Kabanata 5

1562 Words
“ERIC, darling!” masayang bungad ng bisitang nababaan ko sa living room ng aking mansion. Naabisuhan na ako ng mayordoma sa pagdating ni Florabelle kaya hindi na ako nasorpresa na makita siya sa umagang iyon. Tumayo ito mula sa sofa at lumapit sa akin upang bigyan ng beso sa magkabilang pisngi. She was out of the country in the past few weeks, enjoying the luxury that my father had left her. “I am glad that I came earlier dahil kung hindi ay malamang na hindi kita makikita man lang ngayong araw. Your secretary called me at the last minute only to announce that she had to cancel my appointment with you. Nalimutan raw niya na may importante ka palang video conference sa araw at oras na ibinigay niya sa akin. Oh, Eric, I can’t imagine how incompetent your secretary is!” umiiling na sabi nito. “Connie’s doing her job well. Hindi ko pa nakita minsan ang incompetency na sinasabi mo.” Pinanatili ko ang seryoso kong mukha nang sabihin iyon. Nagusot ang perpektong mga kilay ni Florabelle. Alam kong hindi niya nagustuhan ang pagtatanggol ko sa aking sekretarya pero, pinili nito na magkibit-balikat at manahimik na lang. Maya-maya ay ngumiti ito nang matamis. “Anyway, Eric,” anito at sandaling bumalik sa sofa upang kunin ang ilang paper bags na naroon, “I brought you something from Paris. You can wear these for any occasion and even for your board meetings and to your business related trips. See them for yourself.” Iniabot niya sa akin ang mga hawak. Imbes na kunin ko ang mga shopping bags ay nilingon ko si Nanay Thelma na naroon sa entrada ng dining area. Ito ang naging yaya ko mula pa noong tatlong taong gulang hanggang sa ako ay nagbinata. Nang magdesisyon akong bumukod ng tirahan mula sa bagong pamilya ni Papa ay isinama ko rin siya. Siya ngayon ang mayordoma ng aking mansion. “’Nay Thelma, pakidala na lang ang mga ito sa kwarto ko,” sabi ko sa matanda.  Agad namang kumilos si Nanay Thelma para sundin ang utos ko. Pagtalikod nito ay tumingin ako kay Florabelle.  “Kailangan ko na ring umalis. Maraming naghihintay na trabaho sa akin sa office.” Tumango ito. Bahagya siyang lumapit sa akin at masuyong inayos ang lapel ng suot kong coat. Pagkatapos ay itinaas niya ang mukha sa akin at mataman akong pinagmasdan. “You were successfully raised to be a real fine man, Eric. Whenever your father is right now, he must be so proud of you.” My lips curved in a lopsided smile. Hindi na lang ako nagkomento sa sinabi niya. Nag-iba naman ang reaksiyon ni Florabelle. Biglang nabantuan ng lungkot ang mukha niya.  “I miss your father so much, Eric. Hindi ko alam kung kailan ko lubos na matatanggap na wala na siya,” wika nito. I clenched my teeth. Sa pagkakatanda ko ay isang buong linggong namighati si Florabelle nang mamatay ang aking ama. Ang mukha niyang umiiyak ay buong linggong napanood sa local television news pero, pagkatapos ng pagkatapos ng libing ni Papa ay nakakangiti na ulit siya sa harapan ng mga reporters. “Do you know why I went to Paris, hmm, Eric?” tanong nito at muli akong tiningala. “Dahil iniiwasan kong isipin na wala na si Ricardo at iniwan niya akong malungkot at nag-iisa. I really feel so alone, Eric…” Niyakap nito ang sarili at nagsimulang humikbi. I pulled an air. Hinayaan ko muna ang biyuda ni Papa sa pag-iyak ito nang walang na luha at nang tumigil na ito sa mga paghikbi ay tumikhim ako. “I really have to go. Thank you for the presents but, next time that you go on a trip, refrain from buying anything for me, okay?” Natigilan si Florabelle. Binaha ng pagkalito ang mukha niya. “W-why? Eric, it’s all right! Masaya akong gawin ang mga ito para sa’yo!” Pinaseryoso ko lalo ang aking mukha bago siya sinagot. “I am not comfortable with it, Belle. So just do what I say.” Natahimik ito. Pagkatapos ay pilit na ngumiti sa akin at saka tumango. Paglabas ko ng mansion ay kasunod ko na rin si Florabelle. Ilang beses muna itong nagpaalam sa akin bago dumirecho sa naghihintay na sasakyan.  