The Beautiful Basher 2

1233 Words
Nakangiti akong pumasok ng Mall dahil ngayon ang sahod namin. Hindi kasi ako nakasahod kahapon dahil sobrang din. Kailangan ko rin magpakitang gilas para maging maganda ako sa paningin ng head namin. "Maganda yata ang gising mo ngayon, Nicole?" may pagtataka na tanong sa akin ni Fee. "Yes, maganda talaga dahil sa sahod ko ngayon," wika ko rito. "Wow, kaya pala abot langit ang ngiti mo," pang-aasar na sabi nito sa akin. Kaya tumawa lamang ako rito. "Ay! Nicole sasama ka mamaya?" tanong sa akin ni Fee. "Saan?" tanong ko rito. "Birthday ni Mrs. Salis ngayon at lahat tayo ay pinapupunta sa bahay niya. Ano, sasama ka ba? Saka off mo naman bukas kaya ayos lamang na magpuyat ka," wika ulit ni Fee. "Kayo na lang, saka wala akong maibibigay na regalo roon. Nakakahiyang pumunta," anas ko. Kung gusto mo paghatian na lang natin ang ibibigay na regalo kay Mrs Salis," wika pa sa akin ni Fee. Umiling ako rito. Naku! Kayo na lang ayaw kong sumama. Saka hindi naman kami close ni Mrs. Salis, lagi nga akong kinakaltasan ng sahod noon tapos magbibigay pa ako ng regalo!" bulalas ko pa. Nakanga-ngang tumingin sa akin si Fee at hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko rito. Totoo naman kasi ang mga tunuran ko. "Ay! Iwan ko sa 'yo Nicole, ang sabihin mo kuripot ka lang talaga," wika nito sa akin. Nakasimangot na umalis ito sa aking harapan. Nakikita ko ang pagkaasar sa mukha nito. Ako naman ay pumunta na sa aking pwesto upag magsimula nang magtrabaho. Limipas ang maraming oras. At pagtingin ko sa labas ay madilim na. Kaya naman naghanda na ako sa aking pag-uwi. Agad akong nagpunta sa sakayan ng jeepney. Mayamaya pa'y may tumigil kaya nagmamadali akong sumakay roon. Makakapagpahinga ako dahil walang pasok bukas. Kahit na matanghali ako nang gising ay ayos lang. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa bahay ko. Nagmamadali rin akong magpalit ng damit dahil gusto ko nang kumain. Tinapos ko muna ang mga gawain ko bago ako pumanhik sa aking kwarto. Kinuha ko rin ang cellphone. Balak ko nag f*******: muna habang nagpapaantok. Balak ko rin kasing magpalit ng profile picture. Biglang kumunot ang noo ko nang makita ko sa news feed ay ang picture ng isang lalaki. Ito ang laman ng lahat ng pahayagan at mga page sa f*******:. Kaya binasa ko ang nakasulat. "Hendrex Brown, nandito raw sa bansa kaya nagkakagulo ang mga fans nito!" malakas kong bigkas. Napaisip ako kung saan ko narinig ang pangalan na Hendrex Brown. Pumunat naman ako sa comment section at pagkatapos ay binasa ko. Nakita kong kakaunting tao lang ang nagsasabi na masama raw ang ugali ng lalaki. Tumingin ulit ako sa picture ni Hendrex Brown. Guwapo ito lalo na kapag tinititigan ng matagal. Kahit sinong babae ay mahuhumaling rito. Bigla tuloy akong napangisi nang may pumasok na kalokohan sa utak ko at siguradong maraming magagalit sa aking na mga tagahanga ni Hendrex Brown. Muli kong binasa ang mga comment ng ilang mga tagahanga ng lalaki. Kaya nagsimula na rin akong magcomment sa page kung saan balita roon ang lalaki. Comment 1: "Hendrex ang gwapo mo sana sa akin ka na lang." Comment 2: "Ohh! My Gosh! Papa Hendrex, sana ako na lang ligawan mo." Comment 3: "Sana mapansin mo ako Hendrex. Dahil ngayon pa lang ay mahal na kita." Comment 4: "Kahit sulyap lang ay masaya na akong mamatay." Basher Me: "Hindi naman siya guwapo, aah?" Comment 1: "Kung wala ka ring magandang sasabihin kay Papa Hendrex ay huwag ka na kang magcomment." Basher me: "Meron akong sa sabihin. Opinion ko lang naman ito kaya sana lang ay huwag kayong magalit sa akin. Alam ninyo bang pangit ang hinahangaan ninyo." Comment 1: "What? Hoy babae, puwede lumayas ka rito sa page ni Hendrex." Comment 3: "Oo nga umalis ka rito dahil bawal ang basher dito." Basher me: "Totoo naman ang aking mg tinuran. Dahil para sa akin ay 'di siya gwapo." Comment 4: "Bulag ka ba? Ang guwapo kaya ni Hendrex." Comment 1: "Oo nga bulag iyan kaya hindi nakikita kung gaano kagawapo si papa Hendrex." Basher me: Hindi ako bulag kitang-kita ng mga mata ko kung gaano ka pangit ang inyong hinahangaan." Comment 2: "Lumayas ka sa page ni Hendrex dahil hindi nababagay rito ang mga better na katulad mo." "Basher me: "Ahhhmm...mayabang at hindi naman gwapo, mayaman lang siya kaya sobrang sikat, bakit humahanga kayo sa kanya? Para sa akin hindi siya gwapo at mukha siyang kabayo," sabi ko pa sa comment. Comment 3: "Ikaw ang pangit! Kaya puwede lumayas ka rito sa page ni Hendrix!" Basher me: "Totoo naman ang mga sinasabi ko na mukha siyang kabayo. Saka matulog na lang kayo dahil makakaipon pa kayo ng muta," pangangasar ko sa comment. Agad akong nag log out. Dahil inaantok na talaga ako. At sigurado akong galit na galit ang mga tagahanga ni Hendrex sa akin. Alas-diyes na ako gising kinabukasan. Napasarap ang tulog sabagay off day ko naman ngayon. Ang kailangan kong gawin ay maglinis ng buong bahay saka tambak na rin ang labahin ko. Uunahin ko muna ang maglinis ng bahay lalo at nakikita ko na iyong mga alikabok. Siguradong magagalit si mama nito kapagnakita na sobrang dumi ng bahay baka multuhin pa ako. Kailangan ko rin mag grocery ng mga delata, wala na kasi akong stock na mga pagkain. Saka may pasok na naman ako bukas. Bigla na naman pumasok sa utak ko sina mama at papa. Sobra ko na silang namimis. Kaya imbes na tumunganga at baka lamunin ng katamaran ay nagsimula na ako sa mga gawain ko. Hindi naman nagtagal ako sa paglilinis ng bahay. Pagkatapos ay ang mga labahin naman ang hinarap ko. Nagulat pa nga ako nang biglang tunog ang cellphone ko. Hinayaan ko lang ito dahil ayaw kong tumayo baka kasi tamarin ako. Mamaya ko na lang titingnan kung sino ang makulit na tumatawag. Nagsasampay na ako ng mga damit kong nilabhan, nang tumunog ulit ang cellphone ko. Sino kaya ang makulit na iyon? Natapos na ako sa pagsampay pero ang cellphone ko ay panay pa rin ang tunog. Kaya kinuha ko na ito upang sagutin ang tumatawag at nakita kong si Fee. Ano kaya ang problema ng babaeng ito? b "Oohh, napatawag ka bestfriend!" bungad ko agad dito. "Nicoleeee!" hiyaw nito, kaya bigla kong na alis ang cellphone sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng boses nito sa kabilang linya. "Ano'ng problema mo, Fee?" asar na tanong ko. "Wala akong problema Nicole. Pero ikaw ang may problema!" muling sigaw. "Wala akong problema Fee, mamaya ka na tumawag may pupuntahan pa ako," wika ko. "Jusko! Nicole, ano bang ginawa mo?" tanong nito. "Wala akong ginagawa, Fee," inis kong wika rito. "Malaki ang problema mo, Nicole," wika nito. Kaya nagtaka ako sa mga pinagsasabi nito. "Paanong naging malaki?" ipaliwanag mo saad ko. "Wanted ka Nicole at may patong na isang milyon sa ulo kung sino ang makakapagsabi kung saan ka nakatira!" "P-paano ako naging wanted?" wala akong ginagawang kasalanan at wala akong pinapatay na tao," wika ko. "Si Hedrex Brown, ang nagpapahanap sa 'yo Nicole, dahil sa mga sinabi mo sa page niya na hindi maganda." "What?!" bulalas ko. "Sinabihan na kita dati Nicole na huwag basta magcomment sa mga page ng hindi maganda," sermon sa akin ni Fee. "Sure ka? Wanted talaga ako?" tanong ko ulit dito. The beautiful basher ( mafia Lord series 2).
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD