Chapter 6: She's in Trouble

1319 Words
The next day, June 18, 20**, Tuesday… Third Person's POV Maraming nagkukumpulan sa may gate. Mga babae ito na pinalilibutan si Clarence. "Hiii Clareenncee!!" "Sabay na tayo pumasok!" "No! sasabay siya sakin! Right, Clarence?" "Ah.. May hinihintay kasi ako. Pasensya na mga miss." Magalang na sambit nito. "WAAHHHHHH!!! YOU'RE SO POGGII!!" Nasisikipan na si Clarence sa kanila. Dumating naman ang tatlong kabarkada ni Clarence na sina Mike, Josh at Clyde. "Yo." Clyde, ang pinakamature at madalas tipid magsalita sa grupo. "Ladies.. maari bang hiramin muna namin ang kaibigan namin?" Josh, ang babaero. Tumango lang si Mike. Ang pinakamatalino pero madalas makipag-away. Nasa IV-A sana siya pero since nasa IV-B ang tatlong kaibigan, doon narin siya. Nagtilian pa ang ilang babae sa nag-gwagwapuhang mga nilalang sa harapan nila. Hinila na nga ni Mike si Clarence. "Whew. Salamat pre. Grabe, ang sikip dun." "Chick magnet." Clyde "Nako pare, lamang ka lang sakin ng limang paligo kaya mas marami-rami ang chicks mo." Josh "Gagu." Mike sabay batok kay Josh. Napatawa lang si Clarence at Mike. Bigla namang dumaan si Denise habang naka-sling bag at doll shoes. Kung tutuusin, parang napaka-ordinaryong babae dahil sa pananamit niya at hindi rin siya nagma-make-up ng makakapal pwera nalang kung may okasyon. "Nica!" tawag ni Clarence pero hindi siya nilingon ni Denise. Tinapik siya ni Clyde sa balikat. "Lakas rin ng loob mo pare noh? Tsaka paanong naging Nica?" Josh "Nakuha sa second name niya na Monica. Tanga." Mike Tumango-tango naman si Josh. "Geh. Sundan ko muna ah?" paalam ni Clarence sa mga kaibigan. "Sige. Goodluck." Clyde Umalis na nga si Clarence para sundan si Denise. Papunta ito sa locker niya. Pagkabukas niya sa kanyang locker, may mga nahulog parin na mga letters. Deadma yan malamang. Kinuha niya lahat ng notebooks na pang morning classes pero hindi na siya magdadala ng mga libro. Mabigat kasi at sagabal. "Uy Nica. Good Morning!" bati sa kanya ni Clarence. "Stop calling me Nica you dumbass." "Okay Nica." Binalewala nalang niya si Clarence at sinara na ang locker at nagsimulang maglakad papunta sa classroom. Nakabuntot naman sa kanya si Clarence. "Swerte naman ni Denise." Sabi ng isang babae. Sumang-ayon naman ang kaibigan niya. "Naunahan ata ako pre." Komento naman ng isang lalaki. "Nanliligaw na ba si Clarence sa kanya??" "Siguro. Pa hard to get naman ang peg niya." Isa pang girl. "Mas maganda pa naman ako sa kanya." Akala nila, hindi sila rinig ni Denise dahil naka-earphones ito pero ang di nila alam, wala palang music na naka-play. Huminto sa paglalakad si Denise. I smell war again. Lumapit siya sa dalawang babaeng pinagchichismisan siya sa may locker. Bumakas naman ang takot sa mga mukha nila. "Gusto niyong mabalian ng buto?" and she glared at them. Both girls gasped. Nanlamig naman yung isa sa nerbiyos. Agad namang lumapit si Clarence. "Girls. Gusto ko lang linawin na hindi ako nanliligaw. Makikipagkaibigan lang eh tsaka maganda naman kayong pareho." Clarence. Napangiti naman yung iba sa kabaitan nito. "Tara na nga Nica. Baka ma-late pa tayo." tapos hahawakan niya sana ang braso ni Denise pero iniwas niya ito. "Tss." *** Physics Class… "Okay class. Get your books." sabi ng guro. Nilabas naman ng ibang estudyante yung mga libro nila. Pero walang libro si Denise. "Psst. Nica." tawag sa kanya ni Clarence na nasa tabi niya. Alphabetical orders kasi at alternate na boys and girls. Vega at Torres. Magkalapit lang ang V at T kaya sila nagkatabi. Inis na nilingon siya ni Denise. "Share tayong book." He said with a big smile. Wala namang choice si Denise. Hinablot niya ang libro mula sa kamay ni Clarence tsaka binuksan ang sinasabing pahina ng guro. "Uy! Share tayo!" sabay usod ni Clarence papalapit kay Denise. She felt alarmed right away tsaka tumayo at binagsak ang libro sa harap ni Clarence. "Nica...?" nagtatakang tawag ni Clarence. "Any problem Miss Vega??" tanong ng guro. Hindi sumagot si Denise at lumabas lang ito. Hindi na sumunod si Clarence kasi ayaw niyang mag-cutting. Denise's POV Ano ba talagang kailangan ng lalaking yun. Nakakainis. Ipasalvage ko nalang kaya para mabawasan ang stress ko sa kakabuntot niya. Buti nalang at di na sumunod. Leche. Nakakaimbyerna. Makakain na nga lang ng ube na ice cream. Matapos kong bumili ng ice cream, dumiretso ako sa likod ng gym at umupo sa ilalim ng puno habang kumakain ng ice cream. Peace. Finally. *** KRIINNGG Nagising ako sa pag-ring ng punyetang bell. Tumayo na nga lang ako at pinagpagan ang uniform ko tapos naglakad palabas ng campus. "NICAA!" Oh fck. Here he goes again. Hindi ako lumingon tsaka ako tumakbo ng mabilis. Third Person's POV "Hahahaha!" tawa ni Josh. Nakita kasi nila si Clarence. "Tol, ayaw talaga sa'yo. Dakilang man hater ata talaga yun." Mike "Tama." Clyde "Sabay na nga lang tayong mag-lunch." yaya ni Josh. "Geh." Clarence na nakakamot ang ulo at yung iba pa. *** Uwian… Tinext ni Denise ang sundo niya na hindi na siya magpapasundo kasi pupunta pa siya sa paborito niyang Ice Cream Parlor malapit sa school. Umorder ulit siya ng Dalawang ube parfait kagaya nung dati. Glass ang wall ng shop kaya makikita si Denise mula sa labas. May dalawang lalaking nagmamanman sa kanya. "Boss. Nakita na namin siya." (Sige. Papunta na kami.) "Sige boss." Ng matapos kainin ni Denise ang ice cream niya, lumabas na siya ng shop at naisipang maglakad nalang pauwi. Habang naglalakad, nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya at sumusunod pero hindi siya lumingon. Lumiko siya sa isang kanto tsaka nagtago at ng dumaan ang lalaking nakasunod sa kanya, she grabbed his collar and punched him hard on the face. "Who the hell are you?" The guy just smirked and snapped his fingers. Nagsulputan naman ang labing apat na lalaki sa likod nito. A total of 15 guys. "Kami lang naman ang binugbog mo noon sa isang bar nung nalasing kami." "Oh? So ngayon nagdala ka na ng back-up? Coward jerk." Denise Nagalit naman ang lalaki. Lahat ng mga lalaki ay may kanya-kanyang hawak na arnis sticks. Nilabas naman ni Denise ang chainsticks niya. Palagi niya itong dala-dala at mahusay gumamit si Denise nito. "Lapit na ng matapos." bored na sabi niya habang hawak-hawak ang chainsticks. "Lagot ka ngayon!" inis na sumugod ang dalawang lalaki sa kanya. Hahampasin sana nila si Denise ng mga arnis nila pero sinangga ito ng chainsticks niya tsaka ginawa ang kanyang technique para matapon ang mga arnis. Ng mawala na mga ito sa mga kamay ng dalawa, pinatama niya ang chainsticks sa mga mukha nila tsaka ito lumundag at sinipa ang dalawa. Knocked out. Palapit na naman ngayon ang tatlo pero niisa sa kanila, hindi magawang tamaan si Denise at sa huli, sila parin ang talo. Knock out ulit. Susugod na sana ang iba pa ng may narinig silang kalabog. Isang babae ang tumalon mula sa rooftop. Nakasuot ito ng uniform ng Concepcion University. "Hi friend." sabay ngiti ni Andrea kay Denise. Nagtaka naman si Denise at tinaasan ito ng kilay. "Mind if I join you play?" Andrea smirked. Tila nagets ni Denise ang ibig iparating ni Andrea. Tumango ito tsaka sila lumaban. And in less than 10 minutes, wala ng malay ang labinlimang lalaki. Umalis na ang dalawa doon. "Di ko akalain na isang weak na katulad mo ay nakikipaglaban rin." Denise "Is that your way of thanking? But anyways, you're welcome tsaka natural lang na marunong akong makipaglaban kasi gangster ako." Andrea "Una sa lahat, there's no need for me to thank you kasi kahit hindi ka pa dumating, makakayanan ko ang mga unggoy na yun." "Tss. Conceited bitch." "No b***h. I'm just stating the fact." "Yeah whatever. Punta ako sa bahay mo ngayon." sabi ni Andrea. Hindi siya nagpapaalam na sasama siya. "Hah. And why would I allow you?" "Because you owe me." "Asa pero mukhang mapilit ka kaya fine." "Good." "No. I'm very bad." "I know that bitch." And both of them headed to Denise's place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD