Kabanata 9

1636 Words
MGA katok sa pinto ang umagaw ng atensiyon ko mula sa pagta-type ng mensahe para kay Ninong Marty. Maya-maya ay bumukas ang pinto at sumilip ang nakangiting mukha ni Nay Thelma. “Good morning! Gising ka na pala, Miss Naya?” bati ni Nay Thelma nang makita ako. Pumasok siya at isang kasambahay ang nakita kong kasunod niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at lumapit. “Good morning din po sa inyo,” bati ko suot ang alanganing ngiti. “P-pinapatawag po ba ako ni Enr- ni Mr. Laxamana?  Pakisabi na lang po na pababa na ako.” “Kanina pa nakaalis si Senyorito Eric, Miss Naya.” Natigilan ako. Kanina pa nakaalis si Enrico? Sampung minuto pa lang ang nakakalipas sa alas siete ng umaga. Ganoon bang oras siya pumapasok sa opisina? “Siya nga pala, Miss Naya, ito si Poleng. Siya ang in-assign ni Senyorito Eric para tumingin sa personal na pangangailangan mo.” Napatingin ako kay Poleng. Kagaya ni Nay Thelma, masaya rin ang klase ng pagkakangiti niya. Napansin ko lang na kung gaano kaseryoso at kapormal parati ang mukha ng amo nila ay siya namang kabaligtaran ng mga kasambahay. Alanganin akong ngumiti rito. “K-kailangan ba talagang may nakatoka pa sa akin? Ganito ba si Enr- si Mr. Laxamana sa mga nagiging bisita niya rito sa mansion?” sabay tingin ko kay Nay Thelma. Si Poleng ang sumagot sa aking tanong. “Sa’yo pa lang, Miss Naya. Ikaw pa lang naman kasi ang dinalang bisita ni Senyorito Eric.” Natigilan na naman ako at nakadama ng hiya. Lumaki ako na may maalwan na buhay sa Laguna pero, hindi ako nakaranas ng ganitong klase ng pagtrato. “Nakahanda na ang almusal, Miss Naya,” wika ni Nay Thelma. “Sasabihan ko na rin ang driver na maghanda na para sa pag-alis n’yo maya-maya. Maiwan na muna kita kay Poleng.” Pagkasabi noon ay tumalikod na si Nay Thelma at lumabas ng kwarto. “Bababa ka na ba, Miss Naya?” nakangiti pa ring tanong ni Poleng nang maiwan kami. Tumango ako. “Ako na ang magdadala ng mga gamit mo.” Napaawang na lang ang bibig ko at hindi na nakapagsalita sa bilis ni Poleng dahil nadampot agad nito ang shoulder bag at ang ilang libro ko at saka nauna sa akin sa paglabas. Mag-isa lang akong kumain ng almusal sa dining table. Nakabantay sa akin si Nay Thelma at panaka-nakang nagtatanong kung may iba pa ba akong gusto. “Wala na po. Gusto ko po lahat ng inihanda ninyo. Salamat po.” “Mabuti naman. Kumakain ka lang ng kumain.” Naiilang talaga ako na pinanonood niya. Ayaw ko lang mamisunderstood kapag sinabi kong iwan na niya ako kaya tiniis ko na lang ang presence ng mayordoma. Naghihintay si Poleng sa akin sa labas ng mansion. Sa tabi niya ay nakatayo ang isang middle-aged man na nakabarong na puti at sa likod nila ay nakaparada ang isang kulay puting sasakyan. “Nasa backseat na po ang bag mo, Miss Naya. Gusto mo bang sumama ako sa paghatid sa’yo sa school?” Natigilan na naman ako. Hindi ko talaga alam kung paano magrerespond sa special treatment na ibinibigay ng mga tauhan ni Enrico. “Hindi na, Poleng. Kami na lang ni Kuya..?” “Vener po, Miss Nyaya.” Bahagya pa itong nagyuko ng ulo sa akin. “Kuya Vener, Alis na po tayo.” “Sige po,” sagot nito at agad na binuksan ang pinto ng backseat. Hindi nagtagal ay nasa daan na kami papunta sa university. Pagdating sa school ay mabilis na bumaba si Kuya Vener upang pagbuksan ako ng pintuan. Hinayaan ko na lang at total ay hindi naman ako permanente sa mansion. “Babalik na lang po ako mamayang bago kayo mag-uwian, Miss Naya. Naibigay na po ni Senyorito Eric ang listahan ng schedule n’yo.” Nagusot ang noo ko. Wala akong natatandaan na sinabi ko kay Enrico ang schedule ng klase ko. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa driver bago ako nagpaalam dito at pumasok. Dumirecho ako sa una kong klase at naghintay sa pagdating ng prof. Pagkatapos ng unang subject ko ay nagpunta ako sa Registrar para makakuha ng form ng promissory note. Papipirmahan ko lang sa Dean iyon para maging test permit ko sa darating na final exams kung sakaling hindi ko mabayaran ang kulang sa tuition this sem. Pagkakuha ko ng form ay bumalik na ako sa building at pumasok sa susunod kong klase. Katatapos lang ng pangalawang subject ko nang makita kong tumatawag ang numero sa bahay namin sa Laguna. Sinagot ko agad ang tawag sa pag-aakalang si Ninong Marty iyon dahil hindi pa siya ngarereply sa text message ko sa kaniya kanina. “Naying, anak,” bungad ni Nana Malou gamit ang ipinalayaw sa akin ni Ninong Marty noong bata pa ako. Hindi nakaligtas sa akin ang nag-aalalang boses niya. Bahagya akong kinabahan. “O, Nana, bakit