Shadow of the Stars
Chapter 1
“CONGRATULATIONS!!!” ang tilian sa gymnasium kung saan na-held ang graduation namin.
Yes.
Hanggang second year lang kasi ang College institution na ito. At after nun ay nasa amin na kung magpapatuloy ba kami sa arts at music o pipili na ng ibang career.
At ngayon ay nakasuot na ako ng toga kasama ang mga classmates ko.
Pero…
Napalibot ko ang tingin ko.
…bakit wala parin sya?
Ang sabi nya kasi ay dadalo sya sa graduation ko.
Pero…natapos nalang ang program pero wala parin sya…
“Snow!! Picture tayo!” si Angel na biglang sumulpot sa tabi ko.
I smiled.
“O-okay…” ang sambit ko saka nakisali narin sa kanila sa pagpapa-picture.
Matapos yun ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa ng mga classmates ko.
Samantalang naiwan kaming dalawa ni Angel doon.
“Teka Snow, nasaan ang parents mo? Kanina nandito lang sila ah…” ang sabi nya.
Ngumiti naman ako. “Kinailangan na kasi nilang umuwi kaagad para sa karenderya namin…”
Oo. Nagsimula ng mag-negosyo ang parents ko kaya mas naging busy na silang dalawa.
“At teka lang ha, nasaan din yung boyfriend mo? Bakit wala din sya?” ang tanong nya pa.
At hindi ko mapigilang malungkot sa tanong nya na yun.
Dahil…
Hindi talaga dumalo ang lalaking inaasahan kong dadalo sa isa sa pinaka-importanteng oras ng buhay ko.
Pero ngumiti parin ako.
“Ano kasi…katatapos lang ng promotion nila ng bagong album nila kaya…hectic pa ang schedule nila” ang sabi ko.
Oo, tama yun. Halos dalawang buwan na nga kaming hindi nagkikita dahil sa kabi-kabilang concert na ginawa nila after ng album nila. Sa phone nalang kami nakakapag-usap at minsan ay sa Skype. Pero hindi rin madalas yun dahil sa busy na schedule nila at minsan pa nga ay pagod na pagod sya habang kausap ako.
Pero ngayong graduation ko ay nag-promise sya na dadalo sya pero…
Napalibot ko uli ang paningin ko.
…mukhang hindi na talaga sya darating.
“Hay naku…” si Angel. “Ang hirap talaga magka-boyfriend ng isang idol. Idagdag pa na taga-ibang bansa sya”
Napayuko nalang ako nang dahil sa sinabi nya.
Pero ngumiti din sya agad at inakbayan ako.
“Tama na nga yan! Wag ka ng malungkot! Graduation natin ngayon kaya dapat ay masaya tayo. Tara! Sa bahay nalang tayo mag-celebrate!” ang yaya nya sa akin.
Napangiti nalang ako at tumango.
Saka kami parehong nakangiting naglakad palabas ng gym na yun.
Tama.
Baka busy lang talaga sya kaya hindi sya nakadalo ngayon. Naiintindihan ko naman yun dahil mahirap din ang sitwasyon nya dahil sa kabi-kabilang projects.
This is the price I’m going to pay for being Jeon Jungkook’s girlfriend…
Pero bakit kahit anong alo ko sa sarili ko ay hindi ko parin mapigilang malungkot?
"KKKKKKKKKKKKKKYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAHHH!!!"
Sabay pa kaming natigilan ni Angel nang paglabas namin ng gym na yun ay isang malakas na tilian ang narinig namin.
"Huh? Ano kaya ang meron?" ang takang tanong ni Angel.
And then...
Paglabas namin ay hindi namin inaasahan ang makikita namin.
Dahil...
Sa harapan ng gate ay nakatayo ang pitong lalaking yun...
And in front of them is that handsome guy that I’ve been missing for how many months…
***************
Emotionless face.
Black-eyelinered eyes.
And a serious aura.
He’s wearing his usual black get-up na lalong nagpagwapo sa kanya. May mga earrings din na nakakabit sa tenga nya at kwentas sa leeg nya na nagpadagdag sa badboy look nya.
Nasa harapan sila ngayon ng gate at para silang mga model na nakatayo sa kotse na yun habang nasa driver seat naman si Jin.
They’re all wearing the same black outfits just like Jungkook.
At katulad ng dati ay nakapalibot na naman sa kanila ang mga fans nila habang ngumingiti at kumukuway lang ang ibang members nya sa mga ito.
And then…
Nagtaas sya ng mukha.
At para akong nanigas when our eyes met.
And instantly, when he saw me ay agad na gumuhit sa gwapo nyang mukha ang pamilyar na big grin na yun.
While holding a bouquet of red roses, he walked through those cheering crowd at parang walang pakialam sa mga fans nya na dumiretso sa harapan ko.
At ngayong…nakatayo na sya sa harapan ko ay bakit parang…
Parang nananakit ang lalamunan ko at…nag-iinit ang mga sulok ng mga mata ko?
"Oh my...nandito na pala ang Prince charming mo Snow. Kaya aalis na ako" ang sabi naman ni Angel sa tabi ko. "Bye Snow! Bye Jungkook!"
Ang paalam nya sa aming dalawa saka sya umalis.
Kaya naiwan ako sa harapan ng gwapong lalaking ito.
“Congratulations Sarang!” ang bati nya sa akin saka inilahad sa akin ang roses na yun.
Pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?" Ang tanong ko.
He grin. "Eh kasi sarang medyo na-late kami sa flight namin dahil nag-shooting muna kami kahapon ng bagong MV namin"
At doon ko lang napansin na medyo nangingitim ang ilalim ng mga mata nya at mukhang pagod na pagod sya.
Teka...katatapos lang nilang mag-shooting pero...nandito na sila?
"Aiiissshh..!" Ang sabi nya gamit ang korean accent na yun. "Gusto talaga kitang makita na umaakyat sa stage habang kinukuha ang diploma mo sarang pero na-late ako. Sorry sarang ha? Ini-try ko talaga ang best ko na makaabot pero...aaaiiisshh!! Kasalanan to nung eroplano eh! ANG TAGAL-TAGAL NYANG LUMIPAD!!"
Hindi ko mapigilang mapangiti. Na-miss ko talaga ang ugali nyang ito.
Napatingin naman sya sa akin kaya bigla akong namula.
"B-bakit?" Ang tanong ko.
For a long moment ay tinititigan nya lang ako kaya mas uminit ang pisngi ko.
But then slowly, a big grin drew up on his face. "Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko na-miss ang ngiti ng sarang ko..."
He said that habang tumititig sa akin kaya pakiramdam ko ay parang umuusok na ang mukha ko sa init.
"Jungkook!" Ang biglang sulpot ni Taehyung saka sya inakbayan. "Gutom na daw ang mga hyung kaya bilisan nyo na dito. Atsaka isa pa, dumarami na ang mga fans dito kaya baka hindi na tayo makaalis mamaya"
Nilingon naman sya ni Jungkook. "Wag nga kayong atat! Kausap ko pa ang sarang ko!"
"Aiiishh...this kid..." Si Taehyung saka sya lumingon sa akin at ngumiti. "Hi Snow..."
I smiled too. "Hi Taehyung"
Pinalipat-lipat naman ni Jungkook ang tingin nya sa aming dalawa. At agad syang tumayo sa harapan ko at hinarap si Taehyung.
"V hyung..." He said. "Wag mong sabihing may gusto ka parin sa sarang ko?!"
Taehyung smirk. "Hay naku...nandito na naman ang eksenang ito. Wag kang mag-alala Maknae, matagal ng natapos ang book 1 kaya naka-move on na ako"
Tinitigan naman sya ng seryoso ni Jungkook.
"Buti naman dahil kung hindi..." He said then smirk. "Itatapon kita pabalik ng planeta mo!"
"Oh geez..." Si Taehyung. "So tara na bago pa magwala si J-hope hyung na kanina pa nagrereklamo."
Pero hinawakan ni Jungkook ang kamay ko at tinitigan ng masama si Taehyung.
"Tara na sarang..." Ang sabi naman ni Jungkook habang nakatingin parin kay Taehyung. "Baka may kumidnap pa sayo na alien dito..."
Yun lang saka nya ako hinila sa kamay.
"Aiissh...! This kid!" Ang narinig ko nalang na sabi ni Taehyung.
Napangiti nalang ako at napatingin kay Jungkook na ang laki ng ngiti na naglalakad habang hawak ang kamay ko sa gitna ng mga fans nila.
At kahit hindi ko man aminin...
...ay masayang masaya ako na makita sya uli at mahawakan uli ang kamay nya...
To be continued...