“THANK you so much for coming, Sir, Ma’am. Congratulations again on your wedding!” Narinig ko ang sinabi ni Kendra sa kausap na mag-asawang guests. Nasa duty na ulit ako sa Lax Hotel. Bago ako nagpahatid kay Kuya Vener ay nauna nang umalis ng mansion si Eric. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Sa daan ay binilinan ko si Kuya Vener kung saan ako pwedeng ibaba na walang makakita sa akin na kakilala. Apat na oras lang naman kaya nagpahintay na ako kay Kuya Vener. Pagdating ko sa employee’s lounge ng hotel ay naroon na rin ang tatlo kong kasama. Tinanong nila ako kung bakit hindi ako sumakay sa service vehicle na sumundo sa kanila sa dating pick-up point. Sinabi kong naiwan ako kaya nag-commute na lang. Ilang sandali pa ay umalis na ang mag-asawa. Hinarap ako ni Kendra at tinanong. “B