LABINGDALAWA kaming pinili ni Pierre para tumulong sa housekeeping sa Lax Hotel. Ang sabi ng isang matandang janitor, ganoon daw talaga kapag kinukulang ng tauhan sa mga hotels na pag-aari ng Laxamana Group. Sa main office muna tumatakbo para humingi ng reinforcement. Hinati ang labingdalawang tauhan sa tatlong shifts - mula alas dies ng umaga hanggang alas dies ng gabi ay tig-apat na oras ang magiging assignment namin sa hotel. At para maisegurong hindi maapektuhan ang trabaho ko sa office ng CEO, inilagay ako ni Mang Tony sa last shift. Kaya sa hotel ako mula alas sais ng gabi hanggang alas dies ng gabi. Pumayag ako. Pumayag ako dahil unang-una, pinili ako ng Managing Director. Hindi ako pwedeng tumanggi kay Pierre. Pangalawa, may atraso pa ako kay Miss Samonte. Naisip kong bumawi ri