Shadow of the Stars
Chapter 16
"Hay...nakakapagod naman ang pictorial na yun..."ang reklamo ni Jimin habang nasa loob sila ng van nila.
Pauwi na kasi sila ngayon mula sa pictorial na yun at pagod na pagod sila habang nakasandal sa mga upuan nila.
"Pero teka..." Ang biglang sabi ni J-hope habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "Diba sina Taehyung at Snow yun?"
Agad namang napatingin din sa labas ang ibang members at nakita nilang tumatakbo sa tabi ng daan habang magkahawak kamay ang dalawang taong yun.
Hanggang sa nalagpasan na nila ang mga ito.
Nagkatinginan naman sila.
"Teka, bakit magkasama ang dalawang yun?" Si suga na ang nagtanong.
"Oo nga..." Si Jin Saka nilingon ang mga kasama. "Di pa ba tapos ang pictorial ni maknae?"
"Hindi pa eh" si Jimin. "Pero...bakit nga kaya sila magkasama?"
Samantalang nanatili lang na nakayuko si Rapmon at pinipilit na iwinawaksi sa utak nya ang napansin nya kay Taehyung nung isang araw.
Sana nga mali ang iniisip nya.
Sana nga...
*******************
"Aiiissh...kahit ba naman dito sa Korea ay hindi ko sya makokontak?" Ang reklamo nya habang nakaupo sya sa isang sulok.
Katatapos lang ng pictorial nila at ngayon ay nagpapahinga muna sya. Tinatawagan nya ang sarang nya pero hindi naman nito sinasagot ang phone nito.
Nabigla pa sya nang may biglang sumulpot na mineral water sa harapan nya.
Napataas naman sya ng mukha and he came face to face with tht beautiful young lady.
"S-sunbae" saka sya agad na napatayo.
Pero ngumiti lang ito sa kanya.
"Wag mo na akong tawagin sa honorofic name na yun. Seohyun nalang" she said.
Napayuko nalang sya dahil nahihiya talaga sya sa babaing ito. Nauna kasi itong mag-debut sa kanila ng 2 years at noon pa man ay hinahangaan na nya ito. Nasa iisang agency lang sila pero minsan lang magkita ang mga grupo nila kaya ngayon ay nai-starstuck sya.
"Oh, tanggapin mo na tong mineral water" she said while smiling.
Ngumiti din sya at kinuha yun.
Saka ito naupo sa sofa na katabi nya.
"Maupo ka" ang nakangiting sabi nito.
"A-ah...eh..sige" ang sabi nya saka naupo sa tabi nito.
Saka nya ininom ang ibinigay nitong tubig.
Napatingin naman ito sa hawak nyang cellphone.
"May tinatawagan ka ata kanina..."she asked. "...girlfriend mo?"
He blushed. Nahihiya kasi sya sa pakikipag usap nito sa kanya.
"Ah eh oo..sunbae--I mean, Seohyun..." Ang nauutal pa nyang sabi.
Pero ngumiti lang ito sa kanya.
"Kawawa naman sya..."she whispered.
Napatingin naman sya dito dahil sa sinabi nito.
But a sad smile curved up on her lips. "Ang lovelife ay hindi para sa ating mga idols"
His brows met. "Bakit naman?"
Pero tumayo lang ito at ngumiti sa kanya.
"Siguro ngayon masaya pa kayo pero darating ang araw na maiintindihan mo rin ang sinabi kong yun." She said. " Sige, mauuna na akong umuwi sayo, goodluck sa lovelife mo..."
Yun lang saka ito tumalikod at iniwan syang nakatulala doon.
At hindi nya alam kung bakit parang may naaninag syang lungkot sa mga mata nito nang sabihin nito sa kanya ang mga yun.
*****************
Kinakabahan ako dahil ngayon na lalabas ang result ng audition.
At ngayon ay nakatayo na kami sa harapan ng agency kung saan ipo-post ang mga nakapasa.
Pero...
"Waaaahh!!! BAKIT PARANG MAS KINAKABAHAN PA AKO SA MAGIGING RESULT?!" si J-hope.
"Oo nga, pakiramdam ko parang tayo ang nag-audition" si Jimin.
"Aiishh..naalala ko tuloy yung mga oras na nagpunta rin ako dito para tignan ang result ng audition ko" si suga.
"Ako din..." Si Jin.
Oo. Bakit kailangan pa nilang sumamang lahat para tignan ang result ng audition ko?
Saka ko naramdaman na may biglang naglagay ng scarf sa leeg ko. At napalingon ako sa gwapong lalaking iyon.
"Aiiissh...nilalamig na naman ang sarang ko" he said habang nakatitig sa akin at inaayos ang scarf sa leeg ko.
