Chapter 7:BFFs

1080 Words
Third Person's POV Pumasok na sa loob ng mansion ang dalawang 'magkaibigan'. Nagulat naman si Yolanda, ang lola ni Denise na may kasama ang apo niya. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagdala si Denise ng kasama sa bahay nila. "Magandang hapon apo at Andrea, magkaibigan na pala kayo ng apo ko." "Opo lola. Magkasingbait nga kami eh." Andrea "Tss. Ikaw mabait?" Denise "Oo. Sayo lang masama. Angal ka?" Andrea "Aminin mo nalang kasi na masama ka talaga. Duh." "Nagsalita ang 'MABAIT'. Duh." sabay irap ni Andrea. Kahit nagsasagutan ng ganun ang dalawa, natuwa si Yolanda at napangiti. 'Nakakita narin siya ng kaibigan.' isip-isip nito. "O sige na. Wag na kayong magtalo." Yolanda "La, saan po ang kwarto ni Denise?" tanong ni Andrea. "Nasa itaas hija. Yung pangatlong pinto sa kaliwa." sagot naman ng matanda. "Okay po." sabay akyat ni Andrea papunta sa taas tsaka dumiretso sa pintuan ng kwarto ni Denise tsaka pumasok. "Hey! Did I gave you my permission to come in?" nakapamewang na sabi ni Denise sa may pintuan. "No because I can do whatever I want without your permission." "Kapal ng mukha. Walang manners." sabay pasok ni Denise sa kwarto niya. "Birds with the same feather flock together." naka-smirk na sabi ni Andrea sabay punta sa walk-in closet ni Denise at tiningnan ang mga damit niya. "Hmm.. hindi na masama ang taste mo pero mas maganda parin talaga ang taste ko." sabi ni Andrea habang tinitingnan ang mga mamahaling damit ni Denise. "I don't need your opinion . Inggit ka lang." Denise "Heck no." Denise's POV Etong babaeng to, sobrang feel at home. Pakielamera pa sa mga gamit KO at ngayon, nasa training room KO na kami. "Wanna play?" tanong niya habang nakahawak sa fencing swords ko. "Sure." tapos tinapon niya sa ere yung isa at sinalo ko. Bumwelo na kami at nauna siyang umatake kaya nagsimula na nga ang laro namin. Magaling rin pala ang isang to kasi ilang minuto na kaming nagfefencing pero wala pang napabitaw sa espada. "You're not that bad. You should join my gang." saad niya. Napakunot ang noo ko. "I'm not weak so I don't need any gang." "So your saying that I'm weak because I have a g**g?" tanong niya habang nakaconcentrate parin kami sa pagfefencing. "Based on my knowledge, people join or form a g**g so that they would be strong so basically it means that they depend on the g**g and they can't fight on their own. See? those are weaklings." sabay smirk ko. Napakunot naman ang noo niya. Ininsulto eh. "No you're wrong! Yes we help each other during our fights pero that doesn't mean that we're weak. Besides, it’s safer to have some people around that's ready to help you if you get in trouble tsaka mga kaibigan ko rin sila kaya hinay-hinay ka sa pagsasalita mo." Pikon siya. "Wow. I think I'm seeing the halo above your head. Where did you hid your horns?" "Psh. Pag ikaw natalo ko dito, you would have to meet them." determinadong sabi niya. "And if you lose, hindi ko sila imemeet and I can prove to myself that gangs are for WEAKLINGS." She smirked. Pagkasabi ko nun, biglang sumeryoso ang mukha niya at naging determinado. Yan. Mas maganda kung seryosong laban. *** Third Person's POV Mga tatlumpung minuto ang lumipas, biglang lumundag si Andrea and aimed the sword to Denise's at may ginawang technique. Nabitawan ni Denise ang espada niya which means she lost. "Hindi ko inasahan yun ah but a deal is a deal." kalmadong sabi ni Denise. "Then it's settled. Bukas natin sila imemeet." Nagkibit-balikat lang si Denise pero sa kaloob-looban niya, ayaw niya talagang makipag-usap sa ibang tao. Nasanay na siyang masyado na mag-isa. "Care to offer me some snacks?" habol ni Andrea habang tumabi kay Denise sa paglalakad. "Bayad ka." Kinuha naman ni Andrea ang wallet niya. "How much do you need?" Tumigil si Denise sa paglalakad kaya pati si Andrea ay napatigil din. "Tanga. Punta ka sa baba. Sa kitchen, makapal naman mukha mo." tapos papasok na sana si Denise sa kwarto niya pero hinawakan ni Andrea ang braso niya. Isa pang ayaw niya ay ang mahawakan ng ibang tao maliban nalang sa lola niya. "Don't touch me!" sabay hablot ng braso niya. Tinaasan naman siya ni Andrea ng kilay. "Wala akong germs F.Y.I. Diyan ka na nga. Kakain ako." sabay talikod ni Andrea. Pumasok naman si Denise sa kwarto niya at nakita niyang umiilaw ang phone niya mula sa bag niya. Third Person's POV Kinuha ko ang cellphone ko. Unregistered number calling. Pinindot ko yung answer button. "Sino ka?" (Nicaaaa! Hiiii!!!) Boses pa lang alam ko na. "How the fck did you got my number?" (Basta. Hehe. Save mo ah? Anong ginagawa mo Nica? Ba't ka tumakbo------) Inend ko na. Amputa. Kainis talaga yung lalaking yun. RING RING Sige lang. Mapagod ka kaka-diall. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sino pa nga ba ang taong hindi marunong kumatok? Teka.. yung hawak niya... "Ice cream ko yan!" "Weh? walang pangalan." "Shit." "Bilhan kita nito bukas ng isang truck." "Whatever." Sumandal siya sa headboard ng kama habang ako nakahiga. RING RING Andrea's POV Palaging nagriring yung phone niya. "Hoy. Di mo sasagutin?" "Hindi." "Bakit? "Paki mo?" "Wala." tapos kinuha ko yung phone niya at pinindot yung answer button at niloud speaker. (Nicaaa! Ba't moko binabaan kanina??) Napangiti ako at pagtingin ko kay Denise, nakatingin sya sakin ng masama. "Uh, this is not Nica. I'm Andrea, NICA'S friend." Nica raw oh. Lumalandi rin pala to. (Oh, sorry. Can I talk to her?) Pinandilatan na ako ng mata ni Denise na parang nagsasabi na 'sige. subukan mong ipakausap sakin, malilintikan ka.' "Hindi raw eh." at parang nakahinga ng maluwag si Denise." but she said you should wait for her at the front gate tomorrow para sabay na kayo. Okay? bye!" sabay end ko ng call. "What?!! Do you even know how annoying that guy is?!" sigaw niya sakin. Actually, kung iba siguro, matatakot sa kanya pero hindi tumatalab sakin eh. "Nope. Why would I?" "Urrghhh! Fck you!" "Hindi kita papatulan." nakangising sagot ko. Sarap asarin ng babaeng to. Nag dirty finger siya sakin. "Oh, look at the time. Alis na ako BFF!" sabay tayo ko. "BFF mo mukha mo!" "Oops, hindi BFF as in BEST FRIENDS FOREVER kundi BFF for BITCHFRIENDS FOREVER." "Tss. Layas na." "b***h ka talaga." "Parang ikaw hindi." Kinuha ko na nga ang bag ko at lumabas na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD