Chapter 15

2280 Words
Shadow of the Stars Chapter 15 Nanatili lang akong nakaupo sa may dining area ng malaking building na yun para doon ko na sya hihintayin. Pero… Magdadalawang oras na at hindi pa sila natatapos. Nabigla pa ako nang may tumayo sa harapan ko. Kaya napataas ako ng mukha at nakita ko ang nakangiting mukha na yun ni Taehyung. “Hi Snow!” NApakurap ako. “A-anong ginagawa mo dito?” Oo nga. DIba kasali sya sa pictorial? He smiled. “Natapos na ang part namin ng ibang hyung at si Jungkook nalang ngayon ang kinukunan kasama si Seohyun” “Seohyun?” Napatingin naman sya sa akin. “Hindi mo pa ba nakikilala si Seohyun?” Umiling ako. “Ah…sya ang leading female ng movie!” he said. “Ang alam ko nga may crush doon simula pa noon si maknae eh” Nabigla ako sa narinig ko. Crush? Crush ni Jungkook? Samantalang parang naka-realize naman sya na napatingin sa akin sa defensive na boses ay nagsalita sya. “Ah…h-hindi! Hindi! Mali ang iniisip mo!” ang sabi nya. “Crush lang naman yun eh at ikaw lang talaga ang mahal ni maknae!” Napababa naman ako ng tingin. Nandito ako at naghihintay sa kanya samantalang kasama nya ang crush nya? Hindi ko alam pero bumigat bigla ang pakiramdam ko doon. “By the way pala…” ang sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong kinamot nya ang batok nya. “Nandito ako dahil pinakausapan ako ni maknae na ako na ang mag-hatid sa iyo sa apartment mo…” ang sabi nya. “Mukhang matatagalan pa kasi sila at ayaw ni maknae na maghintay ka pa ng matagal” Nagbaba nalang ako ng tingin at unti-unti kong naramdaman ang lungkot ng dahil sa narinig ko. Naghintay ako dahil gusto ko syang makasama pero…ibang lalaki ang pinapunta nya para humatid sa akin… Pero may bigla nalang ako naalala kaya napatingin ako sa gwapong lalaking kaharap ko ngayon. “Ah ano…” ang sambit ko. Napatingin naman sya sa akin. “Nabalitaan ko na…” ang sabi ko. “…napagalitan ka ng manager nyo dahil…tumakas ka daw sa show nyo para puntahan ako sa audition ko…” For a moment ay nakatitig lang sya sa akin pero ngumiti din sya. “Aiiissh…sino naman ang nagsumbong sayo nyan ha? Si Maknae ba? Aiiiishh….that kid…” Pero nakatitig lang ako sa kanya. “Bakit ka ba…bakit ka ba tumakas sa show nyo para puntahan ako sa audition ko? Okay lang naman ako---” “Hindi ka okay, Snow” he cut me off in that serious face. “Hindi ka okay so stop telling me that you’re okay. Nang makarating nga ako dun parang naiiyak ka na sa stage eh kaya hindi ka okay. Kung si maknae napapaniwala mo na okay ka, pwes ibahin mo ako” Napababa naman ako ng tingin at hindi ko alam ang sasabihin ko. Doon naman sya nagbaba din ng tingin at sa apologetic na boses ay nagsalita din sya. “I’m sorry…feeling ko napagalitan kita…” Napatingin naman ako sa kanya. “H-hindi…okay lang…” ang sabi ko. “Pero...thank you Taehyung. Kung hindi ka siguro dumating…ay baka…baka hindi ako nakapag-audition…” Ngumiti naman sya sa akin at nabigla pa ako nang guluhin nya ang buhok ko. “Aiishh…okay lang yun. Kaibigan kita kaya dapat sinasamahan kita sa mga ganun” he said while smiling at me. At hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nahiya sa pag-ngiti nyang iyon sa akin kaya napababa nalang ako ng tingin. “So, tara na? Ihahatid na kita sa inyo” ang sabi nya habang nakahawak parin ang kamay nya sa paanan ng ulo ko. TUmango naman ako at tumayo. Saka kami nagsimulang maglakad palabas ng building na yun. “Sana…may magawa rin ako sayo bilang isang kaibigan mo…” ang sambit ko. Napatingin naman sya sa akin at ngumiti. Saka sya huminga ng malalim. “Aiish…okay lang yun…” At doon na kami nakalabas pero… Bigla nalang sya huminto sa paglalakad kaya napatingin naman ako sa kanya. Saka sya biglang nagtaas ng mukha at ngumiti. “Anyway…may magagawa ka para sa akin…” he said. “Eh? Ano naman yun?” He grin. “Ilibre mo ako ng ice cream!” ******************** Nasa isang ice cream parlor kami ngayon at magkaharap na kumakain nun. Nakakapagtaka lang na gusto nyang kumain