"Kailangan munang umalis diyan sa bahay mo Nicole, ano mang-oras ay pupunta na riyan ang mga tauhan ni Mr. Hendrex Brown. At dito ka muna magtigil sa bahay ko," wika nito.
"Wala naman akong ginagawang masama saka nagcomment lang ako!" reklamo ko.
"Nag comment ka nga hindi naman maganda ang comment mo Nicole," muling wika ni Fee.
"Bakit ako lang ang wanted? Saka hindi lang naman ako ang nagcomment ng hindi maganda sa page ni Crayola, aahh," angal ko.
"Sinong Crayola?" nagtatakang tanong ni Fee sa akin.
"Sino pa nga ba? Eh, 'di si Mr. Hendrex Brown!" inis na bulalas ko.
"Pasaway ka talaga Nicile. Sige na, kumilos ka na agad," bilin nito sa akin bago nawala sa kabiling linya.
Hindi na lamang ako nagsalita binaba ko ang tawag at nag-isip ng tama. Kung ano ang dapat kong gawin. Mayamaya pa'y may narinig ako na mga dumating na sasakyan.
Kaya naman mabilis kong kinalat ang mga sapatos ko at binuksan ko ng pinto upang isipin nang mga naghahanap sa akin na walang tao rito sa bahay ko. Mabilis akong nagtago sa likod nang malaking cabinet, narinig kong may nagbukas ng pinto. At pinakinggan ang usapan ng mga ito.
"Mukha naman walang tao, baka nakaalis na si Miss basher," rinig kong wika ng mga tauhan ni Crayola.
"Siguro nga ay nakaalis na. Kailangan nating umalis upang hanapin ang babaeng iyon," saad ng isang lalaki.
Narinig kong humakbang ang mga tauhan ni Crayola. Hindi muna ako lumabas nang pinagtataguan ko, mahirap na at baka biglang bumalik ang mga naghahanap sa akin.
Pawis na pawis ako nang lumabas sa pinagtataguan ko, kailangan kong mag-isip ng paraan upang hindi makita ni Crayola, hinding-hindi ako magpapahuli sa lalaking iyon.
Napangisi ako ng may maalala, lumapit ako sa isang cabinet at binuksan ko ito, tama itong gagamitin ko upang hindi makita ni Crayola.
Sorry Ma, Pa, kung gagamitin ko muna ang iyong mga custumes, ito kasi iyong ginagamit nila mama at papa, kapag mayroon silang kaso na kailangan lutasin.
Kumuha ako nang isang mahabang palda at malaking damit, kinuha ko rin ang wig na mahaba, sinuot ko ito dahil kailangan kong pumunta ng grocery dahil wala na akong stock na pagkain.
Tumigin ako sasalamin at napangiti sa aking nakita. Nagsuot din akong nang malaking salamin sa mata, mas matalino ako sa 'yo Crayola.
Salikod ako dumaan upang walang makahalata sa akin, naglalakad ako nang makita ko pa ang mga tauhan ni Crayola, tudo ang dasal ko na sana ay huwag akong makilala ng mga ito.
Hindi ako puwedeng umiwas sa mga ito, siguradong mahahalata ako kapag ginawa ko iyon. Dumaan ako sa harap ng mga ito, nagulat pa nga ako nang biglang magsalita ang isa sa mga ito.
"Miss, puwede bang magtanong? Kilala mo ba ito?" tanong ng lalaki. Sabay pakita sa akin ng isang picture. At bumulaga sa aking harapan ang mukha mo.
Ito iyong nasa profile ko sa f*******:, iba ang itsura ko sa picture, dahil kulay light yellow ang kulay ng buhok ko, napagtripan ko lang ipa-blonde ito.
Napangiti ako ng lihim. Sabay iling nang sunod-sunod sa mga ito upang isipin nila na isa akong pipi o hindi makapagsalita.
"Pero Miss, nakikita mo ba siya rito sa lugar ninyo?" tanong ulit nito.
Tumango ako ng alanganin. Kaya napakunot ang noo nang kausap ko. May nakita akong bolpen na hawak ng isang kasamahan nito kaya mabilis ko iyong kinuha.
Kinuha ko rin ang palad ng kausap ko upang doon isulat ang sasabihin ko, napangisi ako ng lihim. Ang galing ko talaga.
"Isa akong pipi." Sulat ko sa palad ng kausap ko.
"Ahhh." Tanging sagot lang nito sa akin. "Kailan mo nakita ang babaeng ito?" tanong nito sabay turo ulit sa picture na hawak.
Kinuha ko ulit ang palad nito at nagsulat doon. "Kanina lang nagmamadali siyang umalis at meron din siyang dalang maleta. Mukhang magbabakasyon siguro." Sulat ko sa palad ng lalaki.
"Nakita mo ba kung saan siya dumaan?" tanong ulit nito.
Nagsulat ulit ako. "Naku hindi ko siya nakita kong saan dumaan, hindi ko naman kilala ang babae iyan pero alam ko dito lang din siya nakatira." Sulat ko sa palad nito.
"Sige na Miss. Salamat sa abala, kung sakaling makita mo ulit ang babaeng ito, tawagan mo lang kami," wika ng kausap ko, inabutan akong ng isang calling card kaya kinuha ko naman iyon.
"Miss, kung sakaling ikaw ang makakita sa kanya ay makakakuha ka ng rewards na isang milyon," wika muli nang kausap ko.
Nagkunwari akong tuwang-tuwa pero sa isipa ko. Ay ang tatanga nito.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hangang sa makarating ako sa grocery store, bumili lang ako ng mga kakailanganin ko, kumuha rin ako ng candle.
Candle muna ako gagamitin ko upang isipin ng mga humahabol sa akin wala na ngang tao sa bahay ko. Papalabas na ako ng store nang makita ko ulit ang mga humahabol sa akin. At meron itong kausapan na isang lalaki na nakatakod.
Pasimple akong lumapit sa mga ito upang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Hindi pa rin ninyo mahanap ang babae?" tanong ng lalaking nakatalikod.
"Hindi pa po. Pinuntahan na nga namin sa bahay niya, kaso ay wala na siya doon, meron kaming nakausap at ang sabi ay
nagmamadali raw na umalis," paliwanag ng lalaking nakausap ko kanina.
Umalis na lamang ako baka makita pa nila akong nakikinig ako sa usapan nila, mahirap nang mahuli nito. Naglalakad akong nakatungo dahil tinitingnan ko ang mga pinamili ko nang may mabangga ako na isang pader.
"Arayyyy!" sigaw ko nang maramdaman ko ang pagbagsak ng pang-upo ko sa malamig na semento.
Nakangiwing tumingin ako sa sapatos na kulay itim. Kaya tumingala ako upang alamin kung kaninong itim na sapatos ang nasa harapan ko, akala ko sa pader ako na bangga.
Halos tumulo ang laway ko nang makita ko kung gaano ito kaguwapo, puwede na akong mamatay ngayon pero napanganga ako nang matitigin ko ang mukha nito.
Shittt! Si Crayola, nakahinga lamang ako ng maluwag nang nilampasan lang ako nito, hindi man lang ako tinulungan tumayo ng lokong lalaking iyan.
Napangisi ako dahil hindi man lang ako nakilala, kaso hirap na hirap naman akong tumayo. Agad kong kinuha ko ang mga pinamili ko at umalis na sa lugar na iyon, baka meron pangmakakilala sa akin dito.
Pumasok ako sa loob ng bahay ko at hindi ako nagbukas ng ilaw, kailangan kong magtiis muna sa ganito. Kaysa naman mahuli ako ni Claryola, baka ipakulong din ako.
Mayamaya pa ay narinig kong may tumatawag sa cellphone ko, kaya agad ko itong kinuha at nakita kong number lamang ito. Kaya nagtataka ako kung sino ito?
"Hello, sino ito?" tanong ko agad. Ngunit wala akong narinig na salita sa kabilang linya. "Sino ba 'to?" tanong ko ulit pero wala pa rin nagsalita. "Kung ayaw mong magsalita bahala ka sa buhay mo!" bulalas ko sabay off ng phone ko.
Humiga ako sa kama upang matulog. Siguro ay aagahan ko na lang ng gising bukas para makapsok sa aking trabaho.
Kinabukasan ay narinig ko ang alarm ng cellphone ko kaya nagmadali akong bumangon, kailangan kong makaalis ka agad.
Salikod bahay ako dumaan, nakita kong nakatingin sa akin ang mga pasahero nitong jeep na sinasakayan ko, iba kasi ang itsura ko, kulot kasi ang suot kong wig at nakasalamin din ako nang malaki.
Isama pa kulay ng damit ko na green at blue, siguradong iisipin ng mga ito na kung saang bundok ako nagng galing. Napangisi tuloy ako nang palihim. Pagdating sa trabaho ko ay roon ako magbibihis ng uniform ko. Tumigil ang jeep kaya nagmamadali akong bumaba. Narinig ko pa nga ang usap ng mga ito.
"Saang bundok kaya galing ang babaeng iyon?" Ang pangit-pangit na nga. Tapos badoy pa ng suot," rinig kong wika ng mga pasahero.
Napangisi ako, siguro naman hindi na talaga ako makikilala ni Craloya nito kung ganito ang ayos ko. Kaya kampanting
pumasok ako ng Mall, halos nakatingin sa akin ang mgakatrabaho ko.
Nakita ko ang kaibigan kong si Fee na nakatingin din sa akin, kaya lumapit ako rito at ngumiti.
"Hi, Fee," pagbati ko rito. Nakita ko sa mukaha nito ang pagkagulat at pagtataka kaya lumampas na lamang ako rito upang magpalit ng damit.
Nang makapagpalit na ako ng damit ay agad akong lumabas. Pero hindi ko inalis ang malaking salamin na suot ko sa aking mga mata.
"Nicole!" patawag sa akin ni Fee nang makita ako sa puwesto ko, tumingin din ito sa aking mukha na nakakunot ang noo.
"Umamin ka nga sa akin ni Nicole! Ikaw ba ang mukhang weird na babaeng bumati sa akin kanina lamng?" tanong nito sa akin na nakataas ang kilay.
Ngumisi lamang ako rito. "Oohh! My Gosh, Nicole na kaya mong magsuot ng ganoon sa labas ng bahay?!" palatak na tanong nito sa akin.
"Yes, dahil hinahanting ako ni Crayola," sagot ko rito.
Umiling muna ito bago muling nagsalita. "Galingan mo magtago Nicole, dahil hindi basta-bastang tao ang iyong bina-bash," saad nito sa akin.
"What do you mean, Fee?" tanong ko rito.
"Napag-alaman ko na isa pala siya sa pangalang mafia lord," sagot nito sa aking tanong.
"Mafia Lord? Ano naman iyon?" tanong ko rito na may pagtataka sa aking mukha.
"Ano ka ba Nicole? Saang bundok ka ba galing? Alam mo bang dilikado ang isang mafia Lord, dahil pumapatay sila ng mga tao, madali lamang sa kanila ang pumatay dahil mapera sila.
Si Hendrex Brown, ay isang mafia lord at ayon sa
aking nalaman sa tatlong mafia lord ay ito ang may pinaka masamang ugali, kaya mag-iingat ka Nicole, baka magulat na lamang ako isang araw ay isa kanang malamig na bangkay," pahayag nito sa akin.
Bigla naman akong kinabahan sa mga pinahayag ni Fee, tungkol kay Crayola. Peste ngayon ako nagsisi kung bakit nagcomment pa ako sa page na iyon. Paano nga kung ipapapatay ako ni Crayola? Kaya pinapahanap ako ito. Paano na ang maganda at sexy kong katawan? Magiging pagkain na lamang ng mga uod.
"Nicole,,may dapat ka pang malaman," biglang sabi muli ni Fee. Kaya kumunot ang noo ko na tumingin dito. "Ano iyon Fee?" tanong ko.
Tumingin ito sa akin na malungkot ang mga mata. "Si Hendrex Brown ang may-ari ng Mall na ito," pahayag ni ng kaibigan ko.
Napanganga ako sa aking nalaman. "Ooohh! May gosh! Hindi," bulong ko sa aking isipan.
"Baka alam na rin ni Mr. Brown na rito ka nagtatrabaho, Nicole," wika nito sa akin.
Kaya agad na tumingin ako salabas ng Mall at nakita ko ang mga tauhan ni Crayola na papasok ng gusali. "Fee, nandiyan na sila," kabadong bulong ko rito.
"Bilisan mo Nicole! Umalis ka na sa lugar na ito," pagtataboy ni Fee sa akin.
Nagmamadali akong umalis sa harap ni Fee, kukunin ko muna ang mga gamit ko sa locker room at mabilis ko ring kinuha ang isang short para suotin ito.
Mas mapapabilis ang takbo ko kung nakashort lamang ako. Lumabas na ako ng locker room at humalo sa mga tao rito sa loob ng Mall.
Nakalabas ako ng Mall at mabilis natumakbo, Bigla akong nagulat sa tatlong sasakyan humarang sa daraanan ko kaya napaurong ko. Bumaling ako sa likuran ng kotse at nakita ko ang anim na lalaking nagsibaba roon.
Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas si Crayola. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa akin. Hindi ako puwedeng magpahuli sa mga ito, kaya mabilis akong tumakbo sa kaliwa kaso maliksi ang amin na lalaki dahil naharangan agad nila ang dadaanan ko.
Mabilis kong itinaas ang mga paa ko sabay sipa nang malakas sa mga ito, mabuti na lamang at tinuruan ako ni papa kung papaano protektahan ang sarili.
Agad din umigkas ang kamo ko upang suntukin ang mga ito, nakita kong napatumba ko ang amin na tauhan ni Crayola.
Kaya tumingin ako kay Crayola at nakita kong nakangisi ito sa akin, mabilis akong lumapit dito at mabilis kong itinaas ang paa ko upang sipain ito sa mukha.
Kaya lang ay nahawakan nito ang paa ko. Ang kinalabasab tuloy ay nakataas ito dahil hindi pa nito binibitawan ng binatang mafia. Napansin ko rin ang pag-iling nito. Sabay ngisi na para bang may binabalak o nakikita.
Peste! dahil ngayon ko lamang naalalang puwede akong masilipan dahil sa suot kong short.
"Very nice view," nakangising wika ng lalaki. Habang nakatingin ito sa short ko alam kong kitang-kita ang singit ko o panty.
"Bastos!" sigaw ko. Pero nagulat ako nang ibaba nito ang paa ko at mbilis itong nakalapit sa likuran ko at inilagay ang dalawang kamay ko sa likod. Ramdam ko ang mainit na hininga nito sa batok ko.
"Hmmm! Nakakaakit ang iyong amoy babae," bulong nito.
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok, dama ko ring bumababa ang isang kamay nito patungo sa beywang ko at lahat ng madaanan ng kamay nito ay marahang pinipisil.
Napanganga ako nang bumaba pa ang isang kamay nito patungo sa pang-upo ko at mariin nitong pinisil.
"Hmmmm! Nice butt, Ahh," muling bulong nito sa akin.
"B-bitawan mo ako! Bastos ka!" sigaw ko sa lalaking mafia lord.
The beautiful busher (Mafia Lord Series 2)