(NAYA)
NASA kwarto ako at pinag-iisipan ang sasabihin kay Enrico nang marinig ko ang boses niya na tinawag ako pagkatapos ng dalawang katok. Hindi ko na naman napigilan ang pagtambol ng dibdib ko. Napatayo ako sabay lapit sa pinto para pagbuksan siya.
“Hi. Have I disturbed you from something?” bungad nito at sumilip sandali sa loob ng kwarto.
Kinagat ko ang loob ng pang-ibabang labi ko at umiling. “H-hindi naman. Actually, hinihintay kitang dumating.”
Nagtaasan ang mga kilay niya at saka dahan-dahang tumango. “May sasabihin ka? I supposed you want to talk kaya mo ako hinihintay?”
“Gano’n na nga,” mabilis kong sagot.
Tiningnan niya ako bago tumango. “Tungkol saan ‘yan, Naya?”
“Alam mo kung tungkol saan ito, Mr. Laxamana. It’s about my Ninong.” Sandali akong huminto para lunukin ang bikig sa aking lalamunan. Ayokong paibabawan ng emosyon habang kausap si Enrico. Hindi ako iiyak sa harapan niya. Mamaya ay isipin niyang nagpapaawa na ako.
“What about him?” Sobrang kalmado ng boses niya at iyon ang lalong nagpapaka sa akin. “May pinag-usapan na tayo tungkol diyan at uulitin ko, depende sa magiging sagot mo ang magiging desisyon ko.”
Humugot ako ng hangin at itinaas ang baba ko. “Okay. Then I am accepting it,” matapang na sabi ko.
Natigilan sandali si Enrico. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay niya nang pagmasdan ako. Hindi ako nagsalita. Kung hihingin niyang ulitin ko ang sinabi ko ay saka ko uulitin.
Maya-maya ay nakapakurap-kurap si Enrico. “Sigurado ka na ba sa sagot mo?” he asked. Ibig sabihin ay malinaw sa kaniya ang sinabi ko.
Tumango ako. “Yes. Pero… may mga hihilingin muna sana ako bago iyon.”
He smirked. “Again? Kulang pa ba ‘yong mga hiningi mo noong una? Naya, I just want to remind you. Ikaw ang lumapit sa akin. Mahirap ang hinihingi mo pero dahil gusto kong tulungan ka, nagbigay na lang ako ng kondisyon.”
“I know. Hindi ko iyon nalilimutan, Mr. Laxamana.”
“Eric. Sanayin mo na ang sarili mong tawagin ako sa ganiyan since you decided to marry me.”
Halos mapasinghap ako nang tukuyin niya iyon. I released an air from my lungs then nodded.
“Okay. Eric.”
“Ano ang hihilingin mo, Naya?”
Sinalubong ko ang tingin niya. I don’t want to think, anymore dahil oras na gawin ko iyon ay baka magbago pa ang isip ko. “It’s about our property in Laguna. Nalaman kong maiilit na ng bangko ang bahay at lupa na pag-aari ni Ninong Marty. Maybe I am asking for too much pero, ikaw lang ang pwede kong lapitan, Eric.”
Hindi ako nagdalawang-salita. Para ngang nabunutan ako ng tinik sa dibdib pero, ngayong may sagot na ako kay Enrico, parang gusto kong magtago sa kaniya. Nahihiya ako. Dalawang araw na ibinigay niya sa akin, nagreklamo pa ako dahil masyadong mabilis. Iyon pala ay magdedesisyon din agad ako. Are we really going to get married? Hindi ako makapaniwala na ikakasal ako sa isang gaya niya.
“Bakit hindi ka masyadong kumakain, Naya? May hindi ka ba gusto sa iniluto ni Nay Thelma?”
Napaangat ako ng tingin. Mabilis akong umiling sabay bigay ng ngiti sa mayordoma na naroon sa malapit.
“I like everything po, Nay Thelma. Medyo busog pa lang po kasi ako sa kinain kong meryenda kanina.”
Hindi ako iniwan ni Eric sa mesa kahit nang matapos na siyang kumain. Lalo tuloy naging mahirap sa akin ang pagnguya dahil pakiramdam ko ay pinanonood niya ako.
Tiniis ko iyon at nang maisubo ko ang natitirang laman ng aking pinggan ay dinampot ko ang table napkin at nagpahid ng bibig. At least, hindi sasama ang loob ni Nay Thelma dahil naubos ko ang pagkain ko.
“Do you want something for dessert?” tanong ni Eric.
Umiling ako. “Busog na talaga ako.”
Tumango ito. “Mag-usap muna tayo. Sumunod ka sa ‘kin sa study.” Pagtayo ni Eric ay dinampot ko ang baso ng tubig at uminom. Dali-dali akong tumayo upang sundan siya. Pagpasok sa study room ay pinaupo niya ako sa sofa. Naupo naman siya sa single couch.
“I want to talk about our wedding. Hindi ba ayaw mong malaman ‘to ng Ninong Marty mo?”
Sandali akong natigilan bago tumango. “Definitely. Magagalit siya kapag nalaman niya ang ginawa kong paglapit sa’yo kaya hangga’t maaari ay gusto kong itago sa kaniya ito.”
“Then we will have a secret wedding,” wika ni Eric. “Ang mga taong pinagkakatiwalaan ko lang ang makakaalam ng tungkol sa magiging kasal natin. Do you agree with it?”
Hindi ako nakasagot. I don’t know if it’s for my advantage. Magiging asawa ko si Enrico pero, ilan lang ang makakaalam? Will it be fair to me as his wife?
“Naya, my intentions are the same. I need a wife and I want you for the role. Our marriage will be legal and binding. Sa’yo lang ako, Naya.”
Napalunok ako at binundol ng kaba ang dibdib. Nakita ba niya ang insecurity na naramdaman ko kaya sinabi niya ‘yon? Naguguluhan ako sa sarili ko. I want to keep this thing from my Ninong pero, ayokong hindi malaman ng ibang tao? Will I be a possessive wife in the future?
“Please, understand, Naya. I am the CEO of Laxamana Group. Nakabantay sa’kin ang iba’t ibang klase ng mga tao - mga tagahanga at mga kalaban ko sa negosyo. Nakabantay rin sa’kin ang mga journalists. Kapag nagpakasal tayo, siguradong hahalungkatin din nila ang background mo. Do you want it to happen? Siguradong makakarating din sa Ninong mo ang tungkol dito ‘pag nagkataon.”
“O-okay. Kung ‘yan ang sa tingin mong paraan para maitago ito sa Ninong Marty ko, pumapayag ako.” Humugot ako ng hangin pagkasabi noon. Pakiramdam ko, hindi na ako sigurado sa mga desisyon ko sa buhay. Ipinauubaya ko na lang ang lahat kay Eric.
Ganito yata kapag ikaw ang humihingi ng tulong. Ikaw ang nasa panig na makikinig at susunod dahil ang hinihingan mo ng tulong ang mas nakakaalam ng tama? O dahil ang totoo ay nagsisimula nang mabuo ang tiwala ko sa kaniya? I don’t know.
But if we will keep our marriage from the knowledge of everyone, hanggang kailan kaya? Kung ako ang tatanungin, siguro ay hanggang sa magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin kay Ninong ang lahat. He’ll get mad for sure pero, para sa kaniya naman ang ginagawa ko.
“Kailan tayo ikakasal, Eric?” nahihiya kong tanong. Baka isipin niyang ako ang mas excited.
“As soon as possible. Don’t worry about anything. Ako na ang bahalang mag-ayos ng lahat.”
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
(ERIC)
PAGKATAPOS ng isang ring ay sinagot agad ni Iyas ang cellphone niya.
“I need the marriage license as soon as possible, Iyas.”
Ilang sandali siyang tahimik bago ko narinig ang marahan niyang pagtawa. “She finally accepted your proposal, is that what you want to tell me, Eric?”
“Gano’n na nga. Please, do what you can, Iyas para mapabilis ang mga proseso. Gusto kong sa lalong madaling panahon ay maikasal kami. Ayokong bigyan siya ng pagkakataon na magbago ang isip.”
“Bakit? Natatakot ka?” amused na tanong niya mula sa kabilang linya. “Eric, don’t tell me-”
“Of course not! Kung anuman ang iniisip mo, hindi gano’n ‘yon. I am not afraid na magback out siya sa kasal dahil may gusto ako sa kaniya. Namuhunan na ako, Iyas. Inayos ko na ang problema nila sa property nila sa Laguna. Hindi ako papayag na maisahan na naman ako ni Pedeglorio.”
“I see. At gusto mo nang masimulan agad ang pagbitag sa kalaban?”
“Absolutely. This is a good sign, Iyas. Pumayag na si Naya kaya ibig sabihin, kumagat na sa pain ko si Pedeglorio. Malamang na nakapag-isip na rin sila ng next move kaya pinakawalan na nila si Naya.”
”Siguro. But I still want to remind you, Eric… marriage is a serious thing. Kung ano man ang magiging plano mo kay Naya, don’t forget that she will be soon your wife. Magiging bahagi siya ng buhay mo.”
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas ako ng study at nagtungo sa bar para kumuha ng alak. I poured my glass with my favorite whiskey and drank from it. It’s past eleven in the evening. Siguradong tulog na si Naya.
Pabalik na ako sa study nang makarinig ako ng mga ingay na naggaling sa kusina. Hindi ko napigilan ang kabahan. Wala akong natatanggap na death threat pero, mula nang malaman kong sinadya ang pagkaaksidente ni Papa, may oras na naiisip kong ako ang susunod.
Iyas advised me to hire a bodyguard pero, sa tingin ko ay hindi iyon magandang ideya lalo na at may sino-solve akong misteryo. Parang binigyan ko lang ng clue ang mga kalaban ko samantalang ayokong makahalata sila nag-iimbestiga ako.
Dahan-dahan kong inilapag ang baso sa bar saka walang ingay na naglakad papunta sa kusina. It’s adjacent to the bar. Nakapatay ang ilaw roon pero, may bahaging napapasukan ng liwanag na galing sa mga outdoor lamps ng mansion. Sumilip ako at nakita ko ang manipis na bulto ng taong nakaupo sa kitchen table.
Nagusot ang noo ko. Ilang sandali kong pinanood ang maingat na pagkagat ni Naya ng hawak na sandwich. Sa harapan niya ay may isang baso ng gatas. Dinampot niya ang baso at uminom saka muling kumagat ng sandwich.
Napangiti ako at tuluyang nawala sa aking dibdib ang kaba. Siguradong hindi siya nabusog sa hapunan kanina.
Isinantabi ko ang balak na pagbalik sa study room. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero hindi ako umalis sa aking kinatatayuan at pinanood lang ang tahimik na pagkain ni Naya.