Shadow of The Stars
Chapter 3
Naging tahimik lang ako habang hila-hila parin nya ang kamay ko.
Pero bigla nalang sya tumigil sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya.
At doon ko lang napansin…na nasa City Plaza na pala kami…
Saka sya lumingon sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
“Sarang…” he called me.
“B-bakit?”
At bakit parang kinakabahan ako sa ngiti nyang iyon?
Saka sya huminga ng malalim at namula pa ako nang bigla nyang hawakan ang dalawang kamay ko at tinitigan ako ng mabuti.
“Alam ko…marami akong pagkukulang sayo bilang boyfriend mo…” he said. “…ilang buwan tayong hindi nagkita pero isang araw lang ang kaya kong ibigay sa’yo…kaya…”
He gave me that handsome grin. “…gusto kong makinig ka ngayon sa sasabihin ko sa’yo”
Napatitig naman ako sa kanya.
Sasabihin nya?
Ano kayang sasabihin nya?
Pero…
Natigilan ako nang bigla nalang nya binitiwan ang kamay ko at tumakbo paakyat sa isang mataas na monument na nanduon.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nyang iyon.
And then…
In front of all those people na nakatambay sa lugar na yun ay bigla syang sumigaw.
“AKO SI JEON JUNGKOOK AY HUMIHINGI NG TAWAD SA SARANG NYA DAHIL SA PAGIGING IDOL!” ang sigaw nya.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya at nakita kong napatingin na sa amin ang lahat ng taong nanduon.
Saka sya tumingin sa akin ng diretso at sumigaw uli.
“PERO KAHIT GAANO KA-BUSY ANG SCHEDULE KO O KAHIT GAANO KALAKI ANG PAGKUKULANG KO SA’YO AY GUSTO KONG MALAMAN MO NA MAHAL NA MAHAL KITA! AT!” saka nya ako itinuro. “…HINDI KA PWEDENG TUMINGIN SA IBA HABANG WALA AKO! KAHIT ANONG MANGYARI AY AKO LANG DAPAT ANG MAHALIN MO! SNOW SANCHEZ! LET’S BE HAPPY TOGETHER KAHIT NA HINDI TAYO LAGING MAGKASAMA! LET’S MAKE THIS RELATIONSHIP STRONGER! ARASSO?!”
Hindi ko alam pero…
Pinaghalo-halo ngayon ang emosyon na nasa dibdib ko nang dahil sa ginawa nya.
Nahihiya ako sa ginawa nya at the same time ay naiiyak din.
Pero nagtaas ako ng mukha at masayang ngumiti.
“Neh!” ang nakangiti kong sagot.
At nakita ko naman ang pagsungaw ng malapad na ngiti sa mukha nya nang dahil sa isinagot ko.
Tama.
Dapat ay mas maging matibay kaming dalawa kahit na minsan nalang kami magkita…
Dapat ay mas maging masaya kami kahit na malayo kami sa isa’t isa.
Dahil kahit gaano man kahirap ang relasyon na mayroon kami ay alam naming pareho na hindi namin kakayaning mawala ang isa’t isa.
“OMG! Si Jungkook nga girls!” ang sigaw ng isang boses.
“KKKKKKKYYYYYYYYYAAAAAAAAHHH!!! DALI! ILABAS MO ANG CAMERA KO!!!”
“WAIT, BAKIT HINDI NATIN NABALITAAN NA BUMALIK SYA DITO? KYYAAAAHHH!!! JUNGKOOK!!!”
Doon naman sya biglang bumaba sa monumento at dali-dali nyang hinila ang kamay ko paalis sa mga taong nagsimula ng dumumog sa amin.
At tumakbo lang kami paalis sa gitna ng mga taong yun habang…
Napatingin ako sa kanya.
…nakangiti sya at mukhang ang saya-saya nya…
***************
Nang makaalis kami sa lugar na yun ay bumalik kami agad sa parking lot kung saan iniwan nya ang kotse nya at umalis narin kami.
At habang nagmamaneho sya ay nilingon ko sya.
“S-sarang…” ang sabi ko sa mahinang boses at napalunok pa ako sa pagkakasabi ko nun.
Kahit kasi…yun na ang tawag ko sa kanya ay bakit parang…ang hirap-hirap paring banggitin ang word na yun?
Nakangiti naman at parang kinikilig pa syang lumingon sa akin. “AAAAAYYYYEE…! Ang sarang ko tinawag akong sarang! Ayyyeee..! Ano yun sarang ko?”
Yun ang sinabi nya dahilan para mas mamula ang mukha ko at napayuko.
Oo. Hindi parin sya nagbabago.
Nagbaba nalang ako ng tingin at sa mahinang boses ay nagsalita.
“Salamat sa regalo mo…” ang sambit ko.
Parang nagtataka naman syang lumingon sa akin. “Huh? Regalo?”
Napatingin naman ako sa kanya. “Eh diba yun ang graduation gift mo sa akin? Ang ginawa mo kanina?”
For a moment ay tinitigan nya lang ako saka sya nakangiting lumingon sa pagmamaneho.
He grin. “At sino naman ang nagsabi sayo sarang na yun na ang regalo ko sayo?”
Nabigla naman ako.
Huh?
Hindi pa yun ang regalo nya sa akin?
Eh ano naman yun?
Magtatanong na sana ako pero biglang tumigil ang sasakyan. Saka ako napatingin sa labas at nakita kong inihatid nya ako sa bahay namin.
Then he turned to me and with a big grin on his face. “Dito mo makukuha ang regalo mo sa akin sarang…”
Napatulala ako sa sinabi nyang iyon.
Eh?
Dito?
Pero hindi na ako nakapagsalita nang lumabas na sya ng kotse at pinagbuksan din ako.
“Ano bang---”
“Sarang…” he said saka nya hinawakan ang kamay ko. “Pasensya ka na sa regalo kong ito ha…alam kong masa-shock ka kaya uunahan na kita. Ginawa ko lang ‘to kasi…”*sigh* “…hindi ko talaga kayang mawala ka sa tabi ko ng matagal…”
Napatulala naman ako sa kanya.
Ano bang…ibig sabihin nya doon?
“Atsaka sarang…” he said then pout. “Sa dalawang buwan na hindi tayo nagkita, na-realize kong nahihirapan talaga ako na hindi ka makita ng matagal. Aiiissshh…! Iisipin ko palang na matagal na namang kitang hindi makikita ay parang gusto ko ng tumigil sa pagiging idol at mag-stay nalang dito kasama ka. Pero hindi ko namang pwedeng gawin yun. Kaya…”
Saka nya hinawakan ang kamay ko at parang nagsusumamong tumitig sa akin.
“…sana mapatawad mo ako sa regalo kong ito…” he said. “Hindi ko alam ang magiging reaction mo sarang pero sana…maintindihan mo ako…”
Sa lahat ng sinabi nya ay nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
At hindi ko alam kung bakit ako mas lalong kinakabahan sa mga sinabi nya.
Ano nga kaya ang…regalo nya sa akin?
Pero…
“Ays, ang mga batang ito…buti nalang at nakarating na kayo” ang biglang sulpot ng boses na yun mula sa pinto ng bahay namin.
Kaya agad akong napalingon at nabigla ako sa nakita ko.
Si Mr. Han…oo, ang manager ng BTS ay nakatayo ngayon sa harapan ng bahay namin…
Pero….anong ginagawa nya dito?
Saka ako nilingon ni Jungkook at nakangiting nagsalita. “Sana magustuhan mo ang regalo ko sarang…”
****************
“Our agency is looking out for new talents at ikaw Ms. Snow ang ini-recommend ni Mr. Jeon para doon” ang sabi na yun ni Mr. Han habang magkakaharap kaming nakaupo sa sala kasama ang parents ko at sa tabi ko naman si Jungkook.
Nabigla ako sa sinabi nya.
New…talents?
“Our agency have many departments and including doon is the Classical Music Department kung saan ang talent mo for playing the violin belongs. At next week, magsasagawa kami ng audition for new talents. And Mr. Jeon here, recommended na pwede ka ring mag-audition doon”
Agad naman akong nilingon ng nakangiting si Jungkook. “Oo sarang! Mag-audition ka na sa agency namin para magkasama tayo!”
Pero nanatili akong naninigas sa kinauupuan ko.
Ito ba ang…regalo nya sa akin?
“Oo anak, malaking opportunity ito! Sisikat ka na!” ang narinig kong sabi naman ng stepmom ko habang nanatiling nakikinig lang sa amin ang Papa ko na nakaupo din doon.
Pero…hindi ko alam…kung bakit…nandidilim ang mukha ko mula sa narinig ko.
At bakit…nakakuyom na ngayon ang mga kamay ko.
“Pinakiusapan ko talaga si Mr. Han na isali ka sa list ng mag-o-audition sarang kaya sana pumayag ka” ang nakangiti at parang excited na sabi pa ni Jungkook.
Pero…
Doon na ako biglang tumayo at napatingin naman silang lahat sa akin.
“I’m sorry…magpapahangin muna ako” ang sambit ko sa nandidilim na mukha saka walang paalam akong umalis sa harapan nila at lumabas ng bahay.
Naramdaman kong agad namang sumunod sa akin sa labas si Jungkook.
“Sarang?” he called me.
Tumigil naman ako sa paglalakad pero hindi ko sya nilingon.
“Sarang…” he called me again. “Galit ka ba?”
Doon ko na sya nilingon at nakita ko kaagad ang pagkabigla sa mukha nya nang dahil sa ekspresyon ng mukha ko.
“Kailan pa ba kita binigyan ng karapatan na mag-desisyon para sa akin?” I asked with that cold voice.
