PAGKATAPOS ng isang katok ay marahan kong binuksan ang pinto ng office ni Eric. Sumilip ako. Nakita ko siyang nakatayo sa likod ng office desk niya at nakatanaw sa iba pang nagtatayugang building na makikita sa labas ng glass walls. Naramdaman niya marahil na may nakasilip. Pumaling siya sa direksiyon ng pinto at nakita ako. Nagpasya na akong pumasok. Pagkasara ko ng pinto ay nilapitan ko rin agad siya. Noon ko lang napansin ang hawak niyang baso ng alak. “Ipinapatawag mo raw ako?” magaang bungad ko pero, mukhang kargado na si Eric dahil sa tono nito. “Hindi ba’t ikaw ang in-charge na maglinis dito sa office ko? Bakit hindi ka sumasagot kanina nang tanungin kita?” Pinanatili kong kalmado ang boses ko. “Alam mo naman pala na ako ang in-charge bakit nagtanong ka pa?” Lumikha ng ingay