Shadow of The Stars
Chapter 5
“Aiisssh! TAEHYUNG! MAGPALIT TAYO NG UPUAN!” ang kanina pa reklamo ni Jungkook habang nakaupo na kami ngayon sa mga assign seats namin.
Hindi kasi kami magkatabi ngayon.
Nasa tabi ako ng bintana ng eroplano samantalang katabi ko naman si Taehyung at sumunod sa kanya ang kanina pa nakabusangot ang mukha na si Jungkook.
Pero tinignan lang sya ng nakakaloko ni Taehyung.
“Kiss muna…” ang sabi ni Taehyung.
Agad namang nagsalubong ang kilay ni Jungkook at itinaas ang kamao nya. “ITO?! GUSTO MO?!”
Pero nag-seryoso naman ang mukha ni Taehyung.
“At sinong nagsabing kiss mo ang hinihingi ko?” he asked.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Jungkook.
Saka lumingon sa akin si Taehyung at sa seryosong boses ay nagsalita.
“Dapat bigyan muna ako ng kiss ni Snow bago ako pumayag na makipagpalitan sayo” he said while looking at me. “So ano maknae? Kiss ni Snow o mag-stay tayo sa assign seats natin?”
Agad naman akong pinamulaan ng mukha nang dahil sa sinabi ni Taehyung.
At doon naman sya binatukan ni Jungkook.
“Aray!” si Taehyung saka lumingon kay Jungkook. “Hyung mo parin ako kaya hindi mo ako dapat binabatukan!”
Pero…
“Hyung ka man o hindi….” Jungkook said through gritted teeth. “…hindi kita mapapatawad sa paghingi ng kiss ng sarang ko!”
But Taehyung just gave him a grin. “At sorry din maknae pero…wala din akong balak na ibigay sa’yo ang assign seat ko. Isa akong masunuring citizen ng Korea kaya kung saan ako dapat nakaupo ay doon lang ako mauupo”
At after nyang sabihin yun ay mas lalong nagsalubong ang kilay ni Jungkook at nilingon ang mga kasama.
“SINO BA KASI ANG BUMILI NG TICKET HA?! BAKIT HINDI KAMI MAGKATABI NG SARANG KO?!” ang asar na asar nyang sigaw sa gitna ng maraming taong yun.
“Leader, si Mr. Han ang bumili ng ticket” ang sabi naman ni Rapmon.
“Bakit? May problema ba?” si Mr. Han.
Nilingon naman sya ni Jungkook. “Mr. Han…bakit hindi kami magkatabi ng sarang ko?!”
Napatingin naman sa kanya si Mr. Han.
“Oh…pero hindi ako ang namili ng assign seats” ang sabi nya.
Nagkatinginan naman sila nun.
“Eh sino?!” ang asar paring tanong ni Jungkook.
Pero lumingon lang si Mr. Han kay Taehyung.
“Si Taehyung ang nag-assign ng mga upuan” ang sabi lang ni Mr. Han.
Kaya galit na galit na nilingon ni Jungkook si Taehyung na noon ay nakangiti na ng nakakaloko at halatang pinipikon nya talaga si Jungkook.
“KIM TAEHYUNG…”Jungkook said through gritted teeth.
“So nagustuhan mo ba ang assign seats natin maknae?” si Taehyung.
Pero hindi na sya sinagot ni Jungkook at tumayo na ito mula sa kinauupuan nito at naglakad sa gitna ng isle na yun.
“Hoy leader! Saan ka pupunta?!” ang tanong ni Suga.
Nilingon naman sila ni Jungkook at nagsalita.
“KAKAUSAPIN KO ANG PILOTO NG EROPLANO NA ‘TO NA IHATID NA PABALIK SA PLANETA NYA ANG ALIEN NA KATABI NG SARANG KO!”
*******************
*boink-boink*
Hmm…
*boink-boink*
Ano ba yan ha? Bakit parang…bakit parang may tumutusok-tusok sa pisngi ko?
*boink-boink*
At ngayon ay ang ilong ko naman ang naramdaman kong iniipit-ipit.
Kaya bigla nalang ako napamulat ng mga mata at nabigla ako nang makita ko ang nakangiting mukha na yun ni Taehyung habang may hawak syang videocam at nakatutok yun sa akin.
“Hi Snow! Say hi to the camera!” ang nakangiti nyang sabi.
Napakurap ako.
“A-anong…anong ginagawa mo?” ang nagtataka kong tanong.
At tama bang gisingin nya ako mula sa mahimbing na tulog ko?
Tama. Nakatulog kasi ako kanina after naming mag-take off. Napalingon naman ako sa katabi nyang lalaki na nakatulugan narin ata ang pagrereklamo na hindi kami magkatabi ngayon sa upuan sa eroplano.
Napalingon ako sa paligid. Tulog silang lahat maliban kay Taehyung na ngayon ay sobrang lapad ng ngiti na nakatitig sa akin habang nakatutok sa akin ang videocam na hawak nya.
“Aiiish…mas lalo ka palang gumaganda sa videocam Snow” ang sabi nya dahilan para mamula ako.
Saka nya ini-close yun at ngumiti sa akin.
“Ilang oras nalang at darating na tayo ng Korea kaya dapat marunong kang mag-greet sa korean language” he grin.
Nagbaba naman ako ng tingin. “Ah eh…hindi ko alam kung paano…mag-greet sa korean language…”
“Wag kang mag-alala, tuturuan kita ngayon kung paano mag-greet!”
Napangiti naman ako. “Talaga?”
Pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang sya natigilan at napatitig sa mukha ko.
And for a moment ay nakatitig lang sya sa akin.
Naasiwa naman ako. “B-bakit? M-may dumi ba ang…mukha ko?”
Napakurap naman sya at parang nagising na nagsalita uli. “A-ah w-wala, wala…so…let’s start our lesson?”
I smiled. “Okay”
Saka sya umubo-ubo para i-clear ang throat nya.
“Okay, tuturuan kita kung paano magsabi ng ‘Hi’ sa korean. Repeat after me okay?” ang seryoso nyang sabi.
Naupo naman ako ng mabuti at seryoso na nakinig sa kanya.
At doon nya ako sinimulang turuan.
“Ji?” he started.
“Ji…” I repeat after him.
“Mi?”
“Mi…”
“Nie?”
“Nie…”
“Ba?”
“Ba…”
“Bo…”
“Bo…” I repeat.
“Jiminie babo” he repeat.
“Jiminie babo” ang ulit ko naman sa sinabi nya.
Ngumiti naman sya at ginulo ang buhok ko. “Very good! Kapag maggi-greet ka sa Korea, yan ang sabihin mo okay?!”
“Ah..eh…okay…” ang sabi ko lang.
“O sige na, practice tayo!” ang sabi nya saka sya humarap at nabigla pa ako ng gisingin nya si Jimin. “Jimin! Gumising ka!”
Nabigla naman ako.
Bakit nya…ginigising si Jimin?
Napabukas naman ng mga mata si Jimin at parang inaantok pang lumingon kay Taehyung mula sa harapan.
“Ano ba yun Taehyung ha?” ang naiilimpungatang tanong nya kay Taehyung saka nya kinusot-kusot ang mga mata nya.
“May sasabihin daw sayo si Snow!”
Napakurap ako.
Ano naman ang…sasabihin ko kay Jimin at ginising nya pa ito?
Agad namang ngumiti sa akin si Jimin at parang excited na nagtanong. “Ano yun Snow?”
Nilingon naman ako ni Taehyung. “Sige na Snow…batiin mo si Jimin sa korean word na itinuro ko sayo!”
“Ah eh…” ang sambit ko saka nilingon ang nakangiti paring si Jimin at mukhang excited sya sa sasabihin ko. “…Jiminie babo”
At hindi ko alam pero after kong sabihin yun ay instantly, unti-unting nawala ang ngiti ni Jimin at biglang nagsalubong ang kilay nya. At sa galit na galit na itsura ay nilingon nya ang tumatawang si Taehyung.
And then…
“KIM TAEHYUUUUNNNGGG!!!” he roared saka sya tumayo sa kinauupuan nya at inabot si Taehyung na mas lumakas ang tawa.
“WAHAHAHAHAHAHA! JIMINIE BABO! JIMINIE BABO!” ang tumatawang sigaw pa ni Taehyung habang sinasakal sya ni Jimin.
Samantalang natigilan naman ako sa kinauupuan ko.
May…mali ba akong…nasabi?
At doon lang sila tumigil sa pag-aasaran at mukhang pikon na pikon na bumalik nalang sa pagkakaupo si Jimin.
Samantalang tumatawa paring napaayos ng upo si Taehyung sa tabi ko.
And then…
Bigla nalang nag-seryoso ang mukha nya saka nya ako nilingon.
“Snow…” he called me.
Napatingin naman ako sa kanya.
Then he smiled. “Alam mo ba kung bakit ganito ang ginawa kong assign seats?”
Napatitig naman ako sa gwapong mukha nya at umiling.
Bakit ba nya….itinatanong ito all of a sudden?
Pero....
Biglang nawala ang ngiti sa labi nya at sa seryosong mukha ay nagsalita.
“Dahil gusto kitang makatabi ng matagal kagaya nito…” he said.
At hindi ko alam…kung bakit ako natigilan sa sinabi nyang iyon.
For a long moment ay nagtitigan lang kami but then…
“JOKE!” he said at nag-V sign pa sya. “WAHAHAHAHAHAHA! KINABAHAN KA NOH?! WAHAHAHAHA!”
Napahinga naman ako ng malalim.
Grabe talaga mang-trip ang lalaking ito.
“Pero totoo yun…” he whispered.
“Eh?” ang lingon ko naman sa kanya.
Tumingin naman sya sa akin. “Ha?”
“May sinabi ka ba?”
Parang nagtataka naman syang tumitig sa akin. “Ha? Wala na akong sinasabi…”
Napatingin naman ako sa kanya.
“Ahh…okay” ang sabi ko lang saka umayos na ng upo.
Baka guni-guni ko lang yun.
At hindi ko alam kung bakit after nun ay nag-seryoso na uli ang mukha nya at hindi na nagsalita pa uli.
to be continued...
Korean Words and Meaning:
Jiminie Babo: Jimin is a fool/stupid.