“Pero sarang---”
“Ito ba ang regalo mo sa akin? Ang gumawa ka ng desisyon para sa akin ng hindi ko nalalaman?” ang tanong ko sa walang emosyon na boses na yun.
Mukhang natigilan naman sya sa sinabi kong iyon. Pero agad din syang nagbaba ng tingin at sa malungkot na boses ay nagsalita.
“Sarang…I’m sorry…” he said. “Ginawa ko lang naman ‘to dahil lagi kitang nami-miss nung nasa Korea pa ako. Kaya nang malaman ko na magpapa-audition sila sa Classical Music Department ay naisip ko kaagad na isali ang pangalan mo sa list ng mag-o-audition…”
Nabigla ako sa sinabi nyang iyon.
Ginawa nya ‘to…dahil lagi nya akong nami-miss?
“Atsaka sarang…” he said habang nakayuko parin. “…gusto lang talaga kitang makasama ng matagal at ito lang ang nakita kong way para makasama kita doon…kaya sarang…sorry…”
Hindi naman ako makapagsalita nang dahil sa sinabi nya.
Nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kanya.
Saka sya nagtaas ng mukha at ngumiti sa akin. “Pero sarang kung ayaw mo, hindi na kita pipilitin...ayokong magalit sa akin ang sarang ko…”
Nakangiti sya ng sabihin nya yun pero nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.
Saka sya nagbaba uli ng tingin at sa mahinang boses ay nagsalita uli. “Pero sayang…opportunity na sana ito na makasama kita doon…sayang talaga…”
At hindi ko alam pero ngayong nakikita ko syang sobrang lungkot na nakayuko sa harapan ko ay parang pinipiga ang dibdib ko. At kaya nya nagawa yun dahil iniisip nya na yun lang ang way na magkasama kami?
Pero…
Hindi pa ako handa na pumasok sa ganuong mundo…
Gusto ko mang sumama sa kanila ay pakiramdam ko ay…hindi pa nai-set ang mind ko sa ganung bagay…
Pero…
Napahinga ako ng malalim.
“Sige…pag-iisipan ko…” ang sambit ko.
Agad naman syang napataas ng mukha at nakita ko ang pagsungaw ng masayang ngiti sa labi nya.
“Talaga sarang? Pag-iisipan mo? Ibig sabihin ba nun…may chance na pumayag ka?”
Napatingin naman ako sa kanya. “Hindi ko sure pero…pag-iisipan ko muna ‘to ng mabuti…”
He gave me that handsome grin at halatang ang saya-saya nya.
“Hindi ko alam sarang pero…” he said while grinning. “…narinig ko lang sayo na pag-iisipan mo ‘to ay ang saya-saya ko…paano pa kaya kung pumayag ka na. Aiiisshhh! Excited na akong makasama ka sa Korea kaya sana pumayag ka!”
Napatulala naman ako sa gwapo nyang mukha pero agad din akong nagbaba ng tingin.
At hindi na ako nakagalaw ng bigla nyang guluhin ang buhok ko.
“Pero sarang…” he whispered.
Kaya napataas ako ng mukha at namula pa ako lalo nang ngumiti sya sa akin and with a gentle voice he spoke.
“…it would be a lot of fun kung pumayag ka because in that way…makakasama ko na lagi ang sarang ko…diba sarang?”
Hindi ako sumagot at nagbaba nalang ako ng tingin.
Narinig ko namang huminga sya ng malalim at nagbulsa ng kamay. “Kaya sarang bukas…hihintayin kita sa airport ha?”
Huh?
Bukas?
Agad akong napatingin sa kanya.
“Nakalimutan ko palang sabihin sayo sarang pero napagawan na kita ng passport at nabilhan narin kita ng ticket papuntang Korea at naihanda ko na ang lahat sa pagdating mo doon kaya sana pumayag ka na!” ^0^
Napagawan na nya ako ng passport…
Nabilhan na nya ako ng ticket…
At…naihanda na nya ang lahat sa pagpunta ko doon?!
“Ah, tama pala sarang…nakalimutan ko ring sabihin pero…” he gave me that wicked and evil grin. “…pina-empake ko na sa stepmom mo ang mga gamit mo na dadalhin mo bukas!”
Na-empake na…ang…
Na-empake na ang mga gamit ko na dadalhin ko sa Korea?!
Teka…para saan pa ba na pag-iisipan ko pa ang tungkol doon eh mukhang may balak syang pasamahin ako ng Korea ng hindi ko nalalaman?!
At teka lang ha…kailan pa ba nya sinimulang paghandaan ang bagay na ‘to at bigla nalang ako nagkaroon ng passport?!
Saka nya ini-pat ang ulo ko kaya natigilan ako.
“At ngayon…” he said then grin. “…ready na ang passport, ready na ang ticket, at ready narin ang mga bagahe…ang kulang nalang ay ang approval ng sarang ko…”
to be continued...