I GRUNTED in annoyance as the sunlight from the un-curtained window touched my face. I turned to my side and suddenly wondered as I saw Karlos staring at me with a huge smile on his lips. “What are you staring at? And what time is it?” “Oh, Good morning too, pretty.” Hindi ako agad nakasagot dahil mabilis niya akong hinalikan sa labi, bahagya naman akong napangiwi kasi alam ko sa sarili ko na wala pa akong hilamos. Umaga na pala. Bahagya tuloy akong namula nang maalala kung ilang beses kaming nagtuos kagabi ni Karlos. Nagsimula ng tanghali, naulit ng hapon, at ilang ulit ding naulit kinagabihan. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko at napansing maliban sa kulay puting tee shirt ni Karlos ay wala na akong ibang suot. Bagay na nakasayan ko na, alam ko naman kasi na pagkatapos ng mga nangya