AVA | OFFICE
CHAPTER 7
'E, ano naman kung kaibigan niya ang tumatawag,' kausap ko sa sarili ko. Pakealam ko naman 'diba? Atsaka may kaibigan ba na baby ang tawag? Sino lolokohin niya! Hindi naman ako pinanganak kahapon, inis kong sabi. Padabog kong binalik sa estante ang baso ko pagkatapos kong ubusin ang kape ko.
"Ava! Can you make me coffee for me?" utos nitong may pakiusap sa akin. Samantalang kanina tinatanong ko siya kung gusto niya, aayaw-ayaw pa. Ngayon naman gagawin ko na ulit ang trabaho ko biglang mag-uutos ito--- sinasadya na siguro.
"Okay, Sir. Masusunod ho," aniya ko sa kaniya.
"Ano sabi mo?" anito.
Liningon ko siyang nagtatanong nang mahimigan ang inis sa sinabi nito.
"E, gagawa ka na ng kape mo," sabi ko sa kaniyang may piljt na ngiti sa labi ko.
"Nevermind!" anito.
Napataas-kilay ako sa asal nito sa akin.
Ilang sandali pa may narinig akong may kumakatok sa pinto. Nilingon ko si Ziggy, tamang-tama namang nakatingin ito sa akin.
"May expected visitor ba ako today?" tanong nito. Napakunot-nuo lang ako sa tanong niya sa akin. Ano naman kaya ang alam ko sa bisita niya? Wala pa naman akong alam gaano sa aktibidadis niya sa buhay.
"Bubuksan ko lang," presenta ko. Tumalima ako, iniwan muna ang kapeng ginagawa ko para sa kaniya.
"Hi! It's Ziggy here?" bungad na tanong sa akin, nang isang lalaki. Nilingon ko si Ziggy.
"M-may naghahanap sayo, Sir," aniya ko.
Tulad ng napag-usapan namin Sir ang itatawag ko sa kaniya pag may ibang tao.
"Bro, sabi ko na nga ba dito kita mahahanap." Walang paalam itong pumasok sa loob agad na nilapitan ang gawi ni Ziggy.
"New secretary, huh!" turan nito nang lingunin ako.
Nahuli kong sinulyapan ako ni Ziggy.
"New hired."
"Bakit ano'ng nangyari kay Tessa?" tanong nito kay Ziggy. Hindi ko kilala ang pangalan na binanggit nito, dahil ang alam ko Ditas ang huling pangalan ng sekreyarya nitong pinalitan ko.
"Nag-resign," narinig kong maikling tugon ni Ziggy.
"By the way. I'm Xandro--- cousin of Ziggy," pagpapakilala nito sa akin, kasabay ng paglahad ng palad nito sa harap ko.
Sinulyapan ko si Ziggy, hindi alam kung tatanggapin ba ang pakikipagkamay nito.
"Are you scared for Ziggy?" natatawa nitong tanong, kasabay ang pagbawi nito ng kamay niya sa harap ko.
"Gusto mo pa ba ng kape, Sir?" baling ko sa boss ko. Tiningnan lang ako nito at tumango sa akin.
"Me too--- please!" ani ni Xandro.
Tinungo ko ang vendo machine, muli akong nagtimpla ng panibago para kay Ziggy, hindi na rin kasi mainit ang tinimpla ko para sa kaniya.
"Black coffee rin ba sa'yo, Sir?" tanong ko sa pinsan nito. Nakalimutan ko rin kasi itanong sa kaniya bago ako tumalikod.
"Anything.. Basta masarap.." nakangiting tugon nito sa akin.
"What you need here?" narinig kong seryosong tanong ni Ziggy bago ako tumalikod.
Mahina lang ang sagot nito sa amo ko, kaya hindi ko rin gaano narinig. Sabagay magmumukha lang akong tsismosa kung pati iyon papakinggam ko pa. Tulad na lamang kanina, nakakahiya.
Nagmadali akong itimpla ng kape ito para rito. Balak kong lumabas para magkaroon sila ng pribadong pag-uusap, baka agaw din ni Ziggy na manatili ako sa loob. Tingin ko pa naman mukhang mahalaga ang pag-uusapan ng mga ito at nagawa pang sadyain nito si Ziggy.
'Boys talk,' aniya ko.
Maingat kong nilapag sa harap ni Xandro ang kape na para sa kaniya.
"Yummy ba 'to?" tanong nito.
"Inumin mo nalang marami ka pang-commercial," sambit ni Ziggy, natatawang napailing-iling si Xandro, sa naging asal sa kaniya ni Ziggy.
"Ganyang-ganyan ka kay Tessa, noon, Bro.." Hindi ko na pinansin ang palitan ng salita ng mga ito. Magalang akong nagpaalam kay Ziggy, nakaramdam na rin ako ng pangangalam ng sikmura. Nagpasya akong bumaba sa canteen, iwanan muna sila.
"Hi!" Napalingon ako sa boses sa likuran ko.
"Bago ka rito?" tanong nito. Lihim ko itong tiningnan mukha itong empleyado rito, base sa suot nitong pulang polo shirt.
"Yes! Uhm- sekretarya ako ni Ziggy," sagot ko sa kaniya. Tsaka ko lang napansin ang tray niyang puno ng pagkain.
"Cj nga pala," pagpapakilala nito sa akin. Sa tantya ko hindi magkakalayo ang edad naming dalawa, mukhang bata lang ako ng ilang taon dito.
"I'm Ava," pagpapakilala ko.
Luminga-linga ito sa paligid, naghahanap siguro ng mauupuan.
"Kakain ka rin?" tanong niya. Nabaling ang tingin ko sa estante ng mga pagkain. Mas lalo kong naramdaman ang gutom.
"Sana," tipid kong sagot.
Wala na kasi akong nakikitang bakanteng pwesto. Hindi kalakihan ang canteen, kaya wala gaanong mauupuan lahat may nakaupo na halos.
"Halika! Ayon paalis na yata," yaya nito sa akin. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya bakante pa nga ito. Sumunod ako sa kaniya, mukha naman siyang mabait. Nilapag muna nito ang pagkain at nagmadaling pinaghila ako.
"Ano gusto mo kainin? Ako na oorder para sa'yo," alok niya sa akin. Nahihiya akong napataas ng tingin sa kaniya.
"Huwag na! Ako nalang, kaya ko naman at dito rin ako galing kahapon," sambit ko sa kaniya. Umiling-iling ito sa akin.
"No! Ako na, stay here! Kabisado ko mga pagkain dito kung ano ang masarap at hindi. Magkakanin ka ba o snacks lang?" tanong nito. Tatanggpi pa sana ako pero mukhang hindi naman siya papayag.
Hahayaan ko nalang. Mainam din na magkaroon ng kaibigan sa new environment na mayroon ako ngayon. Tulad nga ng sinabi ko mukha namang mabait ito.
Tumalima ito matapos kong sabihin sa kaniya ang gusto ko. Inikot ko ang tingin ko sa paligid, malinis ito. Wala kang kahit na ano'ng makikitang kalat sa paligid.
Ito siguro ang pinasusunod na batas ni Ziggy.
"Here is your order, Ms. Ava," untag nito sa akin nang ilapag sa harap ko ito.
"Naku! Maraming salamat, nag-abala ka pa. Sabi ko ako nalang, e." Hinila nito ang upuan paharap sa akin. Inikot sa harap niya ang pagkaing para sa kaniya, tulad ng sabi ko kakanin at fresh juice lang ang para sa akin.
"Bago ka lang ba? Ngayon lang yata kita nakita," ilang sandaling sabi nito sa akin. Tumango-tango ako.
"Kaka-appoint ko lang noong isang araw," maiksi kong sagot sa kaniya.
"Kay Sir Ziggy?"
"Oo."
"Naku! Mabait naman ba siya sa'yo?" Nakaramdam ako ng pagtataka--- pangalawa na yata ito sa nagtanong sa akin kung mabait ba si Ziggy?
May nakakapa na tuloy akong takot sa sarili ko para sa amo ko. Hindi kaya monster din si Ziggy Zobel?
Huwag naman sana. Sayang ang gwapong mukha niya.
"Kailangan ko na yatang bilisan ang pagkain. Baka wala na ang bisita niya," aniya ko.
"Sino naman bisita ni Sir?" tanong nito.
"Si Sir Xandro, pinsan daw niya. Lumabas lang ako para hindi sila maabala," sagot ko.
"Ah si Sir Xandro! Iyon si Sir Xandro, mabait talaga yon. Matagal ko na siyang kakilala." Napakunot-nuo ako mabuti pa kay Sir Xandro, nababaitan ito. Pero bakit kay Ziggy, mukhang nagdududa pa yata?
"Pero mabait naman si Sir Z. Matinik lang sa babae," sabi nitong natatawa. Tumawa na rin ako, maaari kasing tama ang syang sinabi nitong matinik nga si Ziggy.
Naalala ko na naman tuloy ang biglaan niyang paghalik sa akin.
"Pero tingin ko mabait ka naman. Hindi ka naman siguro ibibilang noon sa mga pinaiyak niya na.
Pinaiyak? Ibig sabihin marami na pala talagang napaiyak ito. Bigla akong nangako sa sarili kong hindi ako kailanman mapapabilang sa mga babaeng iyon. Hindi ko naman yata magugustuhan ang ma-link sa kahit na sino-sino lang lalo pa't sa amo ko. Hindi ko ito pinapangarap, hindi magugustuhan ng mga kapatid at magulang ko. Dahil kung may mamahalin man ako iyong alam kong mamahalin din ako.
"Kailangan ko na bumalik sa opisina. Baka may kailangan na siya." Tumayo na ako, tumayo na rin ito.
"Mag-iingat ka, Ava! Matagal na akong nag-tra-trabaho rito, kilala ko na ang iilan. Lalo na si Sir Ziggy." Napalunok ako, bahagyang nakaramdam ng ibig sabihin nito.
Hindi naman siguro ako mapapano, lalo na pag trabaho lang talaga ang siyang nais ko.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko kakalimutan! Salamat nga pala," sabi ko rito. Nagpasya na akong umalis, iniwan ko na siya at hindi pa siya tapos sa kinakain niya. Tulad nga ng sabi ko kailangan ko na makabalik sa office ni Ziggy at baka wala na ang pinsan nitong nakilala kong si Xandro.
ZIGGY | OFFICE.
ILANG minuto ng nakaalis si Xandro pero hindi pa rin nakakabalik si Ava. Hindi ko alam kung saan pumunta ito matapos magpaalam sa akin noong nandito si Xandro.
Bigla-bigla rin kasi ang siyang pagpunta nito sa opisina wala man lang pasintabing pupunta pala siya. Galing daw siya Amerika, he invited me para sa kaunting salo-salo sa bahay nito sa darating na sabado ng gabi. Hindi naman ako tumanggi, minsan lang mag-imbita ang loko, ang masama lang kailangan ko raw isama si Ava.
Mukha yatang type nito ang bago kong sekretarya. Hindi ko alam kung bakit sa isip ko, tumatakbo ang hindi magandang ideya. Ava, don't suit her. Hindi naman ako basta makakapayag na may isang tao nalang na magkakagusto rito, kahit na pinsan ko pa ito.
Bukod kasing bata pa si Ava.
Hindi ko alam kung bakit may parte ng katawan ko ang tumitigas pag nakikita ko ito.