ng ice cream sa malamig na panahon na ito. At ngayon ay mukhang ang saya-saya nyang kumakain sa harapan ko. “Snow, ano bang flavor ang inorder mo ha?” ang tanong nya. Nagtaas naman ako ng mukha. “Ah…eh…pistachio…” Ngumiti lang sya. “Ah…mahilig ka ba ng flavor na yan?” “Ah...eh…oo…ito ang paborito kong flavor…” And I wonder… Bakit kaya…parang ang saya-saya nya ngayon? “Aiishh….ang saya-saya talaga nito noh?” ang sabi pa nya. “Ang tagal na nung huli akong kumain ng ice cream dahil ipinagbabawal ito sa amin kaya pakiramdam ko ang dami kong naalala dito” TUmango nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. “Oh, isa lang pala ang naalala ko kapag kumakain ako ng ice cream…” he said then paused. Napataas naman ako ng tingin at nabigla pa ako nang makitang nakatitig sya sa akin. “…at yun yung time na nag-date tayo nun…” he continued. At after nyang sabihin yun ay pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko. “Nag-indirect kiss pa nga tayo noon diba?” ang masayang sabi pa nya dahilan para mas mamula ako. “Ang sayang balikan ng memory na yun…sayang lang at hindi na kita pwedeng i-date uli” Nabigla ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti naman sya. “JOKE!” ang sabi nya. “JOKE LANG YUN! WAHAHAHAHA!” Napangiti rin ako saka bumalik nalang sa pagsubo ng ice cream. Ganun din naman sya kaya naging tahimik lang kaming dalawa. “Pero…” he said while looking at his ice cream. “Kailan nga kaya tayo magkakaroon ng direct kiss?” Bigla akong natigilan sa tanong nya na yun kaya napataas naman ako ng mukha. Pero katulad ng dati ay ngumiti na naman sya. “JOKE! HAHAHAHAHA! KINABAHAN KA NOH?! HAHAHAHA!” ang sagot nya lang. Hay grabe… Ilang ulit na ba akong napagtripan ng lalaking ito? Napatingin nalang ako sa kanya na ngayon ay nagsimula ng kumain uli ng ice cream nya. At hindi ko alam kung bakit… Habang nakangiti sya ngayon…ay may nakikita akong lungkot sa mga mata nya… ***************** Nang matapos kaming kumain ay napag-isipan naming maglakad-lakad muna. Hindi ko rin kasi feel ang umuwi ngayon dahil pakiramdam ko ay malulungkot lang ako sa apartment ko. At kung si Jungkook ay naka-hood habang naka-shades sa paglalakad sa public, iba naman ang kay Taehyung. Nakasuot sya ng itim na mask habang naka-big glasses. And I wonder kung bakit hindi sya nakikilala ng mga taong nasa paligid kahit na nag-i-stand out parin ang itsura nya sa karamihan? Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan namin ang mga street performers na yun. May mga gitara sila at masaya silang kumakanta sa public habang naghuhulog ng barya ang mga taong nanduon. At hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikinig sa kanila. Naghulog nalang ako ng barya doon at nilingon si Taehyung pero… Bigla nalang ako namula nang mahuli ko syang nakatitig sa akin. “B-bakit?” ang naaasiwa kong tanong. For a moment ay nakatitig parin sya sa akin pero parang bigla rin syang natauhan na napabawi ng tingin. “A-ah…a-ano…” ang parang natigalgal nyang sabi saka lumingon sa ibang direksyon. “G-gusto mo bang maupo muna sa isang bench na nanduon?” Napatingin naman ako sa bench na itinuro nya at nasa tabi ng daanan yun. “S-sige…” ang sabi ko. Saka kami naglakad papunta doon at hindi ko alam kung bakit parang natahimik sya. Naupo nalang kaming pareho doon at parehong walang nagsasalita sa amin. Ano nga kaya ang…iniisip nya? Saka sya nagtaas ng mukha at napatingin sa isang malaking billboard na kaharap lang ng kinauupuan namin. “Snow…” he called me. “Sya si Seohyun” Eh? Si Seohyun? Yung…kasama ni Jungkook sa movie? Yung…crush ni Jungkook? Agad naman akong nagtaas ng mukha and what I saw is that big billboard na nasa harapan namin. And then… I saw that beautiful lady… Napatulala ako. Sobrang ganda nya kasi…at napakaganda nya sa billboard na yun. Hindi ko mapigilang malungkot. Ang ganda-ganda nya samantalang… Ni hindi man lang ako naabot sa kalingkingan ng ganda nya… Kaya siguro nagka-crush sa kanya si Jungkook. At kahit sino naman ay mai-inlove sa ganda nya. “Sobrang ganda nya pala…” ang sambit ko habang nakayuko. Napalingon naman sya sa akin at napansin nya siguro ang ekspresyon ng mukha ko kaya bigla nyang ginulo ang buhok ko. “Aiiishhh… ano ka ba? Mas maganda ka dyan noh!” ang sabi nya. Pero hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakayuko. “Totoo! Walang halong biro! Mas maganda ka talaga sa kanya!” ang cheer parin nya sa akin. Nilingon ko nalang sya at ngumiti nalang ng alanganin. “Wag ka ng magsinungaling para ma-cheer mo lang ako…alam kong nagjo-joke ka na naman…okay lang naman eh. Tanggap kong mas maraming mas magandang babae na mas nababagay kay Jungkook” Pero tinitigan nya lang ako at sa seryosong mukha ay nagsalita sya. “At sino namang nagsabing nag-jo-joke ako?” Nabigla ako. “Wag mong maliitin ang kagandahan mo Snow…” ang sabi pa nya. “Dahil hindi mo alam kung sino ang nai-inlove sa gandang iyan…” Napakurap ako. Ano bang…pinagsasabi nya…? Nabigla pa ako nang bigla syang tumayo. At hindi na ako nakagalaw nang bigla nyang lapitan ang mga street performers na yun at kinausap nya ang mga iyon. And then nabigla pa ako nang ibigay sa kanya ng lalaking may hawak na gitara kay Taehyung gitara nito at nakita kong inabutan sya ng pera ni Taehyung. Yun lang saka sya bumalik sa kinauupuan ko and with a blank face, he stood up in front of me. At sa gitna ng daanan na yun at tumitig sya sa akin at itinaas ang gitara na hawak nya. T-teka…anong… Anong gagawin nya? “Hindi ka nanininiwala na maganda ka?” ang tanong nya with that blank face. “Then I’ll prove to you that you’re the most beautiful girl that I’ve seen in this place” Nabigla ako sa sinabi nya. Ano bang… Ano bang ibig sabihin ng sinabi nya? At nabigla pa ako nang tanggalin nya ang itim na mask nya at ang eyeglasses nya. W-wait…anong ginagawa nya? But before I could say anything, he started strumming the guitar and I heard his beautiful voice. *Yeah, beautiful girl… She's my religion, so I can call you she-sus I push aside the fact that you have no boyfriend When you looked at me, you wrapped around my heart…* At dahil tinanggal na nya ang mask at eyeglasses nya ay nakilala na sya ng mga taong dumadaan doon. “OMG! Si Taehyung!” ang tili ng isang padaan na group of highschool students. Pero nanatili lang syang nakatingin sa akin at nagpatuloy sa pagkanta. *A normal guy like me doesn't fit your standards So I wore a "friend" mask Hiding my true feelings when I'm next to you Sliding nto the comfortable category Always high kicking the blanket at night in frustration…* While I just continue to stare at his beautiful blank face. At dinumog narin kami ng mga taong dumadaan at kinukunan na sya ng picture. *Damn, you always entice me I can't control myself because of all your expressions Watching you, my head spins Pool full beauty and I dive in it…* At hindi ko alam pero…ngayong nakatayo sya sa harapan ko at kinakantahan ako sa gitna ng maraming tao ay pakiramdam ko…. *Girl I'm so K.O You're like Napoleon, conquering me in an instant I continued to watch you Hiding behind a friend image…* Pakiramdam ko… *You're beautiful Don't we look good together I always imagine it like this, You be with me with me…* Ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko…at hindi ko na namamalayan na ngumingiti narin ako. Yes. This guy never failed to make me smile. *You're beautiful What will we be like together I always imagine it like this, You be with me with me…* At nang matapos syang kumanta ay naghiyawan ang mga taong nanduon. Pero… Bigla nalang syang dinumog kaya bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patakbo mula sa mga taong iyon. At ang laki ng ngiti nya habang tumatakbo kami papalayo sa mga taong iyon. Saka ako napatingin sa pagkakahawak nya ng kamay ko. At hindi ko alam kung bakit… Kung bakit… Tumitibok ng mabilis ngayon ang puso ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD