“ARE you serious?" di-makapaniwalang tanong ni Isaias. "Eric, you asked a nineteen-year-old girl to marry you? Ang daming babaeng umaaligid sa’yo at naghihintay na tapunan mo ng pansin pero, isang estudyante pa ang napili mong maging asawa?”
Nagkibit ako ng balikat sa tanong ni Iyas. Inubos ko ang laman ng aking baso at saka sumenyas sa waiter. Agad naman itong lumapit upang salinan ng wine ang baso ko. Pagkatapos ay agad ding umalis at bumalik sa dating kinatatayuan.
It’s almost nine in the evening. Pauwi na talaga ako nang tumawag si Iyas para sabihing naroon siya sa restaurant ng isa sa mga hotels na pag-aari ng Laxamana Group. He did not have to invite me to come over. Kusa na akong nagsabi na hintayin niya ako dahil may pag-uusapan kami. Pagdating ko nga ay agad kong sinabi ang tungkol sa pag-aalok ko ng kasal kay Naya.
“You’re smitten. Tama ba ako, Eric?” Narinig kong tanong ni Iyas.
Nagbuga ako ng hangin at saka siya nilingon. “No. I don’t have anything for Naya. It’s just that this is the best way I see for me to have control over her. Kapag asawa ko na siya, mas mababantayan ko ang mga galaw niya. Sabi nga, keep your friends close and your enemies closer.”
“Hindi pa ba sapat na pinasusundan mo na siya kay Levi?”
“No, it’s not. Gusto kong ako mismo ang nakakakita sa mga galaw niya. Honestly, gusto kong makilala siya nang mas malalim pa. Ilang beses ko ‘tong pinag-isipan, Iyas. It’s a good thing that Naya has no relationship to anyone so it became easy for me to ask her.”
“How did the lady react? Natuwa ba siya, natakot, nagalit… what?” he asked in amused reaction.
“As expected she’s shocked. Nakit ko rin ang takot niya sa idea ng pagpapakasal sa ganoong edad. And she even mentioned about falling in love." Sinundan ko nang bahaw na tawa ang sinabi kong iyon.
"Typical for a teenager," komento ni Iyas.
Nagkibit ako ng balikat. "Whatever. Matalinong babae si Naya kaya alam ko namang naintindihan niya ang mga dahilan ko. She’s just confused but I’m sure she can see clearly how beneficial it would be if she accepts my proposal.”
“So you now believe that Naya is an enemy? Paano kung nagkakamali ka at inosente pala siya?”
“That’s the one thing I will soon find out. Kung madiskubre ko na inosente siya, walang problema dahil palalayain ko agad siya. But if it's the opposite then I will have to do what's necessary. At hindi pwedeng makaligtas basta si Naya.”
“Sa tingin mo ay papayag si Marty na magpakasal sa’yo ang inaanak niya?”
“’Yan din ang sabi ni Naya. But then I told her that she doesn’t need to inform her godfather. Sinabi kong pwede na siyang magdesisyon para sa sarili niya without the consent of anyone.”
“Eric, nalalabuan yata ako?” ani Iyas. Nadagdagan ang mga guhit sa noo niya. “Naniniwala kang may alam si Naya sa mga ginagawa ng Ninong niya pero, pinayuhan mo siya na h’wag ipaalam dito ang tungkol sa kasal? Sa tingin mo ba kapag sinabi mo ay iyon mismo ang gagawin ni Naya? Of course, she would tell her godfather about it. Baka nga sa oras na ito na nag-uusap tayo ay kausap din ni Naya si Marty at nagpaplano na ang dalawa ng magiging hakbang laban sa’yo. Paano kung si Marty pa mismo ang magtulak kay Naya na tanggapin ang proposal mo?”
“That’s better. Ang kalaban na mismo ang naglagay ng magiging bitag niya sa sariling bakuran ko.” Dinampot ko ang baso ko at itinaas sa aking bibig.
Napailing si Iyas. “Eric, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang plano mo.”
Tiningnan ko ang naguguluhang reaksiyon nito. Prente kong isinandal ang aking likod bago siya sinagot.
“Let these people think that I don’t know anything. Bahala silang magplano ng kung ano dahil nakahanda naman ako.”
“Do you think it would be that simple? Matalinong tao si Marty. Siguradong iniisip niya na ginagamit mo lang ang kaniyang inaanak at malamang na gano’n din ang pakiramdam ni Naya sa pag-aalok mo ng kasal.”
“Posible pero isa 'yan sa mga pinag-isipan ko. Ang alam lang ni Marty na kasalanan niya kaya siya pinatalsik sa kompaniya ay ang pagkakadispalko ng pera. Wala silang alam tungkol sa pagpapaimbestiga ko sa pagkamatay ni Papa at sa mga nadiskubre ko. Kapag pumayag si Naya na magpakasal sa’kin, may pagkakataon na si Marty na makabalik sa alinmang kompaniya ng Laxamana Group. At kung pabor sa kanila ang lahat, anong dahilan para isipin niya na ginagamit ko ang inaanak niya?”
“I don’t know, Eric. Hindi pa rin ako sang-ayon sa gagawin mo. You’re just giving your enemies the best opportunity to cause more harm on you. Paano kung ang buhay mo naman ang manganib? Kapag pinakasalan mo si Naya ay automatic na magiging legal mo siyang tagapagmana. At mas madali nang mapunta sa mga kalaban ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan na meron ka.
“Pinaghandaan ko na ang tungkol sa bagay na ‘yan. Don’t worry, Iyas. Mas armado pa rin ako kaysa sa mga kalaban,” may kumpiyansang sagot ko. Nabaling ang atensiyon ko sa pagtunog ng aking cellphone na nasa ibabaw ng mesa. Nang damputin ko iyon ay nakita kong si Levi ang tumatawag. I accepted his call.
“Yes, Levi?”
“Mr. Laxamana, may kaunti tayong problema.”
Nagusot ang noo ko. “What is it?” Napahugot na lang ako ng hangin matapos na marinig ang sagot ni Levi. “Pupuntahan ko siya.” Pinatay ko agad ang linya. Tumingin ako kay Iyas.
“”May problema?”
Tumikhim ako bago tumayo. “Nothing serious. Anyway, I have to go. May aayusin lang akong ilang bagay.”
“May kinalaman sa itinawag ni Levi? Hindi mo ba sasabihin sa akin kung ano ‘yan?”
Tumango-tango ako. “Some other time, Iyas. I really need to go.”
Nagkibit siya ng balikat. “All right. See you then.”
Pagkapaalam kay Iyas ay naggdire-direcho na ako palabas ng hotel. Sinenyasan ko agad ang parking valet. Nang nasa sasakyan na ay tinawagan ko si Levi.
“Isn’t it against the university regulation? Gan’yan ba sa eskwelahan na ‘yan? Bakit walang konsiderasyon sa mga mag-aaral?”
“Mr. Laxamana, hindi isang university dorm ang tinutuluyan ni Naya kaya hindi ito sakop sa regulasyon ng eskwelahan. It’s a usual landlord-tenant agreement. Walang kinalaman ang university sa kung paano ang pamamalakad ng may-ari sa kaniyang dormitoryo paupahan.”
I blew an air. “Okay. Ako na ang bahala, Levi. Tatawagan na lang ulit kita.” I ended the call.
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse. Naghanap pa ako ng mga short cut upang makaiwas din sa traffic. Forty minutes later ay bumababa na ako ng kotse. Natanaw ko agad si Naya sa ibaba ng entrada ng gusali at may kausap na dalawang babae. Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit.
“I was trying to call her pero, hindi nagriring ang phone ni Liza.” Narinig kong sabi niya sa mga kausap. Halata ang lungkot sa boses niya.
“Sorry talaga, Naya. Wala kasi akong alam kung saan ka pwedeng tumuloy ngayong gabi.”
Tumikhim ako upang makuha ang atensyon ng mga nag-uusap. I succeeded.
Naunang lumingon sa akin ang mga kausap ni Naya bago siya. At gaya ng inaasahan ko, nagulat ito nang makita ako roon.
“E-Eric- I -I mean… Mr. Laxamana? Anong ginagawa mo rito?” Namimilog ang medyo singkit na mga mata niya.
“Naya, who is he?” tanong ng isa sa mga kausap niya. Parehong titig na titig sa akin ang mga babae. Hindi naman na bago sa akin ang mga reaksiyon nila.
“U-uhm… h-he’s… he’s…” Mukhang hindi alam ni Naya ang isasagot kaya tinulungan ko na siya.
“I am her friend.”
Natigilan si Naya. Ngumiti naman ang mga babae at ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mga ito sa amin. Pagpasok ng dalawa ay hinarap ako ni Naya, bahagyang nakakunot ang noo niya.
“Anong ginagawa mo rito, Mr. Laxamana?”
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tumingin ako sa loob at sa lobby ng dormitoryo ay nakita ko ang mga luggages at ilang kahon. Nagsalubong ang mga kilay ko.
“What happened?” tanong ko kahit alam ko naman ang nangyari.
Nagkibit siya ng balikat at nagbuntung-hininga. “I need to vacate my room, tonight. May kasunduan kasi kami ng landlady ko at hindi ako pwedeng hindi mag-comply.”
“Kahit sa ganitong oras?”
Hindi siya sumagot. I will have to deal with this matter. Oo, gusto kong magkaroon ng mga dahilan si Naya para tanggapin ang inaalok ko pero, hindi makatwiran ang ginagawa ng landlady niya.
“I’ll ask someone to take care of your stuff. Naroon ang kotse ko, sumama ka sa akin.”
“W-what?”
“Don’t be stubborn, Naya,” matamang sabi ko. “Hindi ito ang oras para pairalin mo ang pride mo. Come with me. Stay in my house tonight. Kung saan mo man balak pumunta at lumipat, ipagpabukas mo na. Let’s go.”