BINALUTAN ko ng panyo ang aking siko upang maiwasang magalaw. Ramdam ko kasi ang sakit sa kaunting kilos lang. Lumabas ako ng janitor’s lounge upang kumuha ng tubig sa hallway. Nasalubong ko roon si Pierre. “Hi! Lunchbreak n’yo na, ‘di ba?” “Oo. Bababa na nga ako sa canteen,” sagot ko pero, tila nawala ang atensiyon niya sa sinasabi ko. Nagusot bigla ang noo ni Pierre nang dumako ang mga mata nito sa aking siko. “Napaano ‘yan?” Lumapit pa siya sa akin at maingat na hinawakan ang aking braso. Bahagya ko nang naiiwas ang braso ko dahil masakit kapag nagagalaw ang aking siko. “What happened? Nasugatan ba ‘yan o ano?” “May kaunting bali yata. Napatuon kasi kanina noong na-off balance ako.” “Kaunting bali? There’ no such thing as that. Patingnan natin ‘yan ngayon din sa emergency. Sasa