ITINULAK ko palabas ng elevator ang janitorial cart. Buong umaga yata ako tinuruan ng isa sa mga taga-housekeeping kaya ramdam ko na agad ang pagod hindi pa man ako nagsisimula sa aking assignment. Nadaanan ko ang mesa ni Connie. Nang makita niya ako ay agad siyang natigilan. Nakabadya sa imahe niya ang magkasamang gulat at pagtataka. Tumayo siya. “Miss Naya…?” Pinilit ko ang isang ngiti kahit nakakangawit sa braso ang pagtutulak ng cart. “Hi. Maglilinis na kasi ako ng office ni Er- ni Mr. Laxamana. Nariyan ba siya sa loob?” Hindi sumagot si Connie. Agad siyang lumapit sa akin, parang hindi siya makapaniwala habang pinagmamasdan ako. “S-sigurado ka ba, Miss Naya? Ikaw ang maglilinis ng opisina ni Sir Eric?” tanong niya. Nagkibit ako ng balikat. “Ito kasi ang trabahong binigay niya