MY knees began to shake. Hila ng babae si Enrico sa necktie habang naghahalikan at lumalabas sila ng elevator. Hawak naman ni Eric ang balikat ng babae. Parang may guwang sa tiyan ko habang nakikita ko na tila ayaw nilang bumitiw sa isa’t isa. Hanggang sa napansin marahil ng babae na may ibang tao sa opisina kaya huminto ito sa paghalik sa asawa ko at pinagmasdan ako. Lumingon din si Eric. Rumehistro ang gulat sa mukha niya pagkakita sa akin. “N-Naya?” Tumikhim ako upang alisin ang bikig sa aking lalamunan. “M-maglilinis na po ako…S-Sir…” I managed to say, binalewala ko ang sama ng pakiramdam ko sa sandaling iyon. Walang sagot si Eric. Malamig ko silang tiningnan ng kasama niya bago ako tumalikod at binalikan ang aking cart. Kinuha ko ang spray bottle at basahan at sinimulan na ang ak