Kabanata 6

1351 Words
MISTULA akong nabingi nang ilang segundo sa sinabi ng CEO. “W-what?” ang tanging nasambit ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot. At sa kabila ng kalituhan ay hindi nakaligtas sa pakiramdam ko ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Pakiwari ko ay tumatalon ang puso ko. Siguro ay dahil aminado akong attracted kay Enrico. “Kailangan ko ba talagang ulitin? I’m sure you heard me clearly.” “Y-yes…but…. I-I didn’t get it. Is that... is that a joke?” namimilog ang mga matang tanong ko. Sa lakas ng t***k ng puso ko, pakiramdam ko nga ay umaabot na iyon sa aking lalamunan. Thankfully that I am seated. Dahil nanginginig din ang mga binti ko. Seryoso niya akong tiningnan. “Do you think a person like me still have time to c***k a joke?” Hindi ako nakasagot. Napaawang ang mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko susundan ang sinabi niya. “What do you say, Naya? Pakakasalan mo ba'ko?” Nalilitong tumingin ako sa mukha niya. “You’re unbelievable, Mr. Laxamana! Do you even know that I just turned nineteen yesterday?” “I know. And by the way, belated happy birthday.” Hindi man lang nababago ang facial reaction ng CEO nang sabihin iyon.  Napakurap-kurap naman ako. Naguguluhan talaga ako at hindi pa rin makapaniwala. Gusto kong isipin na sa bandang gitna ng pag-uusap namin ay bigla na lang siyang tatawa at sasabihing, ‘It’s a prank’ but, no. Not Enrico. Wala sa pangalan niya, sa posisyon at sa hitsura niya ang makikipaglokohan nang ganoon. Tama rin ang sinabi ng CEO na hindi ang gaya nito ang mag-aaksaya ng oras sa pagbibiro. “Pinag-iisipan mo na ba ang isasagot mo sa akin? I would be glad to know that you’re accepting it.” Tiningnan ko siya nang direcho sa mga mata. “B-bakit mo ba ako inaalok ng kasal? Anong dahilan?” Kahit ang totoo ay nakakalunod pagmasdan ang perpektong katangian niya, ginawa ko iyon upang siguro ay makita sa mga mata nito ang totoong dahilan. “I need a wife. At nagkataong ikaw ang napili ko kaya ikaw ang inaalok ko ng kasal.” “Mr. Laxamana, let me remind you that this is only the second time that we meet. I am only nineteen. And you are…” “And I’m too old to be your husband, is that what you want to say?” Natigilan ako. Kontra naman agad ang isip ko sa sinabi nito. I sighed and then shook my head. “N-no. H-hindi sa gano’n.” “I am only thirty-one, Naya. Sa tingin ko naman ay hindi pa ako ganoon katanda para maging asawa ng isang dies y nueve anyos.” “Mr. Laxamana… nawawala na tayo sa totoo nating topic. Alam mo kung ano ang ipinunta ko.” “And you must have forgotten also that this has something to do with your request.” Natahimik ako. At sa kabila ng nararamdaman kong kaba at pagkailang ay pilit ko pa ring sinalubong ang matiim na titig ni Enrico. He wanted to marry me. The elusive and handsome CEO was asking me to be his wife. Gusto kong malula! “Kapag pumayag ka, ibibigay ko agad ang hinihingi mo,” pukaw nito sa pananahimik ko. “I am true to my words. Kapag sinabi ko ay ginagawa ko. At hindi lang ‘yon ang magiging reward mo kapag pumayag ka. Bibigyan ko rin ng recommendation ang ninong mo sa kahit aling malalaking kompaniya na gusto niya. I can take him back to one of my companies. A lot of opportunities will come his way.” Nakunot ang noo ko. “But you told me earlier na hindi mo pwedeng baguhin ang desisyon mo dahil pwedeng malagay sa alanganin ang iyong kapangyarihan at posisyon.” “That’s true. But I can do anything for the woman that I am going to marry.” “Hindi pa ako pumapayag, Mr Laxamana. As a matter of fact, hindi ko ma-imagine na magpapakasal ako sa ganitong edad ko. At sa isang gaya mo? This is ridiculous. This is… outrageous. Nalalabuan talaga ako.” “Then let me enlighten you. Naya, hindi ka habang buhay na nineteen years old. Darating ka rin sa edad ko at malamang bago pa ang sandaling iyon, maiisip mo na ang mag-asawa at ang pagbuo ng sarili mong pamilya. Ano ngayon ang kakaiba sa konsepto ng pagpapakasal sa ganiyang edad?” “Siguro nga wala. But my idea of marriage is like those of the ordinary people. I want to fall in love.” “Fall in love with me then. Sa tingin mo ba ay imposible ‘yon? Why do you think being my wife is horrendous? Do I look like a monster?” Natahimik ako. Kailangan ko bang sagutin ang tanong na iyon? I bet Enrico knows how gorgeous and appealing he is in the eyes of the women and he asked it only to emphasize the truth. Pasimpleng arogante. Nauntag ako sa banayad na pagtikhim nito. Itinaas ko ang tingin ko sa kaniya. “Why is it hard for you to decide, Naya? You should consider yourself lucky because as a wife you’ll also get all the privileges of your husband’s wealth.” “I am not after your money, Mr. Laxamana,” mariing wika ko. “You’re not after my money but, you cannot deny the fact that you’re in need of financial help. Isa pa rin ang pera sa mga dahilan kaya ka narito. Ginagawa mo ito para makakuha ng bagong trabaho ang ninong mo na siyang kaisa-isang nagsusustento sa pag-aaral at mga pangangailangan mo.” Ilang sandali akong hindi nakakibo bago ko naisip ang sasabihin. “H-hindi rin papayag si Ninong Marty na magpakasal ako. Kahit pa sabihin na sa isang taong kasing yaman mo.” Dahan-dahan at sabay na umangat ang makakapal na kilay ni Enrico. Base sa reaksiyon niya, parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Marahan akong bumuga ng hangin. I saw him moved from his chair and leaned his arms on his desk. “Okay. Then let’s keep this from his knowledge. You don’t have to tell him, anyway. You don’t need to ask for his permission because you're already an adult. You can decide for yourself.” “What? At tuturuan mo pa akong magsinungaling sa taong halos magulang ko na? At paano kung malaman ni Ninong sa ibang tao? You're a big name, Mr. Laxamana.” “Trust me, Naya. Kung papayag kang magpakasal sa akin at hindi mo naman gustong malaman ng Ninong mo ay mangyayari iyon. Everything I do is for you and also for your godfather’s welfare. Hindi madali sa akin ang magpalit ng desisyon gayong milyones ang nawala sa kompaniya ko pero, gagawin ko kung ‘yan ang hiling mo. May kapalit nga lang.” “B-bakit ang pagpapakasal ko sa’yo ang gusto mong kapalit? Speak honestly, please? May … may gusto ka ba sa akin?” Hindi siya agad sumagot. Nanatili lang ang blangkong reaksiyon niya habang nakatingin sa mukha ko. Nakaramdam ako ng pagkailang Tama ba ang itinanong ko? Did I sound conceited? “You’re young, intelligent and beautiful. Nasa ‘yo ang mga katangian na nararapat lang sa magiging asawa ng isang gaya ko.” He didn’t directly answer my question. Gusto ko tuloy mapahiya.  “Hindi mo rin kailangang mag-alala dahil wala akong gagawin na hindi mo gusto. You can live safely with me under one roof. I won't touch you if you don't feel comfortable with it. I have never forced a woman in bed.” Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. “I- I don’t even want to think about it...” “Pag-isipan mo na lang ang isasagot mo. Bibigyan kita ng dalawang araw.” “Two days? Gano’n kabilis?” “Mahalaga ang oras sa kagaya ko, Naya. H’wag mo ring kalimutan na sa ating dalawa, ikaw ang mas nangangailangan nang madaliang desisyon. At sa magiging sagot mo nakasalalay ang magiging desisyon ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD