KAAALIS lang daw ni Eric nang bumaba ako kinaumagahan. Bihis na ako at handa nang pumasok sa trabaho. That morning, I decide to wear a simple denim pants, fitting blouse and rubber shoes. Mamaya naman ay isusuot ko ulit ang uniporme ng mga janitor. Si Poleng ang kasama ko sa dining room at nagkukwento ito tungkol sa mga crush niyang Turkish actors. Nakikinig na lang ako. Hindi ako makarelate dahil hindi ako mahilig manood ng kahit anong romance-drama series. I prefer reading books instead. “Kumusta pala ang trabaho mo, Miss Naya? Hindi ka ba nahirapan?” pag-iiba ni Poleng sa usapan. Napansin niya siguro na masyado akong tahimik sa umagang iyon. Bukod sa hindi ako makasunod sa mga kwento niya, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang natuklasan ko kagabi. Kinuha nito ang pitcher at sinal