“BAKIT kasi hindi mo sinabi na umalis ka sa dati mong dorm? Kung hindi pa ako sumadya sa Maynila, hindi ko malalaman ang totoo. I wanted to suprise you, Princess pero, ako itong nasorpresa sa nalaman ko.” Nabalot ako ng guilt sa sinabi ni Ninong Marty. I knew it. Masama nga ang loob sa akin ni Ninong Marty kaya hindi niya ako tinatawagan at hindi rin sinasagot ang mga texts ko. I remember na ganoon din siya nang magalit sa akin minsan. He did not confront me and instead he waited for me to tell the truth and to admit my own mistakes. “I’m really sorry, Ninong.” Puno ng guilt ang dibdib ko nang sabihin iyon. “Ayaw ko lang kasi na mag-alala ka pa sa’kin. Okay naman ako, e. Good thing that I can count on Liza anytime.” Gaya ng pakiusap ko kay Liza, ginamit ko muna ang pangalan niya para pa