“BAKIT hindi mo tinanggap ang binibigay na pera ni Mr. Laxamana?” tanong sa akin ni Liza. “Remember, Naya, kailangan mo nang magbayad ng upa rito sa dorm at kulang pa kamo ang tuition fee mo.”
Nilunok ko muna ang laman ng aking bibig at saka maingat na uminom ng tubig. Liza visited me to check on me and also to bring me some food. Kung hindi sa dinalang take-out meal ni Liza, malamang na hindi na muna ako maghapunan. Sobrang pagtitipid ang ginagawa ko nitong mga nakaraang linggo. Kanina nga ay late na ang lunch ko at isang corndog pa ang aking nabili at kinain paglabas ng university.
“Solved na dapat ang problema mo sa mga bayarin kung tinanggap mo lang ang binibigay niya.”
“I am not after his money, Liza. Hustisya ang hinihingi ko sa kaniya. Well, hindi ko directly hiningi ‘yon pero, kung nag-decide siyang ipaalis ang pangalan ni Ninong Marty sa blacklist that is already equivalent to justice and fairness.” Matibay talaga ang paniniwala ko na walang kapabayaan sa side ng Ninong ko. I knew him when it came to his profession.
“I understand, Naya but, it’s not that simple. He’s the CEO of a big conglomerate. He has to protect everything that is under his control and power. Hindi siya basta magdedesisyon na alisin ang pangalan ni Tito Marty sa blacklist dahil makukwestiyon ang magiging pasya niya. Pero siguro dahil nakita ni Mr. Laxamana na nadamay ka sa mga nangyari, naawa siya sa’yo kaya gusto niyang bigyan ka ng pera, but you just refused to accept it.”
“Kung tinanggap ko ‘yon, ano sa palagay mo ang iisipin niya?” balik ko kay Liza. Hindi siya nakasagot. Nagpatuloy ako. “Kung kinuha ko ang cheke, baka akalain niyang pera talaga ang dahilan kaya ko siya nilapitan at kinausap.”
Natahimik ito. Itinuloy ko ang pagkain. Maya-maya ay napabuntung-hininga si Liza.
“Paano na ‘yan ngayon, Naya? Kung hindi mo tinanggap ang pera, ibig sabihin, hindi ka na rin makakabalik sa Laxamana Building?”
Tiningnan ko siya. Iyon nga ang sinabi ni Mr. Laxamana pero, hindi naman pwedeng basta na lang ako sumuko.
“’Yon ang sabi niya pero, susubukan ko pa rin. Bahala na kung anong mangyari basta babalik ako roon para alamin ang sagot ni Enrico Laxamana.”
Nang gabing iyon bago ako matulog ay hindi ko napigilang balikan sa isip ko ang pagtatagpo namin ng CEO. Ewan ko pero, para akong nasu-suffocate kapag ini-imagine ko ang gwapo niyang mukha at ang malapad na mga balikat. He’s big and he's tall. Sa height kong five feet three inches, magmimistula akong duwende kapag itinabi sa kaniya. His gorgeousness was undeniably intimidating. Parang kaya niyang mandurog ng isang sa pamamagitan lang ng tingin.
Tumihaya ako sa pagkakahiga at tumitig sa kisame. Hindi mabura sa isip ko ang mukha ng CEO. Maybe because that was the first time that I met someone like him. I could not even believe that a person like him actually existed. He had this kind of magnetic personality that would make people be drawn to him yet being close to Enrico seemed to be dangerous as well. Para ba siyang makislap na apoy sa mata isang munting gamu-gamo.
Hindi ko alam kung anong oras ako tuluyang nakatulog pero, paggising ko ay ang pangalan at mukha ng CEO ang unang pumasok sa isip ko. I was a little bit alarmed when I realized that I could be attracted to him.
“Hi, Ninong! How are you this morning?” bati ko sa Ninong Marty ko nang tawagan ko siya nang umagang iyon. Kasalukuyan akong naghahanda sa pagpasok sa school pero, gaya ng nakaugalian ko na, tatawagan ko muna siya para kumustahin.
“I’m good. I am on the way to my interview today in a company located in Batangas. Hopefully, this time, magustuhan ko na ang offer at benepisyong ibibigay nila. Alam mo naman ag Ninong Marty mo, maingat sa pagdedesisyon pagdating sa bagay na ‘yan. I know my capabilities. At natural na ang hahanapin ko ay ang kompaniyang tatapat ng serbisyo ko.”
Napangiti na lang ako. Alam kong hindi totoo ang sinasabi ni Ninong Marty. Since he was terminated from his former job, he had been applying for even the lowest position. Nalaman ko lang ang tungkol doon mula kay Nana Malou na matandang kasambahay namin sa Laguna.
“Uhm… Hija, tungkol pala sa tuition fee mo… I am afraid that we have to make a promissory note this time since nagkaproblema ang funds ko sa dalawang bangko.”
Tumikhim ako. “S-sige po, Ninong. Ako na po ang bahalang gumawa ng promissory note.”
“Pasensiya ka na, Hija. Wala kasi akong oras para asikasuhin ang tungkol doon. The bank personnel advised me to update my information pero dapat ay personal akong magpunta. Anyway, once it’s done, my accounts will be ready for any transaction.”
Hindi na ako sumagot. I knew that there’s nothing like that. Dahilan lang iyon ni Ninong para pagtakpan ang totoo dahil kahit hindi niya sabihin, alam kong ubos na ang savings niya.
Nagpaalam na ako kay Ninong Marty. Pagbaba ko sa lobby ng dorm ay nasalubong ko naman ang aming landlady na si Mrs. Samson. Ang totoo ay inagahan ko talaga ang pag-alis para hindi kami magkita. Pero mukhang nakakutob siya kaya maagang bumisita sa dorm.
“Good morning, Mrs. Samson,” bati ko sa landlady.
“Good morning. Nagpunta ako para kunin ang dalawang buwang bayad mo sa dorm room at utilities?”
Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. “Pasensiya ka na, Mrs. Samson, pero wala pa akong maibibigay. But don’t worry dahil ginagawan ko naman po ng paraan. Promise po, kapag nakakuha ako ng pera ay ididirecho ko agad sa inyo.”
“Isang buwan nang ganiyan ang sinasabi mo, Naya. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako. Mabuti nga at pumayag akong buwan-buwan ang pagbabayad mo kahit ang regulasyon ko ay pang-isang buong taon ang dapat bayaran sa pagtira rito sa dormitoryo.”
“Naiintindihan ko po, Mrs. Samson. Hindi ko naman po kinakalimutan ang obligasyon ko. Ang hinihingi ko lang ngayon sa inyo ay kaunti pang pasensiya.”
“Hindi naman pwedeng puro pasensiya na lang, Naya. Ang dormitoryong ito lang ang inaasahan ko at may dalawa rin akong anak na pinag-aaral at sinusuportahan.”
Hindi ako sumagot. Naiintindihan ko naman siya pero, wala talaga akong magawa sa ngayon. Ayoko namang mangako dahil baka lalo siyang magalit.
“Ganito na lang, Naya, bibigyan pa kita ng isang linggo. Kapag hindi ka pa rin nakabayad, magpasensiyahan na lang tayo. Kailangan mo nang bakantehin ang pwesto mo, nagkakaintindihan ba tayo?”
“I-isang linggo po, Mrs. Samson?” nagugulat na tanong ko.
“Oo. Isang linggo. Ginagawan mo kamo ng paraan, di ba? Siguro naman ay sobra na ang isang linggo para makabayad ka. Maliwanag ba ‘yan, Naya?”
Wala akong nagawa kundi ang tumango. Bahala na. May magiging pera naman ako galing sa ilang schoolmates ko na nagpagawa sa akin ng case study report nila. Baka kahit isang buwan ay makabigay ako kay Mrs. Samson. Pakikiusapan ko na lang ulit siya para sa matitirang isang buwan pa.
Pagkatapos naming mag-usap ng landlady ay lumakad na ako papasok sa university. Walking distance lang ito mula sa dorm kaya nga hangga’t maaari sana ay roon ko pa rin gustong mag-stay.
Isa pa, kung sakaling lilipat ako sa ibang dormitoryo, kakailanganin ko pa rin ng pambayad. Kaya alinman ang piliin ko, isang bagay lang ang magiging pinakamalaki kong problema - pera.