“THURSDAY lang ang bakante ko this sem. May tig-dalawang oras na klase ako tuwing Sabado at Linggo. Ikaw, Naya?” Naupo kami sa bench ng picnic table. Katatapos lang namin ni Liza na kumuha ng schedule. We can actually do it online pero, dahil pinag-usapan namin na magkikita ngayon ay nagpahatid ako sa temporary driver ko sa university. Naroon na si Liza nang dumating ako. “Whole week may pasok ako. Umaga hanggang hapon. Then Sabado may isang oras na community service sa umaga.” Tumango-tango ako. “Perfect. Linggo lang ako nasa mansion at malamang hindi rin kami magkikita ni Eric kasi parati siyang naggogolf kapag Linggo.” Nalungkot ang mukha ni Liza. “Hindi na ba talaga kayo magiging okay?” Sandali akong nag-isip bago umiling. “I don’t know, Liza. Pero masasabi kong mas okay ang sitw