FOUR DAYS Apat na araw na akong hindi nakalabas ng bahay at hindi ko nakikita si Hendrex sa loob ng apat na araw na iyon. Nalalaman ko lang ang mga nangyayari kay Hendrex, kapag pumupunta ng silid ko si Dally, ang sabi ni Dally ay lagi raw magkasama si Hendrex at Liza. Katulad ngayon, ang sabi ni Dally ay umalis daw ang dalawa. Ako naman ay pinipilit kong huwag magselos dahil 'yun ang tama. Tutal naman wala ang dalawang kulugo kaya puwede akong lumabas, tama lang na iwasan ko si Hendrex. Pumunta ako sa garden at nakita ko ang mga tauhan ni Hendrex, naglalaban-laban ang mga ito, mukhang meron silang pinaghahandaang-laban. Namataan ko rin si Dally at Jess at nagtutunggali ang mga ito. Gusto ko rin maging bihasa sa pakikipaglaban. Wala naman sigurong nasama kong makisali ako sa kanila.