MALALIM na ang gabi pero, hindi pa rin ako inaantok. Dinampot ko ang bote ng whiskey na kinuha ko kanina sa bar at muling sinalinan ang aking baso. Nakaupo ako ngayon sa stool na nasa madilim na bahagi ng veranda ng aking kwarto. Tahimik na umiinom habang iniisip ang sitwasyon na pinasok ko.
I am not having regrets though. At least not yet. Dahil kanina nang yakapin ako ni Naya, pakiramdam ko ay may mali sa naging desisyon kong itira siya rito sa mansion.
Aminado akong naapektuhan ako sa ginawa niya. Hindi ko iyon inaasahan pero, mabuti na lang ay nakapag-isip agad ako. I immediately stopped her. Hindi rin nakaligtas sa akin ang disappointment sa mukha ni Naya.
I felt bad at first, but later on, I realized that it was the right thing to do. Matanda na ako para hindi maintindihan ang style ng mga kaedad ni Naya. Hindi ako dapat nagpapadala sa mga paglalambing niya. Hindi ako dapat naapektuhan sa pagyakap niya.
“She did ask you that, Eric?” nasosorpresang tanong ni Iyas sa akin nang ikwento ko sa kaniya ang tungkol sa mga tanong ni Naya sa akin kagabi.
Linggo at nakagawian na namin ang mag-golf sa isang country club kung saan pareho kaming member ni Iyas. Katatapos lang naming maglaro at dumirecho kami sa cafeteria.
“Yes. And just like you, I was also surprised when I heard her ask those foolish questions-”
“Ho-ho, Enrico, those questions are not foolish at all!” natatawang kontra ni Iyas sa sinabi ko. “Magiging mag-asawa kayo kaya natural na papasok sa isip ni Naya ang tungkol sa bagay na ‘yan.”
“Iba ang kutob ko sa pagtatanong niya, Iyas.” Kinuha ko ang baso ng pineapple juice at uminom.
“Anong ibig mong sabihin?” kunot-noong tanong niya.
“I think this is just a part of the plan. I am not sure though what exactly it is. Sa pagkakakilala ko kasi kay Naya, hindi siya magtatanong ng ganoon sa akin.”
“Bakit? Ano ba ang alam mo tungkol kay Naya?”
Hindi ko sinagot si Iyas. Wala nga akong masyadong alam tungkol kay Naya pero, hindi ako naniniwalang sarili niyang mga tanong ang tungkol sa pagtatabi namin sa pagtulog at sa pagkakaroon ng anak.
“Eric, what if Naya is innocent?”
Nagusot ang noo ko sa tanong ni Iyas. “What do you mean by that? Hindi ka ba naniniwala na meron siyang alam sa mga ginawa at ginagawa ng Ninong Marty niya?”
“You know, Eric, sa kagaya kong abogado, hindi importante kung ano ang totoo at ano ang hindi totoo. Hindi rin kung ano ang pinaniniwalaan ko ang pinakikinggan sa korte.”
Nagkibit ako ng balikat. “Anong ibig mong sabihin sa tanong mo?”
“I am asking you as a friend. I am asking you to know your opinion and your next move. Anong gagawin mo kung inosente pala si Naya? Paano kung ginagamit lang din siya ng Ninong Marty niya para makuha nito ang gusto?”
Ilang sandali akong hindi nakaimik sa tanong ni Iyas. Hindi naman iyon ang unang beses na nagtanong siya nang gano’n pero, hindi ko alam kung bakit nabantuan ng kaunting pagdududa ang paniniwala ko tungkol kay Naya.
Tumikhim ako. “As I already told you, Iyas, palalayain ko agad si Naya kapag nalaman kong inosente siya. I won’t keep her inside a marriage that only happened because of my desire to avenge for my father’s death. Madali na sa akin ang mag-file ng annulment.”
“Ano sa palagay mo ang mararamdaman ni Naya kapag ipina-annul mo ang kasal ninyo? Sa tingin mo ba, papayag siya?”
Doon ako tuluyang hindi nakasagot. Hindi ko alam. O siguro… wala akong pakialam. Dahil inosente man siya o hindi; at pumayag man o hindi sa annulment si Naya, matatapos ang pagsasama namin oras na ma-solve ko na ang misteryo sa pagkamatay ni Papa.
Pag-uwi ko sa mansion ay hinanap ko si Naya sa mga kasambahay. Nasa kusina raw ito kaya doon na ako dumirecho pagkaabot ko ng golf bag sa katulong. Naabutan ko si Naya na naggagayat ng pipino. Agad tumayo ang alalay nito nang makita ako.
“Good afternoon, Senyorito!”
Tumango lang ako. Nakita rin ako ni Naya pero isang tipid na ngiti lang ang ibinati niya sa akin bago ipinagpatuloy ang ginagawa. I frown. Kaninang umaga bago ako umalis ay hindi rin kami gaanong nag-usap. Kaya hindi ko napigilang pagtakhan ang pananahimik niya. I just hope it has nothing to do with last night.
“Senyorito, may iuutos po ba kayo?” tanong ng alalay ni Naya. Lumingon ako at umiling dito.
Tiningnan ko ulit si Naya na tutok sa ginagawa. Parang hindi niya alam na naroon ako. Ganito ba siya kapag naging asawa ko na? Hindi man lang niya ako sasalubungin?
Natigilan ako bigla. Nang maintindihan ko ang itinatakbo ng aking isip ay umiling ako at tumalikod. Nagsimula na akong humakbang paalis ng kusina pero, bigla akong huminto at nilingon si Naya. Inilalagay niya sa isang bowl ang mga nagayat na pipino.
Tumikhim ako upang kunin ang pansin niya. Nag-angat naman siya ng mukha kaya nagkatinginan kami.
“You need something, Eric?” she lightly asked.
My lips part. Naghagilap ako ng sasabihin at nang makita ko ang mga ginayat na pipino ay ginusot ko nang husto ang noo ko.
“W-what are you going to do with those cucumbers?” Huli na nang maisip kong walang kakwenta-kwenta pala ang tanong ko.
Tumaas ang mga kilay ni Naya. Larawan siya ng pagtataka nang ipaglipat ang tingin sa akin at sa bowl ng pipino.
“Kakainin ko. Bakit, bawal ba?”
Natigilan ako nang ilang sandali bago umiling. “Hindi. Naitanong ko lang.”
Hindi sumagot si Naya pero, nanatili ang nagtatakang tingin niya sa akin.
Tumikhim ulit ako. “You may continue. Maiwan na kita. I have things to do in my office.” Binalingan ko pagkatapos ang alalay niya. “Sabihin mo kay Nay Thelma na dalhan ako ng kape sa study room.” Pagkasabi ko noon ay umalis na agad ako at hindi na nilingon si Naya.
Kunot ang noo at nakatulala ako sa loob ng study room nang kumatok si Nanay Thelma. Tumuwid ako ng upo at hinintay ang pagpasok niya. Nakangiti siya nang lumapit sa akin bitbit ang tasa ng kape na hinihingi ko.
“Thanks, ‘Nay,” mahinang sabi ko nang mailapag niya ang tasa ng kape sa mesa. Agad kong dinampot iyon at tinikman.
“Tatawagin na lang ba kita sa hapunan?” tanong niya. Tumango ako. Akma siyang tatalikod nang tawagin ko. Huminto ang matandang babae at saka humarap sa akin.
Tumikhim ako. “Ah…I want to tell you something.”
“Ano ‘yon, Senyorito Eric?”
Nagbuga ako ng hangin bago tumingin sa kaniya at muling nagsalita.
“I’m getting married, Nay.”
Ilang sandaling tahimik siya Nay Thelma bago ko nakita ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa mukha niya.
“Ikakasal ka na, anak?” tanong niya, hindi naitago ang tuwa at excitement sa boses.
Tumango ako at tipid na ngumiti kay Nay Thelma. Siya ang nag-alaga sa akin mula pagkabata. Parang anak na ang turing niya sa akin kaya dapat lang na isa siya sa una kong pagsabihan ng tungkol sa aking pagpapakasal.
“Sino ang mapalad na babae? Kailan mo siya ipakikilala sa amin?”
I clear my throat. Humugot ako ng hangin bago muling tumingin kay Nay Thelma.
“Nakita mo na siya. Nakilala n’yo na siya…” Huminto ako sandali bago ko tinapos ang aking sinasabi. “Si Naya. Siya ang babaeng pakakasalan ko.”
Natigilan ang matanda. Base sa pagkakatingin niya sa akin ay hindi siya naniniwala. Inulit ko sa kaniya ang sinabi ko.
"Iyon ba ang dahilan kaya siya naririto sa mansion?"
Tumango ako. "Gano'n na nga, Nay Thelma. Ikaw na rin pala ang bahalang magparating nito sa iba pa nating kasama sa mansion. Gusto ko ring paalalahan mo sila na huwag nang makakalabas ang tungkol sa amin ni Naya. Kilala mo naman ako. I want my life to remain private. Ayoko nang pinag-uusapan ako ng mga taong hindi ko naman kilala."
Tumango si Nay Thelma. Lumapit siya sa mesa ko at mataman akong pinagmasdan.
"Sigurado ka ba, anak, sa desisyon mong iyan? Parang napakabata pa ni Naya para magpakasal sa'yo?"
"Nay, gaya ng sinabi ko kanina, kilala mo ako. Kapag nagdesisyon ako, ibig sabihin, sigurado ako roon at pinag-isipan ko 'yon. I want Naya to be my wife. At sana kung paano mo ako inalagaan mula pagkabata hanggang ngayong matanda na ako, gano'n mo rin sana tingnan at alagaan ang magiging asawa ko. Makakaasa ba ako sa'yo, Nay?"