marahang tumawa. “Oh, princess, let’s just talk about this some other time. By the way, I assume na nakausap mo ang landlady mo at pumayag siyang next sem natin bayaran ang lahat ng kulang sa boarding and utility fee. Am I right?” “Y-yes, Ninong! Don’t worry. Naiintindihan naman ako ni Mrs. Samson.” Sinundan ko iyon ng pasimpleng paglunok. Hindi ko maiwasang makadama ng guilt sa pagsisinungaling sa kaniya pero, kung sasabihin ko ang totoo, mag-aalala nang husto si Ninong Marty. At malamang na madiskubre niya ang pinaggagawa ko. “That’s good to know. Kapag naayos ko ang problema sa mga bank accounts ko, I’ll send a gift to Mrs. Samson for her generosity and kindness.” “S-sige po. K-kayo po ang bahala,” sagot ko pero, sa isang banda ng isip ko ay hindi ko alam kung paano ko lulusutan iyon. “All right. I’ll go ahead, princess. May kailangan din kasi akong asikasuhin. Message me anytime. Take care, anak. I love you.” Tumango ako at ngumiti. “I love you, too, po Ninong. Take care.” I send him a flying kiss before I end the call. Wala na ang bisita nang bumaba ako. Naupo ako sa high chair sa bar at nakipagkwentuhan kay Poleng na tinutulungan si Nay Thelma sa paghahanda ng lulutuin sa hapunan. “Kaaalis lang ni Sir Pierre. Hinihintay ka nga niya na bumaba kanina, Miss Naya.” Nagusot ang noo ko. “Bakit daw?” Nagkibit siya ng balikat. “Wala namang sinabing dahilan. Siguro makikipagkilala at makikipagkwentuhan.” “Hmm?” Napataas ang mga kilay ko. “Nagkakilala naman kami kanina, ‘di ba?” “Oo nga, Miss Naya, pero siyempre, iba ‘yong magkakausap kayo. Hindi naman siguro ikakagalit ni Senyorito Eric ‘yon dahil step-brother niya si Sir Pierre.” “I don’t know, Poleng. Pero… bisita kasi ako rito. So I don’t know if it’s proper to talk to another visitor rather… relative ni Er- Mr. Laxamana.” For me, it feels awkward na makipag-usap sa kamag-anak ni Enrico. Hindi pa niya ako naipapakilala sa mga ito bilang mapapangasawa. Ayokong may masabi ako na magbibigay lang ng butas sa mga susunod na mangyayari sa buhay namin ni Eric. Ayoko namang pangunahan si Eric tungkol doon. Isa pa, sabi niya, pili lang ang pagsasabihan niya ng tungkol sa magiging kasal namin. And I don’t know if one of them is his step-brother. “Pero alam mo, Miss Naya, parang bagay kayo ni Sir Pierre.” Natigilan ako sa komentong iyon ni Poleng. Hindi ko alam kung paano iyon kokontrahin. Hindi siya dapat nag-iisip ng gano’n o kahit magkomento man lang. “Miss Naya… matanong ko lang. Ano ka ba talaga ni Senyorito Eric?” “H-ha? Ah…” “Why can’t you answer, Naya? Sabihin mo sa alalay mo kung ano ba kita.” Naestatwa ako nang ilang sandali bago ko nilingon ang nagsalita. “S-Senyorito, nariyan na pala kayo!” sambit ni Poleng. Nahimigan ko sa boses niya ang nerbiyos. Napalunok ako. I know that I did not do anything wrong pero, bakit pakiramdam ko, sa pagsasalubong ng mga kilay ni Eric ay may kasalanan ako sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD