Chapter 2

1111 Words
Ava MATAPOS ang interview ko sa Zobel Inc. ay dumiretso muna ako sa mall at nag-ikot. Mag-isa lang ako sa apartment at wala akong tv kaya naiinip ako. Manood kaya ako ng sine? Tapos narealize ko na wala na nga pala akong pera. Tatlong kanto lang ang layo ng opisina dito sa apartment kaya tipid na ako sa pamasahe. Ang limang daan ko ay kasya pa sa pangkain hanggang akinse. Magkakape na lang ako sa umaga at may libreng lunch naman sa opisina. Hapunan lang talaga ang gagastusan ko. May turo turo naman sa malapit doon na lang ako bibili ng ulam. May bigas pa ako sa bahay padala nina Nanay. Ang saklap talaga ng nangyari. Ako na nga ang nabastos, ako pa ang nawalan ng trabaho. Hindi pa nakuntento, hinarang pa ang mga application ko sa ibang kumpanya. Mabuti na lang at nagkaroon ng hiring dito sa mga Zobel. It's a prestigious company and they are very transparent. They do their own background check at hindi bias sa mga empleyado nila.  Nang mapagod ako sa paglalakad sa mall ay saglit akong naupo at bumili ng malamig na buko juice saka nagsimulang maglakad uli pauwi sa apartment. Ang tahimik na apat na sulok ng bahay ang bumungad sa akin. Ito ang namimiss ko sa buhay na kinalakiha ko sa probinsya. Kay Arya at Amaya pa lang ay matutulig na ang tenga ko sa ingay nila habang ang mga magulang ko naman ay nakabangon na at naghahanda ng kakainin namin. Si Tatay ay isang clerk sa munisipyo. Hindi kalakihan ang sahod n'ya pero may kaunti kaming palayan sa bayan ng San Carlos. Hindi na kami bumibili ng bigas. Ang aking ina naman ay tumatanggap ng tahi dito sa bahay kaya kahit papaano ay nakakaraos kami.  Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagmumuni muni at alas singko na ng hapon. Nagsalang ako ng kanin sa rice cooker. Sapat lang para sa dalawang tao. Titipirin ko na lang ang ulam para agahan ko na rin ito bukas. Siguradong may luto ng ulam sa karinderya ni Aling Mameng. Nagbihis ako ng shorts na hanggang kalahati ng hita at t-shirt na puti. Hindi na ako nag-abalang mag suot ng sapatos, tsinelas na sipit lang ay okay na.  "Aling Mameng, pabili nga po nitong afritada. Mukhang masarap po ah." "Bagong luto ko lang 'yan. Tamang tama ang pagdating mo, Ava," nakangiting sabi n'ya sa akin. Ipinagsandok n'ya ako ng isang order. Nagbayad ako ng bente pesos. "Salamat, ineng. May iba ka pa bang gusto? Teka, bibigyan kita ng sabaw. Libre naman ito. Nagluto ako ng nilaga."  "Talaga po? Salamat. Namimiss ko na nga ang lutong nilaga ni Nanay." "O s'ya sige, bukas ulit." Naglakad na ako pabalik sa apartment bitbit ang ulam ng may tumigil na magarang itim na sasakya sa tabi ko. Wala naman akong kilalang iba dito bukod sa kaibigan ko na si Claire. Itinuloy ko lang ang paglakad ko. Pero sunod ng sunod ang sasakyan.. ano ba yan? Hindi naman ako nakakaabala sa karsada, side walk naman ito. Tumigil ako paglakad pero ganoon rin ang ginawa ng sasakyan. Hinintay kong bumaba ng sasakyan ang driver. Baka naman magtatanong ng daan. Laking gulat ko ng makita kung sino ang umibis ng kotse. "Ikaw??!" Ngumiti ito. "Hi! Did I scare you?" Napaismid ako. "No. Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Sinusundan mo ba ako?" "Hindi naman. I was on my way home when I saw you walking. I thought I'd say hi." "Okay, hi din. Bye." Nilayasan ko s'ya at nagsimulang maglakad pauwi. Lalamig na ang ulam ko at nagugutom na rin ako. Luto na rin siguro ang kanin sa rice cooker. Pero naramdaman ko ang pagsunod n'ya.  "Ano 'yan? Ang bago," nakangiting tanong n'ya sa akin. Napakunot ako. "Afritada. Bakit?" "I'm hungry. Pwedeng makikain?"  Napanganga ako. "Seryoso ka?" "Oo. Bakit?" Sinipat ko s'ya at tinitigan kung nagbibiro pero mukhang hindi nga. Ang pogi. Shems! Tumigil ka nga, Ava. Boss mo kaya 'yan. "Fine. Pero walang aircon ang apartment ko at maliit lang. Iilang hakbang nga ang salas at kusina pati hapag kainan iisa eh. Baka magexpect ka." "Okay lang." Nilingon ko ang kotse n'ya. "Paano kotse mo?" "May kasama akong driver. Sinabi ko sa kanyang hintayin na lang ako," nilingon n'ya rin ang kotse at sumenyas. "Malayo pa ba dito ang apartment mo?" "Hindi, hayun lang sa may eskinita na 'yon pagpasok kaliwa." Sinabayan n'ya ako sa paglalakad at may ilang tao na tumingin sa kanya. Naglalakad sa eskinita naka-amerikana. Lihim akong natawa. Nang marating namin ang apartment ko ay dumiretso ako sa kusina. "Your place is tidy." "Tiny and tidy kamo."  "Basta malinis. Ayaw ko ng makalat." Pake ko naman kung ayaw mo ng makalat eh hindi ka naman dito nakatira? Weird n'ya ha. Ipinagpatuloy ko ang paghain at tinawag s'ya ng nagsasalin na ako ng tubig sa baso.  "Kain na tayo. Iisa lang ang ulam ha. Baka sanay ka sa inyong iba't ibang putahe ang nakahain."  Umuusok pa ang kanin ng ihain ko. Umupo naman s'ya at sumalo sa akin. Hinubad n'ya kanina ang amerikana nya at isinampay sa likod ng upuan.  "Masarap. Sino nagluto?" "Si Aling Mameng. Masarap talagang mag-luto 'yon. Pangarap n'ya magkaroon ng restaurant pero kapos sa pera may pinapaaral pang anak eh kaya tiis muna sa karinderya." "Close kayo," sumubo s'ya ng kanin na may ulam. "Mabait s'ya sa akin at hindi s'ya mahirap kausapin. Minsan nga binibigyan pa n'ya ako ng libreng panghimagas," uminom ako ng tubig at tiningnan s'ya. "Mukhang ngayon ka lang nakakain ng ganyan." "May nagluto sa bahay ng afritada, hindi masarap. Pero ito masarap talaga. Hindi maasim." "Maasim? Bakit maasim ang afritada bahay n'yo? Panis ba?" Tumawa si Ziggy. "Napadami yata ang tomato sauce. Salamat sa hapunan. Nabusog ako." Ubos na pala ang pagkain n'ya. Napatawa ako ng malakas. "Kaya naman pala." And that's when I noticed his stares. I sat here frozen at hindi ko alam kung mag-iiwas ako ng tingin o tatayo. Pero ang lintek na mga mata n'ya, parang hinihigop ako. Papalapit ng papalapit ang mukha n'ya sa akin. Hahalikan n'ya ba ako? Sh*t! Wala pa akong nagiging nobyo at ngayon ay isang estranghero ang hahalik sa akin. Take note, hindi lang estranghero -- boss ko pa! Hindi ko alam kung saan ako humigit ng lakas ng loob magsalita para awatin s'ya. "Sir Ziggy.." Noon s'ya parang nahimasmasan at pilit na ngumiti. "I have to go, Ava. Thank you for dinner. I enjoyed spending time with you. See you in the office tomorrow," tumayo s'ya at binitbit ang amerikana n'ya. Malapit na s'ya sa may pinto ng pumihit at magbilin. "Lock the door when I leave. Good night."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD