Kabanata 1

1155 Words
“BIBISITAHIN mo ba’ko mamaya sa condo?” malambing na tanong ni Dulce nang yakapin ako.   “Hindi ko masasabi. Tatawag na lang ako sa’yo kung darating ako.” Ngumuso siya. I smirked at her reaction. Wala pang limang minuto mula nang bumaba ako sa basement kung saan naghihintay si Dulce. Pagkakita ko kanina sa kotse niya ay agad akong sumakay. Mabilis namang kumilos si Dulce na kanina pa ako kinukulit sa phone. Para matahimik siya ay pinuntahan ko na nga lang. Pagsakay ko ay nakalas agad niya ang sinturon ko at naibaba ang aking zipper. Hinugot niya ang alaga ko. Nakita ko ang pilyang ngiti niya bago dinilaan ang ulo noon at saka tuluyang isinubo. Napaawang ang mga labi ko. Kinapa ko ang condom sa aking bulsa habang sabunot ang kulot na buhok ni Dulce. Pagkatapos ng ilang sandali pagtaas-baba ng ulo niya sa kandungan ko ay inawat ko na si Dulce. Isinuot ko ang condom. Mabilis namang naupo si Dulce sa kandungan ko. Siya mismo ang nagbaon ng alaga ko sa kaniya. At dahil siya ang mas mainit ay hinayaan kong siya ang magtrabaho. Hindi nagtagal ay pareho kaming nakaraos. Hinalikan ako ni Dulce nang mariin sa labi bago siya umalis sa kandungan ko. Bumalik na siya sa driver's seat. Hinugot ko ang condom at ipinatong sa ibabaw ng dashboard ng kotse niya. She giggled. “You're so naughty! Don’t leave it there, someone may see it.” Nanliit ang mga mata ko kay Dulce habang isinasarang muli ang zipper ko.   “Sinong makakakita? Do you date someone else aside from me?” “Of course not, babe!” She smiled sexily and inched her face closer to me. “Bakit, Eric, nagseselos ka na ba?” I chuckled. Umiling ako at ikinabit ang buckles ng aking sinturon. I didn’t want to ruin her day kaya hindi na ako sumagot. “I’ll go ahead,” wika ko at binuksan ang pinto ng kotse. “Okay. I’ll see you, babe.” Hindi na ako lumingon. Pagbaba ng sasakyan ay mabilis akong naglakad palayo. Inayos ko ang nagusot na parte ng aking dress shirt habang pabalik sa elevator. “Hindi ko alam, Liza. Nawawalan na ako ng pag-asa na makausap si Mr. Laxamana pero, hindi naman ako pwedeng basta sumuko.” I frowned when someone spoke my surname. Napatigil ako sa paglalakad. Maliban na lang kung ibang Laxamana ang tinukoy ng nagsalita pero, dahil naroon ito sa basement ng building ng aking kompaniya ay hindi ko napigilang magkainteres. “I’m not sure. Ang sabi ng secretary ay susubukan pa daw niyang tanungin ang boss niya.” Babae ang nagsalita at halatang bata pa base sa boses nito. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na nakasandal sa isa sa mga column sa basement. Nitong mga huling araw ay hindi ko mapigilang mag-obserba sa paligid ko. After I discovered the truth about my father’s death, naging mapaghinala ako sa kilos ng mga tao sa aking paligid. “Babalik ulit ako, hindi ko nga lang alam kung kailan. Iniwan ko kay Miss del Mundo ang phone number ko para kung sakaling mabigyan niya ako ng appointment kay Mr. Laxamana ay tawagan na lang niya ako.” Lubusang nagising ang curiosity ko. Ngayon ay sigurado na akong ako nga ang tinutukoy ng nagsasalita. She also mentioned my secretary’s name. Pero bakit gusto ako nitong makausap? Tungkol saan ang pakay niya sa akin? “Yeah. It’s already my birthday next week pero, malamang na hindi na muna ako mag-celebrate. Hindi rin ako masyadong gumagastos these past few days dahil tinitipid ko na ang allowance ko. Nahihiya na rin akong manghingi kay Ninong. Kahit hindi niya sabihin, sigurado akong gipit na siya sa pera.” I wasn't into eavesdropping pero, hindi ko maiwan-iwan ang pakikinig sa nagsasalita. I just wished I could see her face. “I’m okay, Liza. I can manage,” sabi nito sa kausap at marahang natawa. I didn’t know but her small laugh sounded sexy. “Hindi naman siguro ako mapapalayas. Thanks for your concern. Pauwi na rin ako ngayon. See you at school tomorrow.” Nakita ko nang pinatay nito ang cellphone at saka humakbang palayo. Gusto ko sanang mabistahan ang hitsura niya pero, pinigilan ko ang sarili kong sumunod. Nanatili pa ako sa kinatatayuan ko nang ilang sandali bago ako umalis at tinungo na ang elevator. Pagdating sa opisina ko ay dumirecho ako sa mesa at dinampot ang telepono.  “Yes, Sir Eric?” sagot ng sekretarya kong si Connie. "Pumunta ka rito ngayon din." Pagkasabi noon ay ibinaba ko agad ang receiver. Ilang sandali pa ay pumapasok na si Connie sa office ko. Nakatayo pa rin ako. Tumingin ako sa sekretarya ko at sandaling nag-isip nang tamang sasabihin. I didn’t want to sound so interested with the girl student. Curious lang ako sa kung anong pakay niya sa akin at gusto ako nitong makusap. Tumikhim muna ako. “Connie, starting tomorrow, kahit sinong manghihingi sa’yo ng appointment, gusto kong pagbigyan mo. Kung kailangang hanapan mo ng oras, hanapan mo ng oras. Basta ang gusto ko, lahat ng magre-request na kausapin ako, ipakausap mo sa akin.” Nagusot ang noo niya. “S-Sir… what do you mean… lahat as in kahit sino?” “Yes. Kahit sino…” I paused and thought about a few journalists na nanghihingi rin ng interview mula sa akin. “Well, aside from journalists. Hindi pa rin ako magpapa-interview.” “So you mean, Sir, bibigyan ko ang kahit sinong manghingi ng appointment sa inyo huwag lang ang mga taga-media?” paglilinaw pa rin ni Connie. Pinagsalubong ko na ang mga kilay ko. “Kailangan bang ulit-ulitin ko sa’yo, Connie? It’s explicit. Either negosyante, ordinaryong tao o kahit estudyante, kung gusto akong makausap, gawan mo ng oras. Do you understand now?” May bahagyang kalituhan sa mukha niya pero, sa huli ay tumango ang aking sekretarya. “Yes, Sir. Kung ‘yon ang gusto mo.” “You may go back to work.” Paglabas ni Connie ay bumalik na ako sa upuan ko. Tinawagan ko si Atty. Isaias ‘Iyas’ Montelibano - isa siya sa mga abogado ng Laxamana Group at itinuturing kong matalik na kaibigan. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot si Iyas. “Eric! I actually was about to call you. Ire-remind sana kita sa anniversary party namin ni Susan bukas. H’wag na hindi ka makakapunta.” Napangiti ako. “Sure. Don’t worry, hindi ako mawawala sa importanteng okasyon ninyong mag-asawa.” Tumawa si Iyas. “That’s good to know, Eric. Hopefully, next year, ay wedding anniversary mo naman ang dadaluhan naming mag-asawa. Bilis-bilisan mo na kasi ang pagpili dahil hindi ka na bata. You’re already thirty-one.” Hindi ako madalas tumawa pero, kapag si Isaias ang kausap ko, hindi ko iyon mapigilan. Hindi ko na nga lang dinugtungan ang sinabi niya. “I’ll go ahead, Iyas. See you, tomorrow.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD