(ERIC) PINANOOD ko ang paglabas ni Connie sa aking opisina. Sumandal ako sa mahabang sandalan ng aking swivel chair at tumitig sa ilang dokumento na iniwan ng sekretarya sa aking mesa. Dapat ay sinisimulan ko nang i-review ang mga reports na ‘yon pero, parang ayaw makisama ng isip ko. It is apparently a non-productive day. Kaninang umaga ay ipina-cancel ko rin kay Connie ang meeting ko sa ilang executives ng Laxamana Group para lang magkulong sa opisina, tumulala at mag-isip. I am too preoccupied to think about anything else. Walang ibang naglalaro sa isip ko kundi ang nangyari sa amin ni Naya. Parang naririnig ko pa ang mga impit na sigaw niya. Hindi ko maalis sa gunita ko ang mukha niyang dumadaing habang nasa ilalim ko. Parang ramdam ko pa rin ang lambot ng katawan niya na halos mad