Shadow of the Stars
Chapter 14
Sarang! Mag-date tayo ngayon! Hihintayin kita sa Parking Lot ha!
Sender: Jungkook, the one and only Sarang of Snow
Wag na kayong magtaka sa pangalan nya sa phonebook ko.
Nung isang araw ko lang napansin na iba na naman ang pangalan nya doon dahil pinalitan na naman nya yun ng hindi ko namamalayan.
Pero bakit parang…ang awkward talaga basahin ang pangalan nya sa phonebook ko?
After kong makapag-ayos ay lumabas na ako ng apartment ko.
Magkatabi lang naman ang mga apartment namin pero hindi rin kami laging nagkikita dahil mas lalo pa silang naging busy ngayon.
May isang movie kasi silang gagawin kaya nagsimula na ang acting lessons nila. At ngayon nya lang ako nayaya uli lumabas matapos ang one week.
At mahirap mang aminin pero…excited ako na makasama sya ngayon.
Pero…
Natigilan ako sa nadatnan ko sa labas.
Isang white rose.
At kagaya na naman ng araw-araw na natatanggap ko ay tinanggalan din ng tinik yun at may card na naman na nakasabit doon.
Winter is fast approaching. At sa tuwing nakakakita ako ng snow, ikaw lang ang naalala ko, my beautiful Snow.