Pinauna ko itong umalis bago ko pinatakbo ang aking kotse palabas ng gate ng mansion. Sa biyahe ay tinawagan ko si Levi para kumpirmahin ang ilang bagay mula rito. Kagabi kasi ay nakarating sa akin na may isang insurance company na bago pa lang nag-ooperate at nasa Batangas ang nag-offer kay Marty Pedeglorio ng job position. “Good news, Mr. Laxamana! Marty’s application was rejected. Timing ang pagpapadala ko ng email sa opisina ng insurance company. Mukhang hindi sila nagsasagawa ng background check sa mga aplikante nila.” “Okay,” ang tanging naisagot ko sa balitang iyon. Naalala ko na naman ang mukha ng inaanak ni Pedeglorio. “Nakumpirma ko rin na wala kahit isang lending agency ang gustong magpautang kay Pedeglorio," pagpapatuloy ni Levi. "His savings accounts are closing, soon. Hindi ko ma-imagine ang gagawin niya kung pati ang bahay at lupang tinitirhan niya ay mailit na rin ng bangko.” Napabuga ako ng hangin. “All right, Levi, tatawagan na lang ulit kita.” I ended the call. Pagdating sa Laxamana Building ay naroon na sa mesa nito ang aking sekretarya. Kasunod ko agad siya pagpasok ko ng opisina. Inisa-isa niya ang schedule ko sa araw na iyon. “Bakante ang oras mo mamayang alas dos ng hapon. Shall I call Mr. Gatdula and tell him that he can come to your office during this hour?” “No. May bisita akong darating kaya hindi rin ako pwede. Hanapan mo na lang ng ibang oras si Mr. Gatdula bago matapos ang linggong ito.” “Noted, Sir. Anything else, Sir Eric?” “Wala na. Bumalik ka na sa mesa mo.” Paglabas ni Connie ay nagsimula na rin akong magtrabaho. Dalawang magkasunod na video conferences ang pinangunahan ko sa umagang iyon. Pagdating ng alas dose ay nagpa-take out ako ng lunch kay Connie mula sa paborito kong restaurant. Pagpatak naman ng ala una ay maya’t maya na ako napapahinto sa binabasa kong financial report. Hindi ako sigurado kung darating si Naya. I warned her that she could not come back to my office to talk to me if she would not accept the check that I was giving her. Obviously, hindi siya nabahala sa aking banta. Hindi niya kinuha ang binibigay kong regalo. Bagkus ay magalang siyang nagpaalam bago tumalikod at lumabas ng opisina ko. My eyes narrowed at the thought of the stubborn girl - rather proud, poor orphan who was unfortunately raised by an opportunist. Iiling-iling ako bago nagpatuloy sa aking ginagawa. Limang minuto bago mag-alas dos ay tumayo ako sa aking swivel chair at direcho ang likod na lumabas ng aking opisina. Hindi ko napigilan ang lihim na pagngiti nang makita ko sa hallway na kasunod ni Connie si Naya. I stopped in front of my office. Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na ang aking sekretarya. May sinabi ito pero, ang atensiyon ko ay naroon kay Naya na nakatingin sa akin. “Good afternoon, Mr. Laxamana,” bati niya. Pormal akong tumango bago binalingan ang aking sekretarya. “You can go back to your place, Connie.” Nang iwan kami ni Connie ay nakipagtitigan pa ako sa aking bisita nang ilang segundo bago pormal na inimbitahan siya sa loob ng office ko. Nauna akong pumasok. Hinawakan ko ang pinto at hinintay munang makapasok si Naya bago ko iyon isinara. “Have a seat.” Inilahad ko sa kaniya ang swivel chair sa harapan ng aking mesa. Bumalik na rin ako sa aking upuan. Hinintay ko namang makaupo si Naya bago muling nagsalita. “Do you have anything to say before we go on to our topic?” Tumango si Naya. Maliit itong ngumiti bago sumagot. “Gusto kong magpasalamat na binigyan mo ulit ako ng oras para makausap ka at malaman ang desisyon mo tungkol sa hinihiling ko. I honestly thought that it would be difficult for me to see you this afternoon, Mr. Laxamana, so thank you.” “You’re welcome,” tugon ko at pinagmasdan siyang mabuti. Sa mga mata niya ay naaninag ko ang pagsilip ng pag-asa kaya bago pa ako magdalawang-isip ay hindi ko na pinatagal ang aking sagot. Tumikhim ako. “Regarding to your request, I know this will disappoint you pero, nakapagdesisyon na ako na h’wag ipaalis sa blacklist ang pangalan ng ninong mo. I will not put my power and position at risk by changing my mind about it and I hope that it is clear to you, Naya” She looked shock. Her lips were parted as she stared back at me. "I-is... that your final decision, Sir?" marahang tanong niya. Hindi ako agad sumagot. Masusi ko siyang pinagmasdan bago ko binuksan ang tungkol sa isang bagay na ilang gabi nang naglalaro sa isip ko.  "My decision can change but, it will depend on your answer." Nagusot ang makinis na noo nito sa aking sinabi. "My answer? N-naguguluhan ako, Mr. Laxamana. Ano ang kailangan kong sagutin?" Ilang sandali muna kaming nagtitigan bago ko lubos na pinaseryoso ang aking mukha. "Will you be my wife, Naya Robles?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD