The Beautiful Basher 1

2741 Words
"Hoy! Nicole bakit late ka na naman? Naku kapag nalaman ni Mrs. Salis na late ka ulit malalagot ka na naman at ikakaltas na naman sa sahod mo iyon," nag-aalalang sabi sa akin ni Fee. "Sshhh...huwag kang maingay," nahinang sabi ko rito. Siguro ay nagpuyat ka naman, ano? Dahil sa kababasa mo ng w*****d," sabi ulit sa akin ni Fee. "Ha? Hindi, ahh, natulog kaya ako ng maaga kagabi," palusot ko rito. Nakita kong umiiling na lang ito sa akin. Isa akong salelady sa isang sikat na Mall. Maganda naman ang pasahod sa akin lalo at mayaman ang may-ari ng gusaling ito. Halos tatlong taon na akong nagtatrabaho rito. Ang totoo niyan ay nag-iisa na lang ako sa buhay. Wala na akong mga magulang, dahil maaga silang kinuha sa akin ni papa God, tangap ko naman, ganoon talaga ang buhay ng tao. May umaalis ng tuluyan. "Nicole Alvariz!" napabaling ako sa tumawag sa aking. At nakita ko ang head namin. "Naku! Lagot ako nito..." mahina kong bulong sa aking sarili. "Late ka na naman?! Hndi ka na talaga nadadala, ano? Baka gusto mong mas malaki ang kaltas sa iyong sahod ngayong buwan?!" halos mabingi ako sa sigaw ng babae. "Naku! Huwag naman po, Ma'am, hindi na po mauulit. Saka trapik po kanina kaya nalate ako," pagdadahilan ko sa babae. "Pagbibigyan kita ngayon pero oras na malaman kong late ka ulit ay lalakihan ko na ang kaltas sa sahod mo! Saka nakakahiya sa big boss natin oras na malaman na mayroon siyang empleyado na laging late at kami naman ang masasabon!" paninirmon nito sa akin. "Huwag po kayon mag-alala hindi na po mauulit," nakatungong sabi ko. "Siguraduhin mo lang. Sige na pumunta ka na pwesto mo," pagatataboy nito sa akin. Nakasimangot akong umalis sa harapan ng head namin. Nakita ko pa nga si Fee habang nakakunot ang noo ito. "Oooohn bakit naka simangot ka Nicole? Siguro ay sermonan ka na naman ni Mrs Salis, ano?" tanong nito sa akin. "Umirap lamang ako rito. "Na papansin ko lang, ako lagi ang nakikita ng mataba na "yon," naiinis na wika ko. "Hoy! Ano ka ba? Baka marinig ka at lalo kang pag-initan ng head natin," pag-saway sa akin ni Fee. "Nakakainis naman kasi, hindi lang naman ako ang late ngayon araw, aah. Bakit parang ako lagi ang nakikita niya," wika ko. "Hayaan muna, Gagoon naman talaga ang head natin parang laging may dalawa. Saka tigilan muna ang kababasa ng w*****d lalo na sa gabi. Tingnan mo at lagi kang late sa trabaho. "Hhmmm," pag-ungol ko lamang dito. "Sige na, doon na ako sa pwesto ko," paalam ni Fee sa akin. Kaya tumango na lamang ako rito. Hindi naman nagtagal ay napansin kong papadilim na at mayamaya lang ay mag-uuwian na naman. Sumapit ang alas-nuwebe ng gabi. Kaya naman namamadali akong lumabas. At paglabas ko ay kitang-kita ko pa rin kung gaano katrapik dito sa Maynila. At nang may tumigil na jeppney ay nakipagsik-sikan ako, dahil gusto ko nang makauwi dahil antok na rin ako. Halos dalawang oras din bago ako nakarating sa aking tahanan. Ito lang ang tanging naiwan sa akin ng parents ko nang mawala sila, okay na rin ito kaysa mangupahan ako. Agad akong pumunta sa aking silid upang magpalit ng damit. Nagmamadali rin akong kumain, dahil labis na kasi ang antok na sumasapi sa akin. At kailangan ko ng matulog at baka kasi bigla na lamang akong bumagsak dahil sa kaantukan. Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naman hindi ako na late sa trabaho. Kawawa na naman ako kung makakaltasan ang sahod ko. "Aba, himala nang mga himala, hindi ka yata late ngayon?" mapang-asar na tanong sa akin ni Fee. "Araw kasi ng sahod kaya kailangang magpakitang gilas," mabilis na sagot ko rito. Tumawa naman ng malakas si Fee, dahilan para mapatingin sa amin ang mga katrabaho namin.Kaya naman agad ko itong sinaway. "Alam mo bang guwapo ang may-ari ng Mall na ito," wika sa akin ni Fee. "So, mapapakain ba tayo ng kagwapuhan niya?" tanong ko habang nakataas ang kilay. "Ahm! Oo dahil oras na magustuhan ka ng guwapong boss natin ay sigurado na magiging donya Nicole ka na," turan nito sa akin. "Masyadong mataas ang pangarap na 'yan. Saka mahirap nang bumagsak lalo at sa lupa ang pero wala namang sasalo ," anas ko. Tumingin ito sa akin at sinipat ang mukha ko. At tila may nais hanapin doon. "Nagtataka lang ako sa 'yo Nicole, maganda ka maputi at kung susumahin ay puwede kang maging artista, iyon nga lang medyo pandak ka ng kaunti," pamimintas pintas sa akin ni Fee. "Wow! Ikaw na ang matangkad!" nakataas ang kilay na singhal ko rito. Ngumisi lang ito sa akin. Aaminin ko naman na pandak ako, mga flat Five lamang ako pero pagdating sa kagandahan ng ay may ibubuga ako. "Mag bar tayo mamaya, tutal naman ay sahod natin," pagyaya sa akin ni Fee. "Ha, Naku! Ikaw na lang wala akong pera saka ang dami ko utang," sagot ko rito. "Ha! Paanong marami kang utang? Eh, hindi ka nga umuutang at saka wala ka ring binabayarang bahay. Kuryente at tubig lang ang binabayaran mo!" pagrereact ni Fee sa aking mga sinabi. "Wala akong pera Fee. Saka kailangan kong mag-ipon, baka bigla akong mag-asawa," sagot ko rito. Tumawa naman ito ng malakas ang babaeng kaharap ko. Dahil sa aking mga sinabi rito. "Joke ba 'yon?" tanong ni Fee. "Hindi ako nag jojoke, totoo ang aking mga sinabi na baka makapag-asawa ako ng mahirap pa sa daga," tahasang wika ko. "Mababaliw ako sa iyong babae ka, puro ka kalokohan," muling wika ni Fee. Tumalikod na lamang ito sa aking harap ko, ngunit nakikita ko sa mukha na gusto akong pagtawanan. Pero nag-aalangan lang dahil kaharap ako. Ano kayang masama sa sinabi ko? Kahit kailan talaga may saltik ang kaibigan kong si Fee. Kinuha ko na lang ang aking cellphone para mag f*******:. Ngunit bigla na naman lumapit sa akin si Fee. "Nicole, tingnan mo ito!" Napatingin ako kay Fee. Medyo malakas din ang tono ng boses nito at mukhang kinikilig pa. "Ano 'yan?" tanong ko sa babae. Bigla naman pinaharap sa akin ang cellphone nito, biglang kumunot ang noo ko nang may ipakita ito sa aking isang gwapong lalaki. "Hmmmm...handsome, nakakaakit din ang mga mata nitong kulay asul. Kahit sinong babae ay mahuhumaling dito. Pero sa katulad naming mga ordenaryong tao ay malabong mapansin kami. "Ang pangit naman!" bulalas ko pa. "What? Pangit ito sa paningin mo?!" pasigaw na tanong sa akin ni Fee. "Yes, hindi siya guwapo para sa akin," nakaingos na wika ko sa aking kaibigan. "Ay grabe ka, Necole!" bulalas nito. "Pahiram ako ng cellphone mo, Fee," saad ko rito. "B-Bakit?" "Mag cocomment ako sa page niya at sa sabihin ko na sobrang pangit niya," nakangising sabi ko rito. "A-Ano?!" malakas na bigkas nito. Kaya naman napatingin sa amin ang ibang mga kasamahan namin sa trabaho. "Ang ingay mo," pagsaway ko kay Fee. Hindi ito nagsalita pero nakikita ko sa mukha nito ang gulat marahil ay hindi ito makapaniwala sa aking mga sinabi. At nang mahimas-masan ay agad niya akong sinaway at pinagsabihan rin n huwag raw akong mag comment sa f*******: ng lalaking 'yon. "Akala mo hindi ko alam na marami mong kaaway sa mga page. Puwede ba huwag kang basta mag comment, Necole," saad sa akin ni Fee. "Hmmm...sinasabi ko lang naman ang opinion ko, saka totoo naman kasi iyong mga sinasabi ko," palusot ko pa. "Iwan ko sa 'yo Necol. Sa ginagawa mong iyan diyan ka mapapahamak." "Papaano ako mapapahamak? Sak nagcomment lang ako ng mga saloobin ko," sagot ko rito. Nakita kong umimiling na lamang ito sa aking mga sinabi. Pero mayamaya pa ay sinabihan ako na mag-ingat lagi sa mga bibitawan kong salita. Ngunit isang pagngisi lamang ang isinukli ko rito. Sumapit ang gabi kaya oras na para umuwi. Kaya nagmamadali akong lumabas ng gusali. Nakakita naman ako ng masasakyan ko at agad na sumakay roon. Pagdating sa aking bahay ay agad akong kumain. Naglinis lang ako ng katawan ko at pagkatapos ay tuluyan nang nahiga sa kama para matulog at nakatulog. Napabalikwas ako nang bagong ng maalala kong may pasok nga pala ako ngayon. At pagtingin ko sa watch ko ay. 7:20 na ng umaga. Naku lagot ako nito. Lalo at araw ng sahod ngayon. Nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo. Siguro ay mamaya na lang ako kakain. Mahirap na at baka tuluyan akong malate sa trabaho. Lalo at trapik pa naman. Nagmamadali akong lumabas ng bahay, hindi na nga ako nag-abala pang magsuklay ng buhok ko. Mamaya na lang kapag may time na. Naghintay ako ng masasakyan na jeepney. Hindi nagtagal ay may nakita akong paparating na sasakyan. Pansin ko'y halos puno na rin ang loob nito. Kaya naman nagmamadali akong pumasok sa loob at baka maunhan pa ako. Bahala na ang mga mababagal ang kilos. "Miss, teka lang! Ako ang na unang maghintay rito sa sakayan, tapos uunahan mo akong sumakay sa jeep!" galit na wika ng babaeng sobrang pula ng nguso. Ano raw? Kaya naman tumaas ang kilay ko bago magsalita. "Hindi ko na kasalanan kung makupad ka. Ang bagal mo kasi," masungit na balik ko rito. Nakita kong nanglilisik ang mata nito sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin. Umirap na lang ako rito. "Manong driver paandarin mo na ang jeep at baka malate ako!" tahasang wika ko. Wala naman nagreact na mga pasahero sa mga sinabi ko, baka ayaw din nilang malate. Saktong pagtigil ng jeep ay siyang pagbaba ko. Mabilis akong tumakbo palapit sa Mall na pinagtatrabahunan ko at na pakunot ang noo ko nang makita ko ang mga lalaking naglalakad. Paano ako makakadaan? Ay halos sakupin nila ang daan. Nakakainis sila. Bahala na nga kong makakalusot ako. Bakit ba ang dami nila at sa tingin ko ay mukha silang mga body guard. Mabilis akong lumapit sa isang lalaking nasa hulihan. Upang kausapin ito. "Kuya excuse me." Sabay kalabit sa likod nito, lumingon naman ito sa akin. "Bakit po, Miss?" tanong nito. "Puwede bang paunahin ninyo ako o kahit bigyan na lang ninyo ako ng kaunting daan," pakiusap ko rito. "Sorry, Miss, hindi puwede, hintayin mo na lang na makaalis si Lord," wika nito sa akin. Parang gusto ko siyang sipain ng mga oras na ito. Anak ng tukwa! hintayin ko pa raw na makaalis ang pinuno nila? Kaya naman masamang tingin ang ibinigay ko rito. "Wala ka pa lang kuwentang kausap kuya," tahasang wika ko. Agad na lumingon ako upang tingnan ko na kahit papaano ay may madadaanan ako lalo at umigil pa ang mga ito. Hindi na ako nag-isip. Bahala na iyon ang katwiran ko. Kaya naman mabilis akong tumakbo upang hawiin ang dalawang tao para makadaan ako. "Tabi, Tabi, tumabi kayo at dadaan ako!" sigaw ko sa mga ito at alam kong kinagulat nila sa pagsulpot ko. Hirap na hirap pa nga akong hawiin ang mga lalaki dahil sobrang malalaki ang mga katawan. "Miss, sandali lang!" sigaw ng isang lalaki pero hindi ako lumingon dito. "Stop!" narinig kong wika ng isa pang lalaki. At iyong boses nito ay labi na nakakaakit mukhang ito ang pinuno nila. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng Mall. "Hoy Nicole! Bakit ngayon ka lang?" pagpuna sa akin ni Fee. "Trapik," sagot ko. Umiling na lamang ito sa palusot ko. Si head natin nandito ba?" tanong ko sabay ikot ng mga mata ko sa paligid. "Nasa 4th floor siya ngayon, kasi pupunta ang big boss natin kaya busy si Mrs. Salis," sagot naman ni Fee sa tanong ko. "Ahhh, kaya pala walang nagpuna na akin ngayon dahil late ako," wika ko pa. "Lusot ka ngayon Nicole at sana sasusunod ay agahan muna lang ang pagpasok," bilin niya sa akin. "Okay po, Ma'am," sagot ko na kinasama ng tingin niya sa akin. Ngunit ngumisi lang ako rito. "Sige na, sumunod ka na lang sa 4th floor, Nicole at baka nandoon na ang big boss natin," wika nito. "Ha, pupunta pa ba roon?" tanong ko. "Puwede namang hindi. Pero ako pupunta dahil gusto kong makita ang mukha ng big boss, minsan lang pumunta rito iyon kaya lulubos-lubusin ko na," kinikilig na wika ni Fee. "Ikaw na lang ang pumunta Fee, dahil tinatamad akong umakyat," sagot ko rito. "Sure ka? Ayaw mong makita ang big boss natin nandoon na nga ang ibang mga kasamahan nating mga babae." Umiling ako rito. "Kung magbibigay ng pera ang big boss natin baka manguna pa ako sa inyo." Sabay ngisi ko kay Fee. "My God, you are really weird, Nicole." Ngunit isang ngisi lang ang sinagot ko rito. Tumalikod na lamang ako upang pumunta sa pwesto ko para ayosin ang mga items na nagsasama-sama. "Hi, Nicole," nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Donald sa harap ko. Kaya nakataas ang kilay na tumingin ako rito. "Ohhh! Bakit?" tanong ko. Nagkamot muna ito sa ulo bago nagsalita. "Puwede ka bang mayayang kumain mamayang gabi?" kinakabahang tanong nito. "Bakit, ano'ng meron?" tanong ko. "Wala naman gusto lang kitang makasabay kumain," sagot nito nito. "May kapatid ka?" tanong ko. "Oo, mayroon dalawang babae." "Mga magulang mayoor pa ba?" tanong ko ulit. "Oo naman, mayroon pa." "So, may mga kapatid at magulang naman pala bakit hindi sila ang yayain mong kumain kung gusto mong may kasabay," wika ko. "Ha? Pero iba naman kas---" Hndi ko na ito pinatapos sa sasabihin nito. "Huwag kang maingay, Donald," wika ko. "B-bakit?" tanong nito. "May bumubulong kasi sa akin hindi ko marinig," wika ko rito. Nakita kong namutla ito at nagmamadaling umalis sa harap ko gusto kong tumawa ng malakas sa inasta nitong takot. "Ohh! My gosh ang guwapo ni Mr. Handrex, kaso hindi man lang tumingin sa atin, kahit ngiti nga ay wala din," narinig kong usapan ng mga katrabaho ko. Kaya umiling na lang ako sa mga pinag-uusapan nila parang ngayon lang nakakita ng lalaki. "Nicoleeee!" kinikilig na pagtawag sa akin ni Fee. "My Gosh, totoo ngang ang guwapo ng big boss natin," wika nito. "Aahh, Okay," sagot ko. "Iwan ko sa 'yo Nicole, ang hirap mong kausap!" galit na sabi sa akin ni Fee at agad na tumaliko para umalis sa aking harapan. Nang alam kong mag-uuwian na ay nagmamadali akong lumabas ng Mall. Nakita ko pa nga ang malakas na kidlat na gumuhit sa kalangitan. Hindi nagtagal ay bumuhos na ang malakas na ulan. Pero hindi ko ininda ito at sumunod pa rin sa malalaking patak. Wala akong paki-alam kung mabasa ako. Nakita kong may paparating na jeepney nagmamadali akong sumakay roon. Mahirap nang maunana ng mga pasahero. Mayamaya pa'y nakarating na ako sa bahay ko. Parang basans sisiw ako ng mga oras na ito. Sobrang lakas naman kasi ng ulan. Agad akong tumuloy sa banyo para tuluyang maligo. Hindi naman ako nagtagal sa pag-shower ko. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang picture ng mga magulang ko. Sobrang namimis ko na sila ma. Kaya malungkot akong tumingin sa picture ng parents ko. Siguro kung hindi sila mga alagad ng batas ay baka magkakasama pa rin tayo. 3rd year colloge ako ng mangyari ang pang hoholdap na iyon sa isang banko at sila ang na assigned para puntahan ang lugar. Ngunit nagkaroon ng engkuwentro. Lumaban ang mga holdaper at hindi sila sumuko sa mga pulis at sa kasamaang palad ay ang mga magulang ko ang nasawi. Naubos ang perang naipon namin sa pagpapagamot kay mama dahil sa ulo ito inamaan ng bala isang buwan itong na commatose pero wala ring nangyari dahil kinuha pa rin siya sa akin. Si papa naman ay patay na bago dumating ng hospital. Sobra akong nagluksa ng mga panahon na iyon. Pero ganoon talaga ang buhay. Kaya kailangang tanggapin at magsimulang muli. Hindi na ako na kapagpataloy ng pag-aaral dahil wala na kaming pera, mabuti na lang at nakatanggap ako sa Mall, ng mag-apply ako roo, hindi pa rin ako pinabayaan ng panginoon. Tumingin ako sa drawer marahan akong lumapit ako rito upang buksan ito. Napangiti ako nang makita ko ang baril na regalo sa akin ni papa noong nag 18-years old ako, kakaiba nga itong regalo sa akin ni papa. Sa totoo lang ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko dahil marunong akong makipaglaban. Noong na bubuhay pa si papa at mama ay tinuruan nila ako kung papaano depensahan ang sarili. Malungkot kong ibinalik ang baril sa taguan. Pagkatapos ay tuluyan na akong bumaba para kumain sapagkat na gugutom na talaga ako. The beautiful Busher (Mafia Lord Series 2)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD