Shadow of The Stars
Chapter 2
"Maknae! Pakiabot nga ang fried chicken!" Si Suga.
"Mamaya na! Nilalagyan ko pa ng kanin ang plato ng sarang ko!" Si Jungkook.
"Oy! Rapmon hyung! Wag ka masyadong maghahawak ng mga babasagin dyan! NAKAKAHIYANG MAGBAYAD NG MGA NABASAG MO!" Si jimin.
"Pahingi ng pink dumplings" si Jin.
"Hoy Taehyung! Bakit mo nilalagyan ng ketsup ang beef steak mo?" Si J-hope.
Nilingon naman sya ni Taehyung. "Bakit? Hindi pala to dapat nilalagyan ng ketsup?"
Nasa isang restaurant pala kami ngayon dahil dito kami nagpunta matapos ang graduation ko. At katulad ng dati ay nagkakagulo na naman ang mga lalaking ito sa harapan ko. Habang tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Jungkook.
Lahat naman sila ay napatingin kay Taehyung.
"Grabe..." Si Rapmon. "Lumalabas na naman ang pagka-alien nya"
"Oo nga, hindi ka pa ba hinahanap sa planeta nyo? Baka nami-miss ka na ng mga kalahi mo” si Jimin.
"Pero teka lang ha..."si Suga saka nilingon si Jin. "Jin hyung...pasensya ka na talaga pero hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko sa pagsasabi nito..."
Nilingon naman sya ni Jin na noon ay susubo na sana ng pink dumplings.
"Ano yun?" Si Jin.
At sa mukhang hirap na hirap na facial expression ay nagsalita si Suga.
"HYUNG! BAKIT NAKA-ALL PINK KA NGAYON?! TIGNAN MO NAMAN KAMI HYUNG! NAKA-BADBOY LOOK KAMING LAHAT! MAY SHADES PA! MAY SHADES PA! PERO IKAW?! NAKA-PINK SHIRT AT PINK NA JEANS?! AT NAG-SHADES KA NGA DIN PERO PATI BA NAMAN YAN AY KULAY PINK DIN?! UTANG NA LOOB HYUNG! BIGYAN MO NAMAN NG KAHIHIYAN ANG GRUPONG ITO!"
Hinawakan naman sya sa balikat ni Jin at sa walang emosyon na boses ay nagsalita sya. "Min yoon-gi...eh kung ikaw kaya ang bigyan ko ng kahihiyan sa restaurant na 'to?”
Natahimik silang lahat nun dahil natawag na naman sa totoong pangalan nya si Suga which means na napikon si Jin sa sinabi nito.
Napa-gulp naman at napatawa ng hilaw si Suga. "Ahahahahaha! I-ikaw naman hyung hindi ka na mabiro! S-syempre okay lang sa lalaki ang magsuot ng p-pink! At para maiba naman ang concept ng grupong ito ay bakit kaya hindi nalang tayo mag-all pink sa sunod na concert natin?! DIBA?! DIBA?!"
Saka sya lumingon sa mga kasama pero...
"Kumain nalang tayo ng mabuti" si Rapmon saka nag-focus sa pagsubo.
"Oo nga, masarap pala tong beef steak na may ketsup, pahingi Taehyung" si Jimin saka absentminded na inagaw ang pagkain ni Taehyung.
"Kumain kayo ng mbuti Taehyung at Jungkook para hindi kayo magaya sa ibang hyung nyo" si J-hope saka nilagyan ng pagkain ang plato nina Taehyung at Jungkook.
Samantalang kumain nalang kaming tatlo nina Taehyung at Jungkook at hindi na nag comment sa sinabing iyon ni Suga.
Samantalang si Jin...
"Yan ang pinakamagandang nasabi mo sa ilang taon na nagkasama tayo Suga" ang masayang sabi nya. "Wag kang mag-alala, sa sunod na concert natin pahihiramin kita ng isa sa mga paborito kong pink shirts"
Napatawa naman ng hilaw si Suga. "Aiggoo...ang bait-bait talaga ng hyung namin...salamat hyung!"
Saka sya lumingon sa mga kasama at maluha-luhang tumingin sa kanila na nagsasabing 'SAVE ME!!!"
Pero tinignan lang sya ni Rapmon at nagsalita.
"You did that to yourself so goodluck nalang sa next na concert"saka sya bumalik sa pagsubo.
Samantalang parang binagsakan naman ng langit at lupa na napatingin sa itaas si Suga at mukhang ini-imagine na ang sarili sa pink shirt ni Jin.
"Sarang! Kainin mo to oh. Masarap ang vegetable curry nila dito. Say aaaahhh..." Ang sabi ni Jungkook habang nakatutok ang kutsara nya sa akin.
Namula naman ako dahil...
Paano nya ako nagagawang subuan sa harapan ng mga hyung nya?
"Ah eh.." Ang sabi ko.
Pero nag-pout sya. "Sige na sarang...isubo mo na ito kasi matagal na panahon na nung last kitang nasubuan kaya say ahhh..."
