NGUMUSO ako habang pinapanuod si Karlos na naglalaro ng Mortal Kombat sa PS4 sa flatscreen TV dito sa hotel room namin. Nakaupo siya sa ibaba at nakasandal sa kama, ako naman ay nakaupo sa kama at nakatanaw lang sa kanya. Sa tingin ko ay hindi ako mapapagod o maiinip man lang kahit na maghapon ko siyang panuorin sa ganitong sitwayson. “Fvck, yeah!” Humalakhak siya nang matalo niya ang kalaban niya. “Ah, I’m bored!” Biro ko, sinusubukang magpapansin sa kanya. “You can surf the net, or you can play with me.” Sagot naman niya na hindi inaalis ang tingin sa telebisyon. “Ah, I want to go outside!” Pagpaparinig ko ulit, nakita kong nagkibit siya ng balikat. “Let’s go out later.” Again, I pouted my lips. He seems busy and I don’t know how to get his attention. Humiga ako sa kama pero ang ul