Shadow of The Stars
Chapter 4
Noong gabing iyon ay nakaupo lang ako sa kama ko habang nakatulala sa malayo.
Tama.
Kakaalis lang nina Jungkook at ni Mr. Han kaya naiwan ako sa ganitong sitwasyon.
Ang sapilitang pag-isipan sa buong gabing ito kung sasama ba ako bukas papunta ng Korea o hindi.
At hindi ko alam kung bakit…sumasakit ang ulo ko ngayon.
Gusto ko rin namang makasama si Jungkook doon.
Pero ang iniisip ko ay kung kakayanin ko bang mabuhay sa bagong mundong iyon?
Kakayanin ko kayang mabuhay sa mundo na mayroon sya?
Sa ganuon akong pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto ko.
“Anak?” ang narinig kong sabi ng boses na yun.
Si Papa.
Nabigla ako.
Minsan lang kasi nya akong kausapin kaya nabaguhan ako.
“Bukas po yan Papa” ang sabi ko.
Bumukas naman yun at sumungaw doon ang Papa ko.
“Anak kakain na tayo…” ang sabi nya lang.
Napatingin naman ako sa kanya saka ako napayuko.
“Sige po…susunod nalang ako” ang sambit ko.
For a long moment ay nakatayo lang sya doon saka ko narinig ang paghinga nya ng malalim.
“Pwede ba tayong mag-usap anak?” ang tanong nya.
Napatingin naman ako sa kanya pero hindi ako nagsalita.
“Alam ko…” he said. “…marami akong pagkukulang sayo bilang isang ama mo pero gusto ko lang malaman mo na kung ano man ang maging desisyon mo tungkol sa bagay na yun ay susuportahan kita”
Napatitig naman ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang ire-react sa sinabi nya kaya nagpatuloy lang sya. Ngayon ko lang napansin pero…mukhang mas lalong tumanda ang itsura nya habang nakatingin sa akin.
“Patawarin mo ako anak kung nagkulang ako sa pag-aalaga sayo. Pero sana maniwala ka na wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan mo…nagta-trabaho ako ng mabuti para makamit mo ang pangarap mo. At magtatrabaho pa ng mabuti para mabigyan ka ng magandang buhay. At sana mapatawad mo ako dahil napabayaan kita para magawa ko ang bagay na yun…”
Hindi ko alam pero matapos nyang sabihin yun ay parang nag-init bigla ang sulok ng mga mata ko.
“Kaya anak…ngayon gusto kong sabihin sayo bilang ama mo…” he said. “…na sundin mo kung ano ang sa tingin mo ay ang magpapasaya sayo. At kung ano man yun, nandito lang kami ng Mama mo at susuportahan ka”
Yun lang ang sinabi nya saka sya tumalikod at lumabas ng kwartong iyon.
Samantalang naiwan naman akong natitigilan sa kinauupuan ko.
Sundin ko ang sa tingin ko ay magpapasaya sa akin?
Ano nga ba yun?
Then I smiled.
Bakit ko pa ba pinag-iisipan ang bagay na ‘to?
When all this time ay nasa harapan ko na ang kasagutan sa tanong ko?
Ang tanging magpapasaya lang naman sa akin…ay ang makasama ang lalaking yun…
Kinabukasan…
“Hays, leader, sasama kaya talaga si Snow sa atin ngayon?” ang parang bagot na bagot na sabi ni Suga.
Habang nanatili lang akong nakatayo sa harapan nila at nakatingin parin sa mga dumadaang sasakyan sa labas ng airport. At nasa likod ko naman ang mga hyung na halatang kanina pa nababagot.
Pero ngayong mas lalo ng lumalapit ang oras ng pag-alis namin ay parang…mas kinakabahan ako.
Tama.
Sasama nga kaya sa amin ang sarang ko?
“Ay…leader, kanina pa tayo tinatawag sa loob, darating pa kaya sya?” si J-hope at naka-pout pa sya.
“Tumahimik nga kayo” ang iritable ko ng sagot. “Darating ang sarang ko! ALAM KO YUN DAHIL HINDI NYA AKO KAYANG TIISIN!”
Oo. May faith ako sa sarang ko na papayag nga syang sumama sa amin.
Pero bakit kahit sinasabi ko yun ay parang…nanghihina parin ang loob ko ngayon? Hindi ko pa naman mabasa ang iniisip nya kahit na ilang months na kaming nagdi-date.
Aiiiishhh!! That cold girl! Aiiiishh!!! SHE REALLY DRIVES ME CRAZY!
Naramdaman ko namang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako doon.
Si Rapmon.
“Leader, mukhang kailangan mo ng tanggapin na hindi na sya darating” ang sabi nya.
Oo. Kanina pa namin naririnig na tinatawag na kami sa loob pero ako lang talaga ang nagmamatigas na hindi muna pumasok.
Pero hindi ko alam kung bakit…after sabihin ni Rapmon hyung yun ay bigla nalang ako pinanghinaan ng loob.
Saka ako napahinga ng malalim.
Hay…
Mukhang…hindi na nga sya darating.
Nilingon ko nalang ang anim na lalaking yun at sa nanghihinang boses ay nagsalita.
“Sige na…pumasok nalang tayo…mukha ngang…hindi na sya darating…” ang malungkot na sabi ko.
Nagkatinginan naman ang anim na lalaking yun saka nila ako isa-isa na tinapik sa balikat.
“Aissh…okay lang yan maknae...” si Jimin. “…magkikita pa naman kayo sa sunod eh”
“Oo nga, wag ka ng malungkot” si Jin hyung saka ako inakbayan. “…mag-focus ka nalang sa TV show na a-attenan natin bukas”
Pero hindi na ako sumagot at malungkot na naglakad papasok ng airport.
Tama. Hindi na talaga sya sisipot.
Pero kahit sabihin ko sa sarili ko yun ay parang…
AAIIISSSHHH!!! THAT COLD GIRL!!! AIIIISSHHH!!!
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko sa sobrang asar at lungkot narin pero hindi ko magawa yun sa harapan ng mga hyung.
Sumunod naman sila sa akin at naging tahimik lang kami habang papasok doon. Wala namang nakakakilala sa amin dahil naka-sumbrero at naka-shades kaming lahat kaya walang nagkakagulo sa amin ngayon.
Pero…
“JEON!” ang tawag na yun ang narinig ko.
Napatigil ako sa paghakbang at agad na napalingon sa pinagmulan ng boses.
At sa paglingon ko…
Agad akong napangiti nang makita ang magandang mukha ng sarang ko…
***********************
“JEON!” I called him.
Oo, akala ko naiwan na ako dahil na-late ako sa pagdating.
Hinihingal akong napatigil sa pagtakbo at nakita kong agad naman silang napalingon sa akin.
Na-late kasi ako dahil naipit ako sa traffic kanina. Hindi naman ako pwedeng maglakad dahil malayo ang airport at idagdag pa ang maleta na bitbit ko.
Saka ako napataas ng mukha at…
Natigilan ako nang makita ko ang masayang ngiti ng gwapong lalaking yun.
“Sarang…” he whispered with that happy face.
Namula naman ako.
Oo, hatalang sobrang saya nya na makita ako.
“Ah ano…” ang nasabi ko saka namumulang tumingin sa ibang direksyon. “…napag-isipan kong…sumama nalang sa inyo…”
Doon ko narinig ang hiyawan ng anim na lalaking kasama nya.
“YES! SASAMA SA ATIN SI SNOW! PARTY! PARTY!” si J-hope na masayang nagtatalon.
Saka ako napalingon kay Jungkook at…
Mas lalo akong namula when he grin.
“Sinasabi ko na nga ba…” he said then looked at me with those beautiful eyes. “…hindi talaga ako matitiis ng sarang ko…diba sarang?”
Then he wink.
Namumula nalang akong nagbaba ng tingin at hindi na sumagot pa.
But…
I have already decided.
Na masaya akong sumama ngayon sa lalaking mahal ko pabalik sa mundo na mayroon sya.
to be continued...