Chapter 3

1072 Words
Ziggy TAHIMIK akong naglakad palabas ng eskinita papunta sa kotse ko. What was I thinking? F*ck! Mahahalikan ko sana s'ya kanina. Ang tunog kasi ng tawa n'ya kanina para musika sa pandinig ko. Ngayon lang nangyari sa akin ito. Tumatawa rin naman si Belinda pero walang dating sa akin.  Belinda.. sh*t! Muntik ko pang makalimutan na may girlfriend ako. We have been dating for the last two years. On and off. Modelo kasi s'ya at palaging wala. Kapag off kami, I see other women. When she returns, kami ulit. Basta, ganoon ang set up namin. I think she sees other men kapag off din kami kaya patas lang.  At twenty five, wala pa akong balak mag-settle down. I like being free. Ayaw kong matali sa isang kasal lalo na kung clingy at demanding ang magiging asawa ko. Nang makarating kami ako sa bahay ay didiretso na sana ako sa kwarto pero nasa may hagdan pa lang ako ay nakita ako ni Mommy. Bumaba ako uli at humalik sa pisngi n'ya.  "Hi, Ma." "Hi. Kadarating mo lang ba? Kumain ka na?" "Yes, Ma. Kumain na ako." "Okay, sinong kasama mo?" "Just a new friend. I have to take a shower and rest for a bit. Mamya na tayo mag-usap ha. Papahinga lang ako. Ang dami ko kasing binasa sa opisina kanina." "Okay, mamaya na lang." Umakyat na ako sa taas at dumiretso sa shower. Habang naliligo ako ay naaalala ko ang magandang mukha ni Ava.. pati na ang mahaba at maputi n'yang binti kanina. Maganda ang hugis nya. I instantly went hard with just her image on my head. Paano pa kaya kung araw araw kaming magkasama sa opisina. Ang sekretarya ko ay nasa adjoining room ng opisina ko para madaling tawagin kapag may kailangan ako. She's going to be a challenge for me.  Maaga akong gumising at excited na pumasok sa office. Ava is going to be there. First day n'ya ngayon eh. I should treat her for lunch. Pinakain n'ya ako ng hapunan kahapon kaya marapat lang na ilibre ko s'ya. Walang malisya 'yon. Sige, papaniwalain mo pa ang sarili mo, Ziggy. I quickly dismissed the thought.  Dumating ako sa kumpanya ng five minutes to nine. Pero ng makarating ako sa opisina ko ay naroon na si Ava. Malapit nga lang pala ang bahay n'ya dito.  "Good morning, boss," nakangiting sabi n'ya sa akin.  "Good morning. You're early." "Mabuti na po ang maaga kaysa ma-late ako. Besides, I want to familiarize myself with the things around here. Mamya po ay may appointment ako sa HR. Half hour lang naman." Tumango ako. "Okay," umupo ako sa swivel chair. "Would you like some coffee?" "Sure, make it two." "Okay. How do you take your coffee, boss?" Masyado s'yang formal, pwede naman akong tawagin na Ziggy. Then I realize, nandito kami sa opisina. "Black." "Okay, kukuha lang ako." Palabas na s'ya ng pinto ng tawagin ko s'ya. "Yes, boss?" "Pwede bang Ziggy na lang ang itawag mo sa akin kapag nasa labas tayo ng opisina at boss na lang kapag nandito tayo?" Nabanaag ko ang pagtataka sa maganda n'yang mukha. "Isn't that going to be a bit weird? I mean talaga namang boss kita. Kaya dapat lang na hindi tayo first name basis." "Boss mo nga ako hindi ba? Kaya dapat sundin mo ang sasabihin ko." Napangiwi s'ya. "Fine. Pero pag nasa labas lang ako tatawag sa 'yo ng pangalan mo. Saglit lang kukuha ako ng kape." "Sa iyo yung isang kape, baka hindi ka umiinom ng black." "Akin ba? Hindi nga ako umiinom ng black, mapait kaya. Two creamer two sugar ako. In short, double double coffee. Sige, I'll go ahead and get it." Saglit lang at nandito na s'ya uli dala ang dalawang kape. Inilapag n'ya sa mesa n'ya ang isa at ibinigay sa akin ang black coffee.  "I have a couple documents for you to review and sign." Saglit itong naglakad papunta sa desk n'ya at kinuha ang dalawang papel. She's wearing a black dress at above the knee ang tabas. Pinatungan n'ya 'yon ng pulang cardigan. Itim na sapatos din ang suot n'ya at katamtaman lang ang takong. Ang tuwid n'yang buhok na katamtaman ang haba ay maayos na naka-pony tail. Halos walang make up ang mukha n'ya bukod sa lipstick at mascara sa pilik.  Simpleng maganda. Ang tipo na kapag tiningnan mo ay paganda ng paganda.  Inabot n'ya sa akin ang documents at bumalik na sa mesa n'ya. Sinimulan kong basahin pero hindi ko mapigilan na hindi mapasulyap sa kanya. Kung minsan pag nahuhuli n'ya akong nakatingin sa kanya ay kumukunot ang noo n'ya. Pero kahit nakakunot, ang ganda pa rin ni Ava. Namalayan ko na lang na lunch na noong tumayo s'ya. "Boss, it's almost lunch time. Bababa lang ako sa cafeteria." Sumandal ako sa swivel chair. "No, stay here. I'm treating you for lunch. Nagbilin na ako kay Mang Edwin na bumili ng lunch natin. I hope Italian food is okay." "Naku boss, hindi naman kailangan maglibre. Okay na ako sa cafeteria food." Nahihiya itong ngumiti. There's that freaking smile again making my heart beat faster. "I insist. Dito na tayo kumain. There's a dinette in the corner. Doon ko ipapalagay ang pagkain kay Mang Edwin pagdating n'ya." Mayamaya ay dumating na rin ang driver ko at ng mailapag ang pagkain ay lumabas na ng opisina ko. Tumayo ako at nagpunta papunta kay Ava.  "Tulungan na kitang mag-ayos para makakain na tayo." "Ako na lang, baka madumihan ang polo mo. Nakaputi ka pa naman. At least ako, itim ang suot. Upo ka na." "Kukuha lang ako ng water bottle." Nang maayos na ang lahat ay tahimik kaming kumain. Masarap s'yang kumain, walang kyeme. Hindi katulad ng ibang babae na puro salad lang ang alam orderin.  "Masarap ba?" "Yes, boss. Salamat," ngumiti s'ya sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko.  "Ava.." Tumingin s'ya sa akin at tinawid ko ang kaunting distansya namin. I claimed her lips for a kiss at noong una ay nanatiling magkalapat ang labi n'ya. Mukhang hindi pa s'ya nahahalikan. I lightly bit her lower lip at nang mapasinghap s'ya ay sinamatala ko 'yon para maipasok ang dila ko. I was right, she tasted as sweet as candy.   I ended the kiss when I heard a knock. Nakita ko ng mag-iwas ng tingin si Ava at uminom ng tubig.  Ang iniluwa ng pinto ay ang akin ina at mukhang hindi s'ya masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD