CHAPTER 8

1549 Words
[ AVA | OFFICE ] TULAD ng inaasahan ko wala na nga si Xandro sa opisina ni Ziggy, ang pinsan nito. "Where have you been?" He asked me seriously. Sinara ko muna ng maayos ang pinto, bago siya hinarap para sagutin. "Kumain lang, ginutom kasi ako bigla," tugon ko sa kaniya. "Without asking my permission? Paano pala pag kailangan kita rito? O, may kailangan akong ipagawa sa'yo!" Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sinabi nito. Oo nga pala! Hindi ko man lang naisip, medyo natagalan yata ako sa labas sa oras ng trabaho ko. Inuna ko pa kasi ang makipag-tsismisan kay Cj. "Pasensiya ka na! Hindi na mauulit," sabi ko. Tiningnan lang ako nito, hindi na muling nagsalita pa. Nagpasya nalang akong bumalik sa table ko--- enough na rin siguro ang paghingi ko ng pasensiya sa kaniya. "At next time kung lalabas ka. Make sure na isusuot mo ang jacket o--- kung ano man tawag mo d'yan!" Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy ni Ziggy--- ang cardigan kong iniwan kong nakasabit sa may upuan ko. Totoong nakalimutan ko lang ito, huli ko na namalayan na naka-fitted spaghetti strap lang pala ako. "Masusunod, Sir," tugon ko. Hindi na ito muling nagsalita pa muling tinuon ang pansin sa sariling laptop. Lihim akong napangitngit sa sarili, kung bakit ba naman kasi hindi ko binilisan ang pagkain ko, e. Sana hindi pa nagalit sa akin si Ziggy, marami yata akong kapalpakan ngayon. Baka mamaya paalisin na ako nito sa trabaho. Hindi ko yata matatanggap 'yon! Nagsisimula palang ako, excited pa naman ako sa unang sahod ko. Singkwenta mil ang matatanggap ko malaking tulong na para sa mga magulang at kapatid ko. Kung papaalisin ako ni Ziggy? Saan pa ako makakahanap n'on. Posible pag binenta ko katawang lupa ko. Yikes! sigaw ng isip ko. Kong ano-ano nalang talaga iniisip ko. Tinapunan ko ng tingin muli si Ziggy, at tulad kanina abala pa rin ito. Hindi ko alam kung nagbabasa o may pinapanuod ito, e. Masyado siyang abala. Nagbaba ako ng tingin sa orasang nasa ibabaw ng table ko ala-una kwarenta na. "Z-Ziggy, kumain ka na ba?" mahina kong tanong sa kaniya pero alam kong narinig niya ito, dahil tumingin din naman ito sa gawi ko. "Can you order for me? Gutom na rin ako," tugon nito. Medyo lumamig na yata ang ulo niya sa akin. "Ano ba gusto mo? "Anything you want. Baka gusto mo rin kumain, libre na kita." Talaga ngang malamig na, ililibre pa ako, e. "Sigi! Sa labas ba?" "No! Grab mo nalang or food panda. Ayaw kong naglalabas ka, baka may makakita sa'yong mga loko-lokong trabahador ko." Napakunot-nuo ako. Ano naman ang kinatatakot nito? Hindi naman siguro mga manyak o sira-ulo ang mga trabahador niya. Sabi pa nga ni Cj mabait naman siya, medyo matinik lang daw sa babae. Pero syempre hindi ako kasama roon. Mag-iingat ako sa kaniya gaya ng sinabi ko sa bago kong kakilala. Buttered chicken rice at whisky king burger nalang ang in-order ko para sa aming dalawa. Since, nakakain naman ako kaya si Ziggy na lang ang hahayaan kong kumain ng kanin. [ ZIGGY | OFFICE ] SINULYAPAN ko si Ava. Alam kong nabigla ito kanina sa sinabi ko sa kaniya, hindi ko rin kasi inaasahang lalabas iyon mula sa akin--- nang pumasok siya mula sa labas. Hindi rin kasi siya nagpaalam sa akin nang biglang dumating dito si Xandro, ang siyang paglabas niya. Ilang minuto ko rin siyang hinintay dahil sa ilang bagay na kailangan niyang gawin. Pero wala siya, hindi ko naman siya nagawang matawagan nang napansin kong iniwan niya sa ibabaw ng table niya ang cellphone niya. At ang isa pang nagpainit sa isip ko ay lumabas siyang naka-spaghetti strap lang, hindi niya man lang naisip na maraming lalaking empleyado sa kompanya ko. Iniiwasan ko pa naman ang may makakitang kahit na sino rito! No doubt Ava is attractive kahit nga ang pinsan kong si Xandro napansin din ito mismo. Iyon ang kailangan kong iwasan--- kung hindi mapapaaway ako at hindi lang magugustuhan ni Ava. I just want to protect her, hanggat nasa pangangalaga ko siya. Hindi ko hahayaang may didikit dito na kahit sino, kahit pa kamag-anak ko ito! Ayaw kong maapektuhan ang trabaho niya. Iyon nga lang ba Ziggy? kastigo ko sa sarili ko. "Masarap ba in-order mo, Ava?" panimula ko sa usapan. Medyo ilap pa kasi ito sa akin, natakot siguro. "Buttered chicken," tugon nito. Napalabi ako, paano kaya nito nahulaan ang siyang gusto ko? Mukhang pinahanga ako nito. "You have a good taste. Thankyou," sabi ko sa kaniya. Totoo namang nagpapasalamat ako sa kaniya, gutom na rin talaga ako at gusto kong kumain ng marami. Hindi ko alam kung tsamba lang nito ang paborito ko. "Okay lang ba sa'yo iyon?" tanong niya. "Yes! Hindi ko pa yata nasabi sa'yong paborito ko iyon," pagbibigay-alam ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Actually hinulaan ko lang," sambit niya. "Good guess!" Napangiti kami sa isa't isa. "Iyong tungkol kanina! I don't mean anything. May iniisip lang ako." Tumikhim ito. "Wala iyon! Ayos lang naman. Kasalanan ko rin naman, hindi ako nagpaalam ng maayos. Atsaka tama ka, may trabaho akong naghihintay dito..." Umiling-iling ako bilang 'di pagsang-ayon sa sinabi niya sa akin. "Without thinking that your having a break! Medyo self-centered ako d'on," pag-amin ko sa sarili ko. "Naku! Huwag mo ng isipin 'yon. Ayos lang talaga. Lesson learned din at least sa susunod, tatandaan ko na." Isa pang ngiti ang sumilay sa isa't isa sa amin. "No! Pwedi ka naman kumain anytime. Wala namang problema." "Kailangan ko rin tingnan ang oras." "Sabi ko nga anytime 'diba?" "Wala na nga akong sinabi." Tumahimik ito binalik ang tuon sa ginagawa niya. "Basta remember--- huwag kang lalabas na wala kang kahit na ano'ng suot na jacket ha." Natawa ito sa bilin ko. Lihim din akong natuwa sa sarili ko, hindi ko akalaing mahihiging ganito ako kahigpit sa isang bagong sekretarya---ibang-iba ito keysa kay Tessa at Ditas. Mas lalo itong gumaganda pag ngumingiti ito. Ava is extremely different. [ AVA | OFFICE ] DUMATING na ang order namin. Tulad ng sabi ni Ziggy, nilibre niya ako. Mabilis ko itong hinanda at baka gutom na talaga siya. "Ito ang para sa'yo! Kainin mo na agad habang mainit pa." Bigay ko sa kaniya ng pagkain niya. "Sabay ka na sa akin! May space naman 'tong table ko," alok niya. Nag-aalangan akong sumabay sa kaniya, huling beses kasi noong sumabay ako sa kaniya hindi sinasadyang mahalikan ako nito at muntik ng makita ng mommy nito. Ayaw ko ng maulit 'yon. Nakakahiya. "Sigi na, Ava! Malungkot kumain mag-isa remember?" Tumalima ako, para saluhan siya. Kagyat ang pangakong hindi na ako papadala pa sa kaniya. Maingat kong nilapag ang supot ng pagkain kong para sa akin. "Diet?" "Huh?" "Burger lang order mo, e." "Ayos na ako rito. Kumain rin kasi sa baba, remember?" Hindi na ito nagsalita pa. Pinagpatuloy na rin nito ang pagkain niya, wala sa sariling napangiti ako. Lihim ko siyang pinagmasdan. Maganda ang pilik-mata ni Ziggy, malago ito nakakainggit pag babae ito hindi na kailangan i-trim, ika nila. Mamula-mula ang labi nito, matangkad din ito, makinis ang mukha at medyo may kasingkitan ang mata. Idagdag pa ang itim na itim na buhok nito--- in short gwapo si Ziggy. Kaya hindi ako naniniwalang wala itong napupusuan o nobya. 'Isang malaking himala pag nagkataon. Imposible!' "What are you thinking?" baling na tanong sa akin ni Ziggy. Hindi ko namalayang nakatingin na pala ako sa kaniya, nahuli na naman ako ng huli. "May iniisip lang!" "Ako ba?" Alam kong biro lang nito. Ngumiti akong umiling-iling sa kaniya kunwaring hindi naman siya ang iniisip ko--- pero ang totoo siya talaga ito. "Sabi mo probinsyana ka 'diba?" tanong niya sa akin. "Born and raised from Negros," proud kong sagot sa kaniya. "Siguro maganda ang lugar niyo 'no? Maganda ka kasi, Ava." Napalunok ako sa turan niya sa akin, hindi ko alam kung puri ito o isang pasakay lang sa karisma niya. "S-salamat," aniya ko. Mayabang naman siguro ang dating ko kung hindi ko man lang magawang magpasalamat sa compliment nito sa akin. "How do you find me?" ilang sandali pang tanong niya sa akin. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko sa kaniya, samantalang kanina lang sabi ko gwapo siya. "Cool!" loko kong sagot. Tumawa ito nang tumawa, hindi ko tuloy alam kung may nakakatawa ba sa sagot ko. Cool naman talaga siya; minsan masungit, minsan naman mabait. "Ikaw cool ka rin naman," "Like?" "Ma-cool-it," anito. Medyo korni ang amo ko, naisip ko. "You want some wine? Mayroon ako sa cabinet ko. Wanna try?" Mabilis akong umiling-iling. Itong amo kong 'to! Alam niya namang nasa trabaho kami mag-aayaya siya ng inom. Kung ako ang amo nito at siya ang sekretarya ko malamang pinaalis ko na siya. "Ladies drink ang mayroon ako rito. Minsan kasi si Mama pag nagawi rito, umiinom siya. Bonding namin," kwento nito. Tumayo ito tinungo ang cabinet na kahoy sa likuran lang nito kung saan nakalagay; ang ilang makakapal na libro, pictures nito kasama ang mama niya, at ang ilang trophy na nakalagay dito. "Konti lang, Ava. Pampainit lang.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD