Mabilis akong bumalik sa kuwarto, mabuti at walang nakakita sa akin nang lumabas ako sa kuwarto ni Hendrex. Lalo at suot ko ang damit ni Crayola. Dahil sinira ang damit ko. Humiga ako sa kama at nagbalot ng kumot pero narinig kong bumukas ang pinto at alam kong si Hendrex ito. Tumagilid ako dahil ayaw kong kausapin ito pero nagulat ako nang humiga ito sa tabi ko lumayo ako rito, dahil ayaw kong magpayakap dito. Pero mahigpit akong hinawakan sa beywang ko, kaya hindi ako makalayo. "Please huwag kang lumayo matutulog muna ako..."bulong nito sa akin. Hindi tuloy ako makagalaw lalo at sobrang higpit nang yakap nito sa akin. Nagising akong meron humahalik sa mukha ko, nagulat pa nga ako nang makita ko si Hendrex, katabi ko nga pala ito sa kama. Agad ko itong itinulak. Dahil naiinis pa rin