June 17, 20**, Monday...
Third Person's POV
The usual thing, pagising ni Denise, dumiretso siya sa banyo para maligo at ginawa ang iba pang daily morning routines bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kitchen.
"Good morning Apo."
"Morning la."
"How's your sleep?"
"The usual."
Nagsimula na silang kumain ng breakfast at pagkatapos ay nagpaalam na si Denise sa lola niya.
"Bye lola." sabay kiss sa cheeks.
"Bye apo. Ingat ka."
Nag-nod lang si Denise tsaka lumabas na ng bahay.
Red Woods Academy…
Nagsimula ng maglakad si Denise papasok sa school ng may bumangga sa kanya na lalaki. Hindi naman siya natumba pero medyo malakas yung impact.
Galit na nilingon niya ang lalaki.
"What the hell was that for?!"
"M-miss.. Hindi ko sinasadya.. Sorry.."
Talaga namang hindi sinadya ng lalaki kasi nakatingin ito sa likod niya tapos biglang natapilok.
Sinapak siya ni Denise.
"Get lost." sabay talikod niya dito.
The people who saw it looked at her with disgust and hatred. Para yun lang, nananapak na siya?
Naglalakad na siya ngayon patungo sa locker niya na nasa A-43. Habang naglalakad, maraming napapatingin sa kanya.
Pagkabukas niya, may mga papel/envelopes na nalaglag. Galing ito sa mga may gusto sa kanya pero mostly, galing sa mga haters niya.
"Psh."
Matapos kunin ang mga kailangan niya, sinara na niya ang locker niya at hindi man lang pinulot yung mga letters.
Dumiretso na siya sa classroom at umupo sa upuan niya. May 15 minutes pa bago mag time kaya sinaksak niya muna ang earphones niya sa tenga.
Now playing. Better than Revenge by taylor Swift na naka full volume. Umub-ob si Denise sa arm-chair niya.
Habang nakiking siya, papalapit sa kanya ang tatlong babaeng mga maldita rin na classmates niya. Sina A, B at C. Katamad pangalan di naman sila importante.
"Hey." A
Hindi siya narinig.
"Excuse me Denise." B
Wala parin.
Kinulbit siya ni C sa balikat. "Hello? Kinakausap ka namin??" naiiritang sabi ni C.
Napaangat ang ulo ni Denise tsaka niya tinanggal ang mga earphones niya.
Hindi siya nagsalita but she gave them a questioning look. A bad one. Istorbo kasi.
"Well.. we would want to ask you if you want to join are group?" A
"Like yeah. Pareho ka kasi samin na bitchy and warfreak." B
"So ano? Payag ka na?" C
Tumaas lang ang kilay ni Denise at umub-ob ulit sa arm-chair niya.
Nainis ang tatlo sa inakto nito. Itutulak sana ni B ang balikat ni Denise pero nahawakan nito ang kamay niya tsaka inangat ulit ang ulo.
"Don't fcking disturb me." Sabay titig sa kanila ng masama.
Nanlaki ang mga mata ni B but she pretended to be tough.
"Psh! Kala mo naman na matatakot sa'yo lahat ng estudyante dito! Pwes------"
Denise smashed her arm-chair at nahati ito sa dalawa.
Natahimik ang classroom at gulat lahat.
"O-okay okay! I'll go na!" tapos aalis na sana ang tatlo.
"Wait."
Napalingon ulit sila.
"You.” Sabay turo kay B.
Replace my chair with yours." ma awtoridad na utos nito. Nakatulala lang si B.
"KIKILOS KA O HINDI?!"
Agad na natauhan si B at pinalitan ang upuan ni Denise.
Umupo ulit siya at natulog habang naka-earphones.
***
"Good morning class."
Nagbatian na't lahat pero tulog parin si Denise.
"Class, before we start, we have a new student here. Come in Mr. Torres" tawag ng guro.
Pumasok naman ang gwapong lalaki.
"Oh my gosh! Ang poggiii!!!!"
"Hala!! Crush na kita!!!"
Tilian ng mga babae.
Tulog parin si Denise.
"Girls. QUIET!" Natahimik naman agad ang klase. "Okay, sorry about that Mr. Torres. You may now introduce yourself."
"Wel, I'm Clarence Kai Torres. 17 years old. I hope we could all be friends." masiglang bati ng binata.
Lalong nagtilian ang mga babae at yung iba kinikilig na.
"Class!" tapos tumahimik ulit. Bigla namang napaangat ang ulo ni Denise at nag-inat ng mga kamay habang humihikab.
"Okay, I need a student to tour Mr. Torres around. Oh, Ms. Vega. Sige, ikaw na."
Ang tanging narinig naman ni Denise ay.. ‘Oh, Ms. Vega. Sige, ikaw na.’
Denise's POV
Anong ako na?
Ako na ang maganda?
"What?" tanong ko.
"You volunteered by raising your hand. Ngayon, i-tour mo na si Mr. Torres sa school."
Nak ng. Nag-inat lang ako ako eh. Napatingin naman ako sa sinasabi niyang Mr. Torres.
"Hiii Miss Walakangpakialamgetlost! We've meet again! " sabay kaway.
Sino to----Ohh. Isang peste na nagnakaw sa keychain ng bag ko at nalaman ang full name ko.
"I'm not a tour guide." sabay ub-ob ko ulit ng ulo ko sa desk.
Few seconds later…
Naramdaman kong may humila sa braso ko patayo.
Third Person's POV
Hinila ni Clarence ang braso ni Denise patayo. Nagulat naman ang mga kaklase nila pati ang guro sa ginawa niya.
'Patay, lagot ka.' isip-isip ng isa.
"Sige ma'am. Labas muna kami." Masiglang paalam ni Clarence.
"Fck! Let go!" sigaw ni Denise sa kanya.
".............." no response si Clarence pero hindi niya binitawan ang braso ni Denise.
"Hahaha! Don't cuss Ms. Nica! Tara na nga!"
Mas lalong nagulat ang mga tao sa paligid.
Hinila ni Clarence palabas si Denise. Pagkalabas at pagkalabas nila, tinulak siya palayo ni Denise.
"Stay away you idiot!"
"Aray naman. Tour moko." He pouted.
"No." matigas na sabi ni Denise sabay lakad palayo. Sumunod naman si Clarence.
"Nag-volunteer ka kanina eh Nica!"
Napahinto si Denise sa paglalakad at hinarap si Clarence. Tinulak niya ito paatras. She pinned him against the wall while her arm is on his neck.
"You don't have the right to give me a nickname.” And she gave him a death glare.
Clarence just stared innocently.
"Why?" tanong pa nito.
"Because! Ugghh! “ napa face palm si Denise.
Bahala ka na nga diyan!" sabay iwan kay Clarence. Well, si Clarence?
Malamang. Sumunod.
"Nica! Nica! Nica!"
"Alis!"
Di parin natinag si Clarence.
Napabuntong-hininga si Denise. Sila lang namang dalawa kasi may klase pa yung iba.
"Look. You are very very annoying. Pag hindi mo pa ako lulubayan, bubugbugin na talaga kita." pagbabanta niya.
"Eh i-totour mo nga raw ako. Tsaka, gusto ko lang namang makipagkaibigan eh."
"Ayaw kitang i-tour. Ayaw kitang maging kaibigan at higit sa lahat ayaw ko sa mga lalaki kaya pwede ba?!"
"Haaiisst. ‘To naman si Nica. Sige na nga. Bukas na ulit kita kukulitin. Babyeeee!" and he waved several times.
"Shit.”