CHAPTER 6 AVA | SAMPALOC MANILA MAAGA akong nagising dahil sa maaga ang pasok ko ngayon. When Ziggy bring me home, nakiusap siya sa akin na maaga ako pumasok para sa ilang mga bagay na kailangan kong tapusin. Kabilang na ang hindi ko natapos na mga papelis na kailangan kong e-encode sa files niya. Kwento niya kasi sa akin mula nang umalis ang huling sekretarya niya sa kompanya niya wala nang may nagtangkang gawin ang trabaho nito. Natatakot daw sa kaniya. Pagtataka naman ang siyang nakapa ko sa isip ko. Bakit naman kaya sila matatakot kay Ziggy? Mukha naman itong mabait! Sana, sigaw naman ng isip ko. Kumain lang ako ng almusal; pandesal at mainit na kape lang. Ito rin kasi ang madalas kong almusal noong nasa Negros pa ako kasama ko si Amara at Arya, na-miss ko bigla ang mga kapatid ko. Suminghap ako ng sariwang hangin, nagpasya na akong tumayo. Kailangan ko na mag-ayos para maaga ako makapasok at baka maipit lang ako sa traffic. "This is all for you, Arya and Amara," bulong ko sa sarili ko para sa mga kapatid ko. Mahal na mahal ko sila, namulat akong wala akong dapat maging priority kundi sila lang bukod sa Nanang at Tatang ko. Tumuloy na ako sa maliit kong silid, handa na rin naman ang siyang isusuot ko; fitted skirt at tenernuhan ko nalang ng fiited blouse at black cardigan. Poldo at kaunting lipgloss lang ang in-apply ko sa mukha ko. Makinis ako nagtataka nga ako kung bakit laging probinsiya kami pero nanatili ang kinis ng mukha at balat ko pati na rin ang mga nakababata kong kapatid, ang asset naming tatlo. Napasinghap ako, miss ko na talaga sila. ZIGGY | ZOBEL RESIDENTS NAGISING ako sa maagang tawag sa akin ni Bettina. Kasalukuyan itong nasa Paris, para sa isang fashion show na dinaluhan nito sa ibang bansa. Kung bibilangin ko lang halos dalawang linggo na rin siyang wala sa Pilipinas, sanay naman ako kung tutuusin. Madalas hinahanap ko lang talaga ang presensiya nito pag nasa piling ko ito. Bumalikwas ako ng bangon, medyo naramdaman ko ang pangangalam ng sikmura ko. Huling kain ko pa yata tanghalian. "Manang! Manang.." malakas na sigaw ko sa ibaba. Gusto kong kumain muna bago ako pumasok, malamang wala rin akong makakain sa opisina. Ganoon at ganoon pa rin ang menu na makikita ko. Biglang sumagi sa isip ko si Ava, binilinan ko siyang pumasok ng maaga. Para sa ilang bagay na kailangan niyang asikasuhin. She need to know everything. Sa tingin ko naman kay Ava, bukod sa sexy at maganda ito mukha rin itong mabait at mapagkakatiwalaan. 'Hope so,' bulong ko sa sarili ko. Umaasa akong mabait si Ava, hindi katulad ng ilang sekretaryang dumaan sa akin. Matitigas ang mga ulo nito, maging ang lalakas ng mga loob magtapat ng damdamin na hindi ko naman kayang tugunin. All I want is fling, fling lang at wala ng iba pa. Kabilang na rito si Ava, takbo ng isip ko. "May kailangan ka, Senorito?" tanong sa akin ni Manang Tilde. Mukha lang ang siyang dinungaw ko sa pinto ng sarili kong silid, wala kasi akong damit pangtaas. Hindi magugustuhan ni Mama ang makita akong walang damit habang nakikipag-usap sa mga katiwala. Kawalan daw ng respeto, ayon dito. Mapaniwala rin si Mama sa mga paniniwala ng iba, sinusunod ko nalang dahil alam kong mag-aaway lang kami. I know my mom, mas matigas ang ulo nito sa akin. Sa kaniya yata ako nagmana at hindi kay papa. Pero ang pagiging oa nito hindi ko tatanggapin at kailanman hindi ko mamanahin. That's the worst thing about my mom. "Gusto ko kumain," aniya ko rito. Nahalata kong kanina pa pala ito nakatayo paharap sa akin. Mabuti nalang pamilyado na si Manang Tilde at may edad na rin kaya alam kong sa lahat ng katiwala ni mama ito ang hindi magkakagusto sa akin. "Egg with fresh tomato, Manang. Samahan mo na rin ng mainit na gatas, nagugutom ho ako," magalang kong utos dito. Agad naman itong tumalima nang ulitin sa akin ang gusto kong kainin. "Make it thirty minutes, Manang. Maliligo pa naman ako," sabi ko rito. Nagpaalam na ito. Maingat kong sinara ang pinto ng silid ko, tulad ng sabi ko kay Manang, maliligo muna ako. Good thing talaga maraming katiwala si mama sa bahay namin. Hindi ko na kailangan magpakapagod sa mga kakailangain ko sa pagpasok gabi palang may naghahanda na ng mga ito para sa akin. Bukas naman para sa lahat ang silid ko, dahil na rin siguro kilala ko na ang halos tao rito maliban sa amin ni Mama na alam kong natutulog pa ngayon. Hinating gabi na naman siguro ito sa Casino, ang tanging pinagkakaabalahan niya pag mag-isa lang siya sa bahay. Doon marami siyang amiga at ilang kakilalang palaging nagagawi sa lugar. Hinahayaan ko nalang alam ni mama ang limitasyon niya, alam kong kahit kailan hindi nito magagawang isa-alang-alang ang pangkabuhayan namin na iniwan sa amin ni Papa--- ang tiles company na nag-di-distribute ng tiles sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ava | Zobel Company WALA pa si Ziggy nang pumasok ako. Ang sabi nito agahan ko ang pagpasok pero ito yata ang mukhang hindi maaga. Tinungo ko ang sarili kong table, sa may di kalayuan ng table niya. Sinalansan ko na ang lahat, maging ang papelis na nakakalat kahapon nang umalis na kami. "Ava, wala pa ba si Sir Ziggy?" tanong sa akin ni Gemma. Ang empleyado rin ni Ziggy na nakilala ko kahapon. "Wala pa nga, e. Sabi niya naman sa akin maaga raw siya," nakangiti kong sagot sa kaniya. "May kailangan kasi siyang pirmahan sa accounting department. Tungkol sa mga kailangang iluwas na tiles sa region four," pagbibigay alam nito sa akin. Napakunot-nuo ako dahil wala naman iniwan si Ziggy na urgent na kailangang niyang pirmahan. "Sasabihin ko nalang baka parating na rin," tugon ko sa kaniya. Ngumiti lang ito sa akin at nagpaalam na rin. "Ang ganda mo, Ava. Mag-ingat ka kay Sir Ziggy, mabait iyon pero matinik sa babae.," natatawang bilin nito. Ngumiti ako sa kaniya nang nagpaalam na ito sa akin. Tama ito mukhang matinik nga si Ziggy. Pero I'll make sure na hindi ito uubra sa akin, lalo pa't trabaho talaga ang siyang nais ko. Mahihirapan lang siya sa akin. Si Ava Campana yata to. ZIGGY | OFFICE PAGPASOK ko palang ng opisina. Agad ko ng nakita si Ava, nakatalikod ito mula sa akin, nakaharap sa vendo machine. Magkakape siguro. Napalunok ako ng pasadahan ko ang kabubuan niya. 'Extremely hot,' usal ko sa sarili. "Nandito ka na pala," sabi nito nang lumingon sa gawi ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya, hindi naman siguro ako nito nahuling tinitingnan ko siya. "Kararating ko lang," aniya ko. Nakakahiya kong malaman niyang pinagmamasdan ko siya ng lihim na hindi naman dapat. "Nagkakape ka?" tanong ko kahit obvious naman ito. Dala-dala pa nga nito ang basong dala mismo nito. "Masyadong malamig kasi office mo," natatawag niyang tugon. Napalunok ako nang sundan ko ito ng tingin. Malamig ang opisina ko, ayon dito. Pero pakiramdam ko nang-iinit ako sa kaseksihan nito. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, nagpasyang umupo sa sarili kong table. "Gusto mo ba ipagtimla kita?" alok niya. Nginitian ko lang siya at iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya. Ava is different of my former secretary. Hindi ko dapat pagnasaan ito, hindi lang ako malalagot kay mama pati na rin kay Bettina. Hindi nila magugustuhan kung muli na namang dumikit ang pangalan ko sa isang sekretarya. AVA | OFFICE NAPAKUNOT-nuo ako sa naging asal sa akin ni Ziggy. Mukha yatang wala siyang mood ngayon. Baka may iniisip lang ito tungkol sa trabaho, naisip ko. Binalik ko pansin ko sa ginagawa kong trabaho kanina bago pa ito dumating. Nagsisimula na akong mag-incode, medyo marami-rami tong papel sa harap ko. Mukhang aabutin yata ako ng gabi. Hindi bale, madali naman siguro akong makasakay at wala namang problema dahil nakapaglaba naman ako kagabi. May isusuot pa naman ako bukas. Ramdam ko ang saya sa ginagawa ko, ganito pala pag gusto mo ang trabaho mo lahat magaan para sa'yo. Wala sa sariling nilingon ko si Ziggy, abala ito sa pag-ce-cellphone. 'Mukhang hindi naman siya stress sa work niya,' anas ko sa sarili ko, habang lihim ko itong pinagmamasdan. Ilang sandali pa, bigla kong narinig na may tumatawag dito. "Hi! Baby, mabuti naman naisipan mong tumawag!" Rinig na rinig kong sambit nito sa kabilang linya, napalunok ako. Muli ko siyang nilingon at muli sa akin tumalikod ito. "Are you still there in Paris?" anito. Ginalingan ko pa ang siyang pakikinig sa kaniya. Bgamat hindi ko naririnig kong sino ang kausap nito, malakas ang kutob kong babae ito. . "I miss you too! Bettina," confirm na sigaw ng utak ko babae nga ang kausap ni Ziggy. Hindi ko namalayang lumingon na ito paharap sa akin. "Something wrong, Ava? Napalunok ako. Hindi ko maipaliwanag ang hiyang nararamdaman kong malamang sa malamang nahuli ako nitong pinapakinggan ang pag-uusap nila ng kausap niya sa ayos kong nilalapit ko ng bahagya ang teynga ko. "I call Bettina. My friend.."