“SAAN ka nanggaling kagabi? Bakit hindi ka nagpasundo kay Vener?” bungad sa akin ni Eric pagkadulog ko pa lang sa mesa para sa aming almusal. Hindi ko inaasahang maaabutan ko siya sa umagang iyon. Wala na akong malay kung anong oras siya umuwi kagabi. Noong mga nakaraan ay hindi ko alam kung saan siya nagpupunta sa tuwing ginagabi siya pero, pagkatapos ng mga nangyari nitong nakaraang mga araw, may hinala na ako. “Sa hotel…” maiksing sagot ko at kumuha na ng pagkaing inihanda ni Nay Thelma. “Anong ginawa mo ro’n?” Hindi ko tinitingnan si Eric pero base sa tono niya, halos ma-imagine ko ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. Hindi ako sumagot. Itinuon ko lang ang pansin ko sa pagkain. Malalaman naman niya kung saan ako galing kung nagtatanong siya sa mga taong nakapailigid sa aki