Namula pa ako ng ngumiti sya sa akin at tinitigan ako ng mabuti.
"Basta sarang..."he said then he gently pats my head. "Kahit anong mangyari, mahal parin kita makapasa ka man o hindi...tandaan mo yan ha, sarang ko?”
Namumula naman akong tumango at ngumiti. "O-okay..."
"Alam kong makakapasa sya dahil isang gwapong nilalang ang nanuod sa audition nya..."ang sulpot naman ng nakangiting si V na yun. "...diba Snow?"
Namumula naman akong napangiti lang sa kanya.
"Aaaiiish...! V hyung! Wag mo nga sabihin sa sarang ko na gwapo ka! Baka isipin nyang mas gwapo ka kesa sa akin at mainlove sya sayo!" Ang reklamo naman ni Jungkook na ngayon ay kaharap ko parin.
Pero ngumiti lang si V. "Maganda nga yun eh..."
At mukhang natigilan kaming lahat sa sinabi nyang iyon.
Pero ngumiti lang sya. "JOKE! JOKE! JOKE! HAHAHAHAHAHA!"
Grabe. Pati ba naman ngayon ay mangti-trip parin sya?
"Pero teka..."si Jimin. "Pinanuod mo sya sa audition nya Taehyung?"
"Oo nga..."si Suga. "Diba yun yung time na tumakas ka sa show na aattenan natin?"
"Teka..."si J-hope at nanlaki ang mga mata nya. "...wag mong sabihin na---"
"Aiissh..! Ano ba naman kayo?" Si Rapmon na biglang sumulpot at inakbayan si J-hope. "Don't misunderstand this. Kailangan lang ng suporta ni Snow noon kaya si V na ang nag-representa na pumunta"
Pero parang hindi parin convince si J-hope. "Pero...diba kahapon nakita natin---"
"Ayyy!! Tara na nga!" Si Rapmon saka hinila si J-hope. "Kailangan na natin tignan ang result dahil ngayon lang ang free time natin! Mag-i-start na ang shooting ng movie mamaya"
Nagkatinginan naman ang ibang members at nag-shrug nalang.
Nilingon naman ako ni Jungkook at ngumiti. "So sarang...ready ka na bang makita ang result ha?"
Tumango naman ako.
Yun lang saka kami sabay-sabay na pumasok sa building na yun. At ang nadatnan namin ay nagkukumpulan na mga taong yun sa isang board.
Kaya hindi namin makita ang result na nasa board na yun.
Pero...
"Excuse me! Excuse me!" Ang sigaw ni Rapmon.
Napalingon naman ang lahat ng nanduon sa amin...and then...
"KYAAAAAAAAAAHHHH!!! ANG BTS!!!!" Ang tilian na sumunod at doon na sila dinumog ng mga yun.
Pero itinaas ni Rapmon ang kamay nya at tumigil naman ang mga taong yun.
"May free hug and kiss daw na ipamimigay ngayon si Jin!!!!" Ang sigaw nya.
Agad namang nanlaki ang mga mata ni Jin pero wala na syang nagawa ng dumugin na sya ng mga taong yun.
"KIM NAM JOOOOONNNNN...!" ang sigaw nya habang gapos na sya ng mga taong yun.
Pero ngumiti lang si Rapmon at nag-V sign. "Peace hyung!"
At dahil napunta na ang lahat ng tao na kanina ay nakakumpol doon kay Jin...
"Nasaan ang pangalan ni Snow?!" Si J-hope na nauna ng tignan ang result.
"Oo nga! Teka, apelyido ba ang naunang imention o pangalan?!" Si Jimin na nakisuksok narin doon.
"Apelyido man o pangalan basta hanapin nyo lang ang Snow Sanchez!" Si Suga.
At hindi ko alam kung bakit parang mas excited pa silang makita ang result kesa sa akin.
Doon naman sila isa-isang binatukan ni V.
"Aray!" Ang sabay pa nilang sigaw at nilingon si V.
"Bakit mo kami binatukan?!" Si Suga. "Hyung mo parin kami ha!"
Pero hindi na nagsalita pa si V at sya na ang naghanap sa result board. At after ilang minutes...
"So ano V?! Nakita mo ba?!" Ang ninerbyos pang tanong ni J-hope.
At hindi ko talaga maintindihan kung bakit mas kinakabahan pa sila sa result.
Pero...
Lumingon lang sa amin si V gamit ang walang emosyon na mukha na yun.
Kaya mas kinabahan ako...
Hindi kaya...
He looked directly to me and in a sad tone he spoke...
"I'm sorry Snow...pero..."he said.
Doon na ako nagbaba ng tingin at mukhang nalungkot din ang ibang members.
"Sabi ko naman eh..." Ang malungkot kong sabi.
Naramdaman ko namang niyakap ako ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya.
"Don't worry... Kahit na wala ako dun, I know you did well...sarang..."he said then smiled.
At after nyang sabihin yun ay parang may nagbabara sa lalamunan ko at nagsimula ng mag-init ang sulok ng mga mata ko.
"Aiiisssh...pwede bang patapusin nyo muna ako?" Ang sabi naman ni V.
Sabay naman kaming napatingin sa kanya.
Then his serious blank face slowly turned into a big grin at nagsalita.
"I'm sorry Snow pero simula ngayon kukulangin na ang tulog mo because you're now an official trainee of our agency! CONGRATZ! NAKAPASA KA!" He exclaimed dahil para magtatalon sa tuwa ang mga lalaking iyon.
Samantalang nanatili akong nakatulala sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala sa narinig ko.
Nakapasa...ako?
Kung ganun...magiging...trainee na ako?
Naramdaman ko namang niyakap ako ng mahigpit ni Jungkook.
"Oo nga!" Si Rapmon na nakiusyoso din sa result. "Ikaw nga ang top 1 sa mga nag-audition eh! Ang galing mo Snow!"
Mas lalo akong nabigla sa narinig ko.
Ako ang...top 1?
Sa lahat ng nag-audition ay ako ang...nag-top 1?
Naramdaman kong inakbayan ako ni Jungkook at hinarap ang mga hyung nya.
"Sabi ko naman sa inyo eh. Magaling talaga ang sarang ko. Hindi lang magaling, maganda pa..." Ang proud na proud na sabi nya saka nya ginulo ang buhok ko.
At after nyang sabihin yun ay bigla nalang nag-init ang pisngi ko.
"I'm so proud of you..."he said then smiled. "...sarang..."
Ngumiti lang ako sa kanya at nagsalita. "T-hank you...sarang..."
Oo. Mukhang ang saya-saya nya ngayon sa balitang ito.
Saka nya ginulo ang buhok ko. "By this way sarang, hindi na tayo magkakahiwalay...lagi na kitang makakasama dito"
Ngumiti lang ako at nagbaba na ng tingin.
"So this call for a celebration" ang biglang sulpot ni Jin na nakawala na sa mga nakagapos na mga taong yun.
"Oo nga! Pakainin mo naman kami ng beef bulgogi, maknae!" Si Rapmon saka inakbayan si Jin pero...
"Kim Nam Joon..." Jin said in an emotionless voice.
Opo. Natawag si Rapmon sa totoong pangalan nya at iisa lang ang ibig sabihin nito.
Napa-gulp naman si Rapmon at napalingon sa kanya. "Ahehehe...ano yun hyung?"
"You rascal...!" Ang sigaw ni Jin at alam na ni Rapmon na kailangan na nyang tumakbo sa oras na yun.
"WAAAAAAAHHHH!!! SAVE ME!!!" ang sigaw ni Rapmon.
But then Suga smirked. "You did that to yourself so goodluck"
At doon na kami nagtawanan.
"So, saan tayo kakain ngayon?" Si Jimin na mukhang excited.
Ngumiti naman sa kanila si Jungkook. "At dahil nakapasa ang sarang ko...ililibre ko kayo ng beef bulgogi!"
"YEHEY!!!" ang sigaw nila.
Pero...
"Ayy...pero leader..." Si J-hope na mukhang binagsakan ng langit at lupa habang nakatingin sa phone nya. "Nagtext na si manager...kailangan na daw nating pumunta sa set..."
At after nyang sabihin yun ay hindi ko rin mapigilang malungkot.
Oo. Aagawin na naman sya sa akin ng busy na schedule nila.
I heard him gave a deep sigh na para bang frustrated din sya sa narinig saka ko naramdaman ang kamay nya sa ulo ko.
Nagtaas naman ako ng mukha and I came face to fce with his sad face.
"Aaaiissh...sarang..."he said then pout. "Hindi na naman tayo makakalabas ngayon...sorry sarang ha..."
At kahit masakit, kahit mahirap ay ngumiti parin ako.
"Okay lang..."ang sabi ko sa ika-ilang beses na para bang hindi ko na mabilang sa dami. "May susunod na araw pa naman eh..."
Oo. Laging may susunod na araw...pero...kailan nga ba ang araw na yun na makalasama ko na sya ng matagal?
He smiled saka ginulo nya ang buhok ko. "Wag kang mag-alala sarang...may free time ako mamayang gabi kaya promise, magdi-date tayo para sa celebration ng pagkapasa mo"
At after nyang sabihin yun ay naramdaman kong sumaya ako.
Sa wakas. Free time. Free time para sa aming dalawa...
I smiled. "Okay..."
to be continued...