po? Napatawag kayo bigla?” “H’wag mong sasabihin kay Martino na sinabi ko sa’yo. Nagpunta rito ang mga taga-bangko.” Nagusot ang noo ko sa aking narinig. “B-bakit po? Tungkol saan daw ang pakay nila?” “Naying… maiilit na ang bahay at lupa ninyo. Ilang taon na pala mula nang napasanla at mag-iisang taon nang hindi nakakabayag ang Ninong mo. Nag-aalala ako, Naying. Hindi ko alam kung saan kami titira kapag kinuha ng bangko ang bahay ninyo.” Distracted ako sa sumunod kong klase. Mabuti na lang at nasanay na akong mag-advance study kaya nang tinawag ako ng professor ay nakasagot naman ako. Paglabas ko ng classroom ay nagdalawang-isip kung tatawagan ko si Ninong. I don’t want to hurt his pride. Sa kaniya yata ako nagmana. Hangga’t kaya naming itago ang struggles namin, gagawin namin, huwag lang kaming makaapekto sa ibang tao. Kaya nasasaktan ako sa nangyari kay Ninong Marty sa kompaniya ni Enrico. I know in my heart that it is not his fault. Nasa parking lot na si Kuya Vener paglabas ko ng university. Kagaya kanina, ipinagbukas niya pa ako ng pinto pagsakay ko sa backseat. Maya-maya ay nakapwesto na rin siya sa driver seat. Pero bago pa niya ma-start ang engine ng kotse ay nagring ang cellphone niya na agad niyang sinagot. “Yes po, Senyorito Eric?” Napatingin ako bigla sa rear view mirror. Sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang marinig kung sino ang kausap ng driver. “Opo, Senyorito. Narito na po si Miss Naya. Pauwi na po kami.” Nilingon ako nang bahagya ni Kuya Vener. Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang cellphone niya. “Gusto po kayong makausap ni Senyorito.” Marahan akong nagbuga ng hangin sa ilong bago ko tinanggap iyon at ilagay sa aking tainga. “Mr. Laxamana?” “Naya, how’s your day?” bungad ni Enrico. “Ayos lang. Salamat sa magandang pagtrato sa akin ng mga kasambahay mo.” “Good to know. Gagabihin pala ako ng uwi, Naya kaya mauna ka nang mag-dinner mamaya. Sina Nay Thelma na ang bahala sa’yo. Tatawagan kita sa number mo mamayang gabi.” Natahimik ako sandali. Of course, he can ask for my number from his secretary dahil iniwan ko iyon kay Miss del Mundo. Banayad akong tumikhim bago sumagot. “Okay.” “I’ll see you.” Nawala na agad siya sa linya. Ibinalik ko kay Kuya Vener ang cellphone nito at nagpasalamat. At ilang sandali pa ay umaandar na kami palabas ng parking lot ng university. Isinandal ko ang aking likod at inisip ang sitwasyon na kinalalagakan ko. Inisip ko rin ang sitwasyon ngayon ng pamilya ko sa Laguna. Everything is in the hands of one person. Matatapos lang ang sunod-sunod na mga problema ni Ninong Marty kapag nagpasya akong tanggapin ang proposal ni Enrico. Ang kalagayan ko, pwedeng manatili na ganito kung magiging asawa ako ni Enrico. Malabo pa rin sa akin ang motibo niya. Kung asawa ang kailangan niya, bakit ako? Imposibleng walang nagkakagusto sa kaniya na magaganda, bata at sophisticated na mga babae. Bakit hindi isang professional ang inaalok niyang magpakasal? Or isang businesswoman kaya na katulad niya? Bakit ako na isang college student pa lang? Dapat ko bang ituring na kamalasan ang pagkikita namin ni Enrico? Or isang blessing na nakilala ko ang mailap na CEO? Pagdating namin sa mansion ay sinalubong agad ako ni Poleng. Kinuha niya sa akin ang mga dala ko at iniakyat sa aking kwarto. Kasunod niya akong pumasok. “Miss Naya, gusto mo bang dalhan kita ng meryenda rito?” tanong niya. Umiling ako. “Sa kusina na lang siguro, Poleng. Magbibihis lang ako at susunod na ako sa ibaba.” Nang sabihin ko iyon ay napansin ko na nawawala ang mga luggage ko. Bago ako umalis kanina ay naroon pa ang mga iyon sa tabi ng kama. “Nasaan ang mga gamit ko, Poleng?” tanong ko sa kaniya, palabas na siya ng kwarto. Tumaas ang mga kilay niya. “Nasa closet mo na, Miss Naya. Naiayos ko na ang mga gamit at damit mo kanina pag-alis mo.” Hindi ako nakasagot. Hanggang sa umalis si Poleng ay hindi ko nasabi na hindi naman ako magtatagal sa mansion kaya hindi na dapat inalis sa mga maleta at kahon ang mga gamit ko. Tumawag si Enrico eksaktong nagmemeryenda ako. Alam ko nang siya iyon dahil unregistered ang numero at nakilala ko rin agad ang boses niya. “Ipinaghanda ako ng meryenda ni Poleng. Narito ako ngayon sa kusina.” “Good. Ah… na-cancel pala ang dapat na meeting ko mamayang alas sais. I think makakauwi ako ng maaga para sa dinner. Pakisabi na lang kay Nay Thelma.” Nilusob ng kaba at antisipasyon ang dibdib ko. “G-gano’n ba? S-sige, sasabihin ko kay Nay Thelma.” “Thanks. See you later.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD