CHAPTER 5

1831 Words
AVA | OFFICE MULI akong bumalik sa opisina ni Ziggy. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, dahil iniisip kong baka nandoon pa rin ang mama nito. Inikot ko ang tingin ko sa paligid nang tuluyan akong makausap, mag-isa nalang si Ziggy. Nakatungo ito sa sariling deskstop nito abal sa ginagawa. Tahimik kong tinungo ang sarili kong table sa may kalayuan mula rito.  Maingat akong gumalaw ayaw kong makalikha ng ingay dahil baka importante ang siyang ginagawa nito kaya hindi man lang nakuhang sulyapan ako. Lihim ko siyang sinulyapan, seryoso ito masyado. Wala sa sariling napangiti ako. Ganito pala si Ziggy sa oras ng trabaho mukhang napakaseryoso. Huling sulyap pa ang ginawa ko bago ko tinuon ang pansin ko sa ginagawa ko. Mukhang wala na yata itong plano pa makipag-usap which is okay lang naman at may mga kailangan din akong ayusin, isa pa ayaw ko rin maungkat ang siyang pagtangka niyang paghalik sa akin na hindi ko inaasahan. Hindi ko rin kasi dapat hinayaan ang sarili ko, malaking pagkakamali na pinangako ko sa sarili kong hindi na mauulit pa. Tinuon ko nalang ang buong pansin ko sa trabahong pinapagawa niya kanina sa akin, tungkol sa mga kailangan kong i-incode na reports sale.  Ilang oras nalang uwian na, maaga akong uuwi ngayon dahil na rin sa mga labahin kong kailangan kong unahin at wala akong gaanong dalang damit ayaw kong maubusan ng masusuot sa pagpasok. Medyomatatagalan pa yata ang pagbili ko ng ilang damit ko pampasok at sa susunod pang buwang ang unang sahod ko gaya ng napag-usapan namin ni Ziggy. Isa pang lingon ko sa gawi niya ang ginawa ko, nakatuon pa rin ang pansin nito mukhang abala sa binabasa niya. "Gusto mo ba magkape?" hindi ko natiis na itanong sa kaniya.  Ito naman ang isa sa trabaho ko ang pagsilbihan ang amo. "No thanks! Ikaw nalang if you want, feel free to serve yourself, ayos lang ako," sagot nito sa akin. Hindi na ako nagtangkang magtanong pa uli. Baka lang maisturbo ko siya mahirap na. Inayos ko nalang ang dapat kong ayusin at hinintay ang oras ng pag-uwi ko. Usapan namin ni Ziggy alas-nuevie hanggang alas-cinco lang ang oras ng pasok ko depende nga lang sa mga kailangan kong gawin at ipapagawa niya sa akin. Pero ngayon mukhang madali pa lang naman ang trabaho ko at nakakaya ko naman ang trabaho kahit na isang beses niya lang pinaliwanag sa akin ang lahat. "Wala ka na bang kailangan?" tanong ko sa kaniya. Isang oras nalang kasi at uuwi na ako. Ayaw ko naman siyang iwan na may kailangan pang gawin, responsable ako sa trabaho ko.  Tinatapos ko ang mga kailangan kong tapusin hindi ako mahilig na ipagbukas pa ang pwedi naman tapusin ng maaga. Isa sa mga natutunan ko sa magulang ko na pinamana nila sa amin ni Arya at Amara at binabaon ko kahit saan man ako magpunta sa kahit na ano pang trabaho ang kinakaharap ko at haharapin ko kabilang na ang pagiging sekretarya ni Ziggy. "Wala naman! Kung gusto mo na umuwi, you can go! Tapis naman na mga kailangan natin gawin," sabi niya.  Tumango-tango nalang ako. Mukhang wala na nga siyang kailangan pa. Good thing, para na rin makauwi ako maaga. Balak ko rin tumawag sa pamilya ko pakiramdam ko kasi bitin ang siyang pag-uusap namin kanina ni Arya at Amara, masyado kong namiss ang mga kapatid ko. "Thanks for today, Ava," sabi nya ilang sandali nang tumalikod ako sa kaniya para i-check ng huling beses ang mga ginagawa ko. "Trabaho lang, Sir," turan ko sa kaniya. "O, bakit Sir na naman? Akala ko ba nag-usap na tayo," sabi niya sa akin.  "I'm sorry.." "Wala naman si mama, e. Huwag kang mag-alala ayos lang talaga sa akin. Kahit na ang mga sekretarya ko before they call me my first name, as I said hindi pa naman ako ganoon katanda," natatawa niyang sabi. Kahit ilang oras palang kaming magkasama ni Ziggy, pakiramdam ko mabait siyang tao. Hindi tulad ng mga napapanuod at nababasa kong ang amo nila kung hindi monsters, antipatiko. Pero piping hiling ko rin na sana huwag na magbago pa kabilang sa pagbabagong nais ko ay sana wag niya gawin ang siyang ginawa niyang paghalik sa akin. ZIGGY | OFFICE I INIWAS ko ang tingin ko kay Ava nang matuon ang mga mata ko sa ibabang bahagi ng likuran niya. Ava is extremely hot, kung susuriin mo lang ng mabuti halatang virgin pa ito. Pinilig ko ang ulo ko, umiling-iling ako. Kanina lang pala ako pinagsabihan ni mama pero heto ako mukhang nagpapantasya na naman ako sa bago kong sekretarya na hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil maganda talaga si Ava. "A-Ava!" Lumingon ito sa akin. Lingon na pakiramdam ko nag-slow-motion ang paligid namin kong saan kami lang ang siyang naroroon. "May kailangan ka?" tanong niya sa akin. "Gusto mo na ba umuwi? O hintayin mo nalang ako para maisabay kita?" alok ko sa kaniya. Marami pa akong kailangan tapusin pero mas gusto ko rin kasi ang ideyang sabay kaming uuwi para makasama ko pa siya. Halata sa mukha nito ang pag-iisip, pinag-iisipan siguro kung sasabay nga siya sa akin. "Ikaw? Hindi ka ba out in the way? Baka maabala kita," tugon niya.  Ang totoo iba ang daan ko sa bahay na tinutuluyan niya, but I want her to be safe, safe naman siya sa grab or taxi na sasakyan niya panigurado pero wala naman sigurong masama kung mas sisiguraduhin kong ligtas siya. "Ayos lang ako. May dadaanan din kasi akong malapit  sa area mo," pagpupumilit ko. Wala na itong nagawa kundi pumayag nalang. Naramdaman niya naman sigurong malinis ang intensyon ko sa kaniya. "Okay lang naman, Sir.." "Sir again, Ava?" "I mean okay lang naman, Ziggy.." Pilit itong ngumiti. Kumindat ako sa gawi niya bago ko tinuon muli sa ginagawa ko ang pansin ko. Wala ng problema napapayag ko naman na siyang ihatid siya pauwi. Naging abala rin ang siyang pansin nito sa ginagawa, hindi ko nalang siya inabala pa. Napalunok ako nang muling matuon ang tingin ko sa likod niya. "Just stop, Ziggy.." kastigo ko sa sarili ko. AVA | PARKING LOT Alas cinco na dapat oras ng uwi ko naging alas-syete na dahil sa naging usapan namin ni Ziggy na ihahatid niya ako. Hindi ko alam ang siyang nagtulak sa akin para pumayag sa nais niya, dapat pala maayos na akong nakapagpahinga sa bahay. "Are you okay? Late ka na yata makakauwi!" sabi niya sa akin. Nagmadali itong buksan ang gawi ko sa front seat at mabilis na umikot sa gawing bahagi ng driver side. "Sorry! Inayos ko pa kasi ang finance department para sa ilang funds na kakailanganin bukas," paliwanag niya sa akin. Nauna kasi akong bumaba sa parking lot dahil nagpaalam din itong may kakausapin pa. "It's okay! Walang problema, importante naman iyon, e. Ayos lang naman ako rito," sabi ko sa kaniya. Binuksan na nito ang makina ng sariling sasakyan nito. Mamahalin ang sasakyan ni Ziggy, sabagay siya ang may-ari ng kompanyang pinagtratrabahuhan ko kaya hindi malabong lahat ay kaya nitong bilhin. "Mainit ba?" tanong niya sa akin. "Ayos naman. Malamig nga e," sagot ko. "Sabihin mo lang sa akin kung naiinitan ka, I can make the aircon cooler," sabi niya. Hindi na ako tumugon hinayaan ko nalang siyang ituon ang pansin sa daan. Laganap na ang dilim, kaya baka hindi nito maaaninag ang siyang dinadaanan namin mahirap na. Pag may nangyaring masama sa sasakyan niya baka kasalanan ko pa. Wala akong maraming pera para bayaran ang pagpapagawa kahit nga motor namin sa bukid hindi ko mapaayos-ayos dahil sa wala pa akong sapat na kinikita. Pero ngayon dahil sa maayos naman na trabaho ko kay Ziggy sa kompanya nito malamang maayos na akong makakapagpadala sa amin. Makakatulong na rin ako kay Arya at Amara sa panimula ng mga kapatid ko. "Malalim yata iniisip mo?" pukaw sa akin ni Ziggy. Hindi ko namamalayan na pinagmamasdan na pala ako nito, nakaramdam naman ako ng ilang. Baka isipin niyang siya ang iniisi ko. Kuh! Malabo ko naman yata siyang iisipin. Since I moved-on about the kiss that we shared earlier. "Pamilya ko," tipid kong tugon sa kaniya. "Miss them?" "Hindi naman gaano pero parang ganoon na nga, matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita at nagsasama mula ng lumuwas ako ng Manila," mahabang sagot ko sa kaniya. "Independent ka?" "Kailangan," nakangiti kong sagot. Wala naman kasi akong magagawa kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa dahil ako ang siyang panganay sa pamilya namin. "Me too! Independent din ako," anito. "Good to hear.." "Kaya siguro magaan ang loob ko sa'yo we're on same tracks," sabi niya sa akin. Natuwa naman ako sa sinabi niyang magaan ang loob niya sa akin, pakiramdam ko I'm worth it to be her employee. rin kasi ito sa hinahanap kong relasyon sa magiging amo ko hiling ko noon sa sarili ko ang maging komportable kami sa isa't isa, sa ganoon mas magaan ang trabaho wala masyadong magiging problema. Mas mahalaga sa lahat ang pagkakaroon ng open communication hindi tulad ng nagdaan amo na inaplayan ko kung hindi manyak may maitim na intensyon sa akin katulad na lamang ng huli. "You're so young and attractive, Ava!" Mukha yatang nagkamali ako at mukhang may maitim ding intensyon sa akin ang isang ito. "Don't get me wrong! I mean maganda ka," pagbawi niya. Nakahinga lang ako ng maluwag sa sinabi niya, dahil sa totoo lang iniiwasan ko na talaga ang magkaroon ng masamang affair sa taong nakataas sa akin lalo pa't katrabaho o amo ko ito. Hindi ko naman siguro kasalanan ang magkaroon ng katamtamang laki ng hinaharap at maumbok na pwet na sinasabi nilang sexy daw para sa isang babae. Hindi naman bastusin ang siyang gawi ko, hindi ko lang naintindihan kong bakit may ilang taong nagagawang pagpyestahan ang katawan ko. Hiling ko sana si Ziggy ay hindi kasama sa mga ito. NANDITO na ako ngayon sa apartment ko. Simple lang ito maliit lang, ang maganda lang dito malinis. Walang masyadong abubot kaya madali lang din linisin. Naalala ko ang lugar namin noon sa Negros, maliit lang din ang bahay namin doon, pero tulad ng pangako namin sa isa't isa ng mga kapatid ko pagagandahahin namin ito, para kay mama at papa. Simple lang naman ang pamilya ko. Hindi naman sila nangangarap ng magarang bahay, sapat na sa amin ang may maayos na masisilungan basta sama-sama kami at walang kahit na ano'ng makakapagpahiwalay sa amin. Maayos ang pagpapalaki sa amin ng magulang ko, lalo na sa dalawa kong nakababatang kapatid. Lahat kami masunurin sa kanila, iyon naman ang dapat e. Ang kailangan--- miss ko na sila. Sobrang miss ko na ang mga kapatid ko. Gustuhin ko man umuwi wala pa akong labas ng loob para kailangan ko pa ng maraming ipon para sa ganoon hindi na kami maghihiwalay pa. Ayaw kong mawalay sa kanila sa habang panahon. Hindi ko kaya, kaunting panahon lang ang siyang hiningi ko sa kanila. Babalik ako dala ang pangarap ko para sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD