The beautiful busher 19

1675 Words

Palakad-lakad ako sa loob ng kuwarto ko, nag-iisip kung papaano ako makaka pagpaalam kay Hendrex, gusto kong umuwi sa bahay ko. Baka pag-uwi ko sa house ko, wala na akong madatnang bahay, isang buwan na rin naman ako rito. Tama lang na mag day off ako ngayon. Kaya lumabas ako ng silid, nakita ko si Dally habang hawak ang cellphone nito. "Hmmm...Dally!" pagtawag ko sa babae. Lumingon naman ito sa akin. "Ohhh, Miss basher, meron kang kailangan akala ko ay tulog ka na?" tanong nito. "Nandiyan ba si Hendrex?" tanong ko. "Ang alam ko nandiyan sa kuwarto niya, nagpahatid pa nga ng alak," wika nito. "Magpapaalam sana ako, gusto kong umuwi bukas babalik rin naman ako," wika ko. "Sige Miss basher, magpaalam ka na para maisabay na kita bukas, maaga akong aalis bukas ng umaga," wika ni Dally

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD