ZIGGY | OFFICE
"WHO is she?" tanong sa akin ni Mama, nang nagpaalam si Ava sa amin.
Hindi ko inaasahan ang siyang biglaang pagdating nito. Wala rin naman kasi kaming napag-usapan. "She is Ava," sagot ko. Habang ang tingin ko nakabaling kong saan lumabas si Ava. Nagtatanong na tingin ang siyang pinukol nito sa akin, knowing Mama, siguro iniisip na naman nito kung saan ko na naman napulot si Ava at bago na naman ang sekretarya ko. "Maganda siya.." Hindi ko inaasahang opinyon ni Mama sa dalaga. Pero hindi rin ako kumpyansang totoo ang siyang sinasabi nito, I know my Mom, walang ibang maganda rito kundi si Bettina lang.
"But Bettina is more beautiful than her, Ziggy.
Kaya alam mo naman siguro ang gagawin mo!" Hindi nga ako nagkamali. Hindi rin ako nagulat sa sinabi ni Mama, all those years si Betty na ang siyang gusto nito. Kahit na ano pa nga siguro o sino pa ang siyang itatapat ko sa kaniya walang makakapantay kay Bettina para sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang mayroon kay Bettina na kong bakit gustong-gusto ito ni Mama.
Isa sa mga dahilang nakikita ko ay ang pagiging magkasundo ng dalawa sa fashion maging sa make-ups. "I know, Mom.." Hindi nalang ako nakipagtalo pa at wala rin naman akong panalo rito.
But on the contrary kung ganda lang din naman ang siyang pag-uusapan tama si Mama, maganda nga si Bettina, kaya nga siguro ito naging isang kilalang modelo dahil sa taglay nitong ganda. But Ava's beauty is stunning too kahit ilang sandali palang kaming nagsasama nito, masasabi ko ring may kakaiba sa kaniya. Maganda si Ava, lalo na sa malapitan. Kung hindi lang dumating kanina si Mama, baka mas lumalim pa ang siyang halik na muntik na naming pagsaluhang dalawa. "Alamin mo ang limitasyon mo, Ziggy. Hindi ka na bata, para kung kani-kanino ka nalang papatol!" aniya pa nito. Napakunot-nuo ako sa sinabi ni Mama. Ava is not like that. Ako ang siyang gumawa ng first move sa muntikan kong paghalik sa kaniya, dahil kung hindi ko naman ginawa ito. Alam kong hindi rin naman susubok ang huli. Tsaka ko naalalang kailangan kong makausap si Ava, para makagpaliwanag dito. Baka isipin nitong sinamantala ko ang siyang pagkakataong kami lang ang siyang magkasama at baka isipin ng isang ganito ako sa mga empleyado ko. No! I'm not nagkaroon lang siguro ako ng attraction sa kaniya. "Wrong move, Dude!" kastigo ko sa sarili ko. "I have to go, Ziggy! Baka sa nakita ko, I will visit you regulary!" I just want to stop Mama kung ano man ang siyang planong nabuo niya. It's my fault! Kahit saang anggulo pa rin kasi dapat tingnan hindi ko pa rin hinayaan ang sarili kong gawin iyon, kahit sabihin kong bibigay din si Ava.
AVA | LOUNGE AREA
NAKITA kong lumabas na sa opisina ni Ziggy ang Mama nito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko kung bakit ko hinayaan ang sarili kong bumigay sa ginawa ni Ziggy. Malapit na iyon para sa mas malalim na halik. Masyado ko naman yata hinayaan ang sarili kong matangay ng karisma nito kong iyon ba ang tawag dito. "Hi! Ava," bati sa akin ng isa sa mga trabahador ng kompanya ni Ziggy, base sa id nito alam kong doon rin ito nagtratrabaho. "Merryl.." pagpapakilala nito sa akin. Tinanggap ko ang pakikipagkamay nito. Maliit lang na babae ito kumpara sa akin na may katangkaran din. "New hired secretary of Ziggy?" dagdag niyang tanong. Tumango-tango ako sa kaniya. "Kaka-appoint ko lang, pangalawanv araw ko ngayon," aniya ko sa kaniya. Lumuwag ang siyang ngiti nito sa akin.
"Masungit ba sa iyo si Sir?" napakunot-nuo ako sa tanong niya sa akin.
Gusto kong sabihing hindi naman ito masungit pero baka magkamali lang din ako at baka masungit ang amo ko sa kanila. Kung sasabihin ko namang mabait siya sa akin baka mag-isip pa ito ng mali. "Casual lang naman," maiksi kong tanong sa kaniya. "Mabait iyon pag sa maganda. Maganda ka kaya magiging mabait 'yon sa'yo," aniya nito sa akin. Napangiti nalang ako. Gusto ko ang ideyang maging mabait siya, not unlike earlier nang muntik nitong halikan ang labi ko ng mariin. Mabuti nalang talaga dumating ang siyang Mama nito, save by the bell kahit papano.
"Powder room lang ako," magalang kong paalam dito. Tumango-tango naman ito sa akin at agad ding tumalima. Agad akong pumasok ng magarang powder room sa department na kinabibilangan ko. Maganda ang siyang ambiance ng silid may dalawang cubicle, nagkikintaban ang faucet maging ang mga batong naka-display sa sahig. Inayos ko lang ang sarili ko, nagpahid ng kaunting poldo maging ng lipgloss na tanging laman ng dala-dala kong pouche parati. Lalabas na sana ako para bumalik sa opisina ni Ziggy. Ang siyang biglang pagtunog ng phone ko, si Amara ang caller agad ko itong sinagot. "Hi! Ate Ava," bungad nito sa akin. Ramdam ko ang pananabik sa boses nito, nakaramdam din ako ng labis na tuwa dahil naalala ako ng kapatid ko.
"Hi! Mara, napatawag ka. Kamusta kayo si Mama at Papa? Si Arya?" tanong kong sunod-sunod.
"Okay lang naman kami, Ate. Maayos naman si Mama at Papa maging si Arya. Huwag kang mag-alala sa amin. Ikaw Ate, kamusta ka riyan?" balik tanong nito. Sumandal ako sa pader muli kong inikot ang tingin ko sa paligid bago siya sagutin.
"Maayos naman si Ate. May magandang trabaho na ako rito sa Manila, makakapagpadala na ako sa inyo," sabi ko sa kaniya.
Narinig ko ang siyang boses ni Arya sa likuran nito nagpapabili ng cellphone na kong saan pwedi raw mag-f*******:. Tuwa ang siyang nararamdaman ko sa mga kapatid ko lalo na ang marinig kong muli ang boses nila. Wala itong katumbas na saya, namimiss ko sila. "Sigi na! May trabaho pa si Ate, tatawag ako ulit sa inyo, ha!" sabi ko sa kanila.
Ayaw kong maging malungkot at isipin sila palagi. Tulad ng pangako ko nang lumuwas ako kailangan ko maging matatag para sa kanila, dahil ang lahat ng paghihirap kong ito ay para lang sa kanila. Hindi ko hahaluan ng kahit na ano'ng romansa ang magandang swerteng ito, kahit pa ang mapanuksong tingin ng amo ko.
Ni Ziggy.....