Napatingin naman ako sa mga kasama nya na mukhang kilig na kilig sa eksena na to except kay Taehyung na nanatiling naka focus sa pagsubo ng pagkain.
Saka ako namumulang napalingon kay Jungkook at isinubo nalang yun kahit na parang nasusunog na ang mukha ko sa hiya.
At nang maisubo ko yun at napatingin nalang ako kay Jungkook na sobrang lapad ng ngiti.
"Masarap ba sarang ha?"
Namumula naman akong tumango.
Pero muntik na akong mabulunan sa sumunod na sinabi nya.
"Oo sarang! sasarap talaga yun dahil isinubo ko muna yung kutsarang isinubo ko sayo para magkaroon tayo ng indirect kiss!" Saka sya lumingon kay Taehyung at mayabang na nagsalita. "Nakita mo yun V hyung?! Nag-indirect kiss kami ng sarang ko at ILANG ULIT NARIN KAMING NAG-INDIRECT KISS!"
After nyang sabihin yun ay parang gusto ko nalang malusaw sa kinauupuan ko.
Paano nya...
Paano nya nagagawang ipagmayabang ang bagay na yun sa mga kasama nya?
Pero tinignan lang sya ni Taehyung at nagsalita.
"Grabe, tapos na ang BOOK 1 pero hanggang ngayon ay hindi ka parin nakaka-move on dun?" Ang sabi nya. "At nakakabigla lang na nagagawa mo pa akong tawaging hyung matapos ng pinagsasabi mo sa akin”
Pero tinaasan lang sya ng kilay ni Jungkook at sa mayabang na boses ay nagsalita sya uli. "Oo naman! Nakaisang indirect kiss lang kayo pero sa amin, marami na!"
Diyos ko, kunin nyo na po ako! Dahil sa sobrang hiya ko dahil sa pinagsasabi nya ay parang gusto kong mawala na sa kinauupuan ko.
"Pero Jungkook..."si Rapmon. "Isang araw lang tayo pwedeng mamalagi dito diba? Kaya bukas uuwi na tayo ng Korea. Alam mo namang marami pa tayong gagawin"
Natigilan ako sa sinabing yun ni Rapmon.
Isang araw lang sila na nandito?
Mukhang natigilan din si Jungkook at naibaba nya ang kutsara na hawak nya saka lumingon sa akin.
"Sarang..." he called me in that sad voice. "Isang araw lang pala kami dito sa Pilipinas...sorry sarang ha, hindi pa kasi tapos ang promotions namin at may fansigning activity pa kami na gagawin..."
Hindi ko mapigilang malungkot sa balitang iyon.
Isang araw ko lang sya makakasama?
Pero...
Ngumiti ako. "Okay lang yun...I understand"
Tama.
Naiintindihan ko naman dahil isang celebrity ang naging boyfriend ko at inaasahan ko na 'to dati pa na makikisingit nalang ako sa schedule nya...pero...bakit...kahit na naiintindihan ko ay nalulungkot parin ako?
Pero napukaw nalang ako nang hawakan nya ang pisngi ko.
Kaya namumula ang mukha kong napatingin sa kanya.
"Pero wag kang mag-alala sarang, susulitin natin ang isang araw na yun. Ibibigay ko sa sarang ko ang isang araw ko kaya wag ka ng malungkot ha? Sarang?" he said while smiling.
Ngumiti din ako.
Oo.
Dahil isang celebrity ang naging boyfriend ko...
I smiled. "Okay..."
...ay sapat na ang isang araw na yun na makasama sya.
*********
"Hay, nabusog ako dun ah! Na-miss ko tuloy ang lutong Pinoy!" si J-hope habang papalabas na kami ng restaurant na yun.
"Oo nga, buti nalang at nakalabas tayo sa restaurant na yan na hindi nagbabayad ng nabasag ng ibang hyung dyan sa tabi-tabi..." si Jimin saka nilingon ang direksyon ni Rapmon.
Hinawakan naman sya sa balikat ni Rapmon at nagsalita. "Jimin...baka gusto mong mukha mo ang basagin ko? Kanina ka pa eh...."
Napa-gulp naman at napatawa ng hilaw si Jimin. "Ahahahahaha! Ikaw naman hyung! Hindi ka na mabiro! Syempre okay lang na makabasag ka ng pinggan sa restaurant na yun! Malaki naman ang kinita natin sa last na album natin kaya marami tayong ipambabayad! Ahahahahahaha!"
At doon na sya sinapak ni Rapmon.
Napangiti naman ako.
Ngayon ko lang na-realize pero na-miss ko rin ang kulitan ng ibang members nya.
"Sarang..." ang tawag naman sa akin ni Jungkook kaya napalingon ako sa kanya.
He grin. "At dahil graduation mo ngayon, dapat mag-date tayo!"
Namula ako sa sinabi nya.
D-date?
Magdi-date kami?
"Oo nga! Maknae! Sama ako!" si J-hope.
Sinapak naman sya ni Rapmon.
"Aray! Bakit mo ako sinapak?!" ang iyak nya. "BOOK 2 NALANG PERO AKO PARIN ANG SINASAPAK DITO?!"
"Eh kasi nga date yun..." si Rapmon saka sya hinila sa batok. "Makikisawsaw ka pa kasi sa date nilang dalawa eh...alam mo namang ito ang graduation gift natin kay Snow pero sisingit ka pa..."
Graduation gift...nila sa akin?
Nilingon naman ako ni Taehyung at nakangiting nagsalita. "Oo Snow...alam namin na matagal mo ng hindi nakakasama si Jungkook kaya gumawa talaga kami ng paraan na makapunta sya sa graduation mo"
"Oo nga..." si Suga saka inakbayan si Taehyung. "Ini-cancel muna namin ang mga TV shows na pupuntahan sana namin sa dalawang araw para sa inyo ni maknae...kahit na ilang ulit kaming nakatikim ng speech sa manager namin..."
Saka sila napatingin sa itaas na para bang inaalala ang mga ginawa nila at sa ekspresyon palang ng mga mukha nila ay mukhang nahirapan talaga sila sa mga ginawa nila.
Samantalang natigilan naman ako sa kinatatayuan ko.
Ginawa nila yun...para sa akin?
Para sa graduation ko?
"So..." si Jin saka nakangiting nagtanong. "Nagustuhan mo ba ang graduation gift ng BTS?"
Hindi ko alam pero...
Sa sobrang saya ko sa narinig ko mula sa kanila ay para akong naluluha ngayon.
Pero pinigil ko yun at ngumiti sa pitong lalaking kaharap ko ngayon.
"Thank you..." I whispered.
"Pero sarang...now that they have already given their gift for you..." ang sabi ni Jungkook saka nya ako inakbayan at ngumiti ng matamis. "...it's time na ibigay ko naman sayo ang gift ko..."
Napatingin naman ako sa kanya. "Gift? Anong gift?"
But he just gave me that handsome grin saka nya kinuha ang kamay ko at hinila ako paalis sa harapan ng mga kasama nya.
"O-oy Jungkook! Saan mo ako dadalhin?!" ang natataranta kong tanong habang hila parin nya ako.
"Basta sarang...it's a surprise..." ang sabi nya habang hila parin ako.
"WOHOOOO!! GO MAKNAE!!" ang narinig ko nalang na sigaw ng mga kasama nya.
***********
Shit.
"Hay...ngayong nakikita ko kung gaano kasaya si maknae sa girlfriend nya parang gusto ko narin tuloy magka-girlfriend..." si J-hope.
At lahat sila ay nakatingin na ngayon sa papalayong sina Jungkook at Snow samantalang nanatili lang akong tahimik na nakatayo sa isang sulok.
Ilang oras na ba akong nagtitiis sa eksenang nakikita ko?
"Oo nga...bigla nalang ako nainggit sa kanila..." si Suga.
Ilang oras na ba akong nagtitiis sa humahapdi na dibdib ko?
"Masaya siguro talagang magka-girlfriend..." si Jimin. "AAAAIISSSHH!! Gusto ko narin tuloy magka-girlfriend!!!"
But then I smirk.
Tama.
Hindi lang pala oras ang bibilangin sa sakit na nasa dibdib ko dahil masaya na ngayon ang bestfriend ko at ang babaing mahal ko. Kundi araw at buwan simula nang magparaya ako para sa kanila.
Saka ako tumalikod at naglakad paalis dahil hindi ko na kakayanin pang makita ang eksenang nakikita ko.
At oo...sinabi kong naka-move na ako...
"Oy Taehyung! Saan ka pupunta?!" ang tanong sa akin ni Jimin.
"Magpapahangin lang" ang tipid kong sagot.
Sinabi kong masaya na ako para sa kanila.
"Ha? Pero mahangin naman dito ah!" si J-hope. "Bakit? Kulang pa ba sayo ang hangin na nandito? Gusto mo dalhan kita ng electric fan?"
Sinabi kong makukuntento na akong makita silang maging masaya...
"Taehyung! Oy! BABALIK KA NA BA SA PLANETA MO HA?! TEXT KA LANG HA PAG NAKARATING KA NA DUN! AT PAKIREGARDS MO NALANG KAMI SA MGA KALAHI MO!" ang sabi ni Rapmon.
Pero hindi na ako lumingon at nagpatuloy lang ako sa paghakbang paalis.
Sinabi kong pipigilan ko na ang sarili ko na mahalin ang babaing pagmamay-ari na ngayon ng bestfriend ko...
Pero bakit....
Bakit....
At nang mapaliko ako...kung saan alam kong hindi na nila ako makikita pa ay doon na ako biglang napasandig. Saka ko nasabunutan ang buhok ko at napayuko sa walang katao-taong daanan na yun.
...bakit sobrang sakit parin ng dibdib ko ngayon na makita na silang masayang dalawa?
to be continued...