NAPATAYO ako sa aking kinauupuan nang makita kong parating si Miss del Mundo - ang secretary ng CEO ng Laxamana Group of Companies. Napigil ang aking pagngiti nang makita kong seryoso ang mukha niya habang palapit sa kinaroroonan ko.
“Miss Naya Robles,” she acknowledged.
Alam kong kilala niya ako dahil bukod sa dalawang beses na akong tumawag at nakausap siya, dalawang beses din akong humarap sa sekretaryang ito upang humingi ng appointment sa CEO ng Laxamana Group.
Sa dalawang beses na pagtawag at dalawang beses na pagharap ko sa kaniya ay bigo ako. Hindi raw kasi basta-basta nakikipag-usap ang CEO kung hindi naman tungkol sa kompaniya at negosyo. Kaya naman laking tuwa ko nang kahapon ay tanggapin ko ang tawag niya at bigyan ako ng appointment kay Mr. Laxamana.
“Good morning, Miss del Mundo!”
“Good morning. The CEO is waiting for you. Sumunod ka na lang sa akin sa itaas.”
Pagtalikod niya ay napahakbang na rin ako. Napansin ko kasi ang maliksing kilos niya. Binilisan ko rin ang paglakad upang hindi niya ako maiwanan.
Sumakay kami sa elevator. Bukod sa amin ni Miss del Mundo ay may tatlo pang marahil ay mga empleyado ang kasama sa loob. Pagdating sa twentieth floor ay lumabas na ang tatlo. Sa twenty-fourth floor naman ang opisina ng CEO ng Laxamana Group.
Pagdating sa tamang palapag ay pinauna kong lumabas si Miss del Mundo. Sumunod lang ako sa kaniya. Nadaanan namin ang kaniyang mesa. Huminto siya roon at may kinuhang ilang folders.
“Let’s go.”
Sumunod ulit ako sa kaniya. Dalawang beses kaming lumiko sa malapad na hallway bago namin nasapit ang pinto ng CEO’s Office. Nakita ko ang nakapaskil na pangalan roon: ENRICO G. LAXAMANA - Chief Executive Officer
Dalawang warning knock ang ginawa ni Miss del Mundo bago nito maingat na pinihit ang seradura. Sumilip siya at pagkatapos ay seryosong nilingon ako.
“Pumasok ka na.”
“P-po?”
Niluwangan niya nang bahagya ang bukas ng pinto bago inilahad sa akin.
“Don’t make him wait.” Pagkasabi niya noon ay umalis na siya at nagtungo sa ibang direksyon.
Naiwan akong mag-isang nakatayo sa harap ng pinto. I calmed myself. Pagkatapos ay dahan-dahang kong itinulak ang pinto habang dahan-dahan ding pumapasok. Nang nasa loob na ay maingat kong isinarado ulit ang pinto.
Hindi ko napigilang igala ang paningin ko sa buong opisina. It is huge. Maaliwalas sa paningin ang kulay off-white na kisame at mga dingding. Gray ang tile flooring at off-white din ang kulay ng carpet. Moderno ang disenyo ng mga furnitures na gawa sa dark wood. Sobrang lamig din sa loob na kahit naka-long sleeves na ako ay gusto ko pa ring ginawin.
Nasa pinakagitna ng opisina ang malapad na office table. Nakaupo sa mataas na executive chair ang isang lalake na marahil dahil sa binabasang dokumento ay hindi niya napansin ang pagpasok ko. Malapad ang glass walls na nasa likuran ng mesa niya at sa bandang kaliwa ay may sliding glass doors na patungo sa balkonahe.
Walang ingay akong lumapit. Pagdating sa malapit sa mesa niya ay marahan akong tumikhim. Nag-angat ng tingin ang lalake sa mesa at nagtama ang mga mata namin. My heart skipped in an instant. Para bang sandaling huminto sa pag-ikot ang mundo nang mapagmasdan ko na ang mukha ng CEO ng Laxamana Group.
“G-good afternoon, Sir…” halos mautal na bati ko.
He nodded. “Good afternoon.” Tumayo siya mula sa high-backed executive chair. “Naya Robles, am I right?”
“Y-yes, it's Naya Robles.”
“Enrico Laxamana,” pormal na pakilala niya at iniabot sa akin ang kaniyang kamay.
Pasimple akong lumunok dahil sa umahong kaba. Tinanggap ko ang palad niya. His hand felt big and warm against mine. Binawi niya ang kamay niya at inilahad sa akin ang isa sa dalawang swivel chairs sa harapan ng kaniyang mesa.
Naupo ako. Bumalik din siya sa pagkakaupo. Tensiyonado man ay itinuon ko ang tingin ko sa mukha niya. This is Enrico Laxamana. Ang mailap na CEO na ayon sa internet article na nabasa ko ay hinahabol ng ilang journalists para makuhanan ng interview.
He’s absolutely handsome. Everything about him screamed of masculinity. Wala pa akong nakaharap na kagaya niya. Para siyang hinugot mula sa mga romance books na madalas kong binabasa.
Narinig ko muna ang tikhim niya bago siya ngasalita sa malagom nitong boses. “Tungkol saan ang meeting na ito, Naya? Can I call you Naya?”
Tumango ako. “Sure, Mr. Laxamana." Huminga ako nang malalim. Isinantabi ko ang admirasyon para sa aking kaharap upang bigyang-daan ang aking pakay.
"I-I’ll go straight to the point, Sir. I came here to talk about my godfather, Marty Pedeglorio. But… let me tell you first na hindi niya alam na nagpunta ako rito para kausapin ka.”
“I see. So what about your godfather? Hindi na siya empleyado ng kahit alin sa mga kompaniya ng Laxamana Group.”
“I know. And I also happened to discover that his name was put on the blacklist after he was terminated from one of your companies. Hindi rin siya nabigyan ng proper exit documents. At kaya ako narito ay dahil doon. Mr. Laxamana. My godfather is having a hard time at landing a job since you ended his work from your company.”
“Possibly. Ganoon ang nangyayari kapag hindi maganda ang records ng isang dating empleyado.”
“Bigyan n’yo po ng chance si Ninong, Mr. Laxamana. Sana alisin n’yo po ang pangalan niya sa blacklist para naman tanggapin siya ng ibang company.”
“I am sorry, Naya. Hindi madali ang hinihiling mo. Malaking pera ang nawala sa isa sa mga kompaniya ko dahil sa kapabayaan ng Ninong mo.”
“Then let’s make a deal, Mr. Laxamana.”
Nagusot mga kilay niya. “Deal? What kind of deal?”
“Aalisin n’yo ang pangalan ni Ninong sa blacklist. Kapalit noon, pagtatrabahuhan ko ang nawalang pera ng kompaniya mo.”
Natigilan sandali si Enrico bago maliit na ngumiti. “Paano mo naman gagawin ‘yan kung nag-aaral ka pa lang? Don’t tell me na isasabay mo ang pag-aaral at pagtatrabaho?”
“Why not? At hindi ako hihingi ng sweldo, Mr. Laxamana. As I’ve said, pagtatrabahuhan ko ang perang nawala. And even after I graduate, I promise to stay in your company hanggang sa mabayaran ko kayo.”
“That’s impossible. Mahihirapan ka, Naya. Tingin ko pa naman sa’yo ay hindi ka sanay sa hirap.”
“Aaminin ko, Mr. Laxamana. Hindi ako sanay sa hirap. And that’s because of my Ninong. Bata pa ay naulila na po ako sa mga magulang pero, dahil kay Ninong Marty, naging matiwasay at mariwasa ang naging paglaki ko. He gave me more that what I need. Hindi na nga niya naisip magkaroon ng sariling pamilya dahil sa akin.”
“So you’re doing all of these for your godfather?”
“Yes. Dahil utang ko sa kaniya ang maayos na buhay na mayroon ako, Mr. Laxamana.”
“Pag-iisipan ko ang inaalok mong deal. Bumalik ka rito after a week. Is that okay with you, Naya?” Binuksan niya ang drawer niya at may kinuhang checkbook. Nagsulat siya roon.
“Sure, Mr. Laxamana. Asahan mong babalik ako. At sana ay maging pabor sa akin ang magiging desisyon mo.”
Hindi niya sinundan ang huling sinabi ko. Inabot niya sa akin ang cheke.
“Tanggapin mo ‘to, Naya.”
Nagusot ang noo ko. Kinuha ko iyon at tiningnan. Napanganga ako sa halagang nakasulat doon.
“Para saan ito, Mr. Laxamana?”
“Advance birthday gift.”
“What?”
“Narinig ka raw ni Connie na may kausap at nabanggit mong birthday mo next week,” sabi nito na ipinagtaka ko. I could remember one instance that I talked to Liza about my coming birthday. Pero paano ako narinig ng secretary niya?
“I’ll see you the day after your birthday, Naya.”
Umiiling akong tumingin sa kaniya. Inilapag ko sa mesa niya ang cheke. “Thank you for the gift but, I don’t want your money.”
“Why not? Kailangan mo ‘yan lalo na ngayong wala pang trabaho ang Ninong mo.”
Seryoso ko siyang tiningnan bago sumagot. “That’s why I am asking you to give him the proper recommendation. Iyon lang ang sadya ko sa’yo. I don’t need your money, Sir.” Pagkasabi noon ay tumayo na ako. “I’ll see you next week, Mr. Laxamana. Aalis na ako.” Tumalikod ako.
“Naya.”
Nahinto ako sa paghakbang nang tawagin ako ni Enrico. Kalmado akong humarap sa kaniya.
“Either you take this monetary gift from me or never come back to my office again.”