NAITAWID ko ang unang nagdaang linggo na pinagsasabay ang pag-aaral at pagduduty sa hotel. Aaminin kong hindi madali pero, kinakaya ko naman. Isang linggo pa ang dumaan. Para malabanan ng katawan ko ang pagod ay dinagdagan ko pa ang tine-take kong vitamins. Bumabawi rin ako kain at healthy food pa lagi ang inihahanda ni Poleng para akin. Ang hindi nga lang maiwasan ay ang magkulang sa tulog na binabawi ko tuwing day-off. Sa umaga ang simula ng klase ko. May schedule ako na nag-uumpisa nang alas ocho, at mayroon ding alas nueve ng umaga. Tumatagal ang pasok ko hanggang hapon. Ang pinaka-late na tapos ng klase ko ay alas kwatro y media kapag Miyerkules, kaya nagmamadali ako tuwing Miyerkules dahil alas sais ang start ng duty ko sa hotel. Alas dos ng madaling araw ang awas ko kaya puyat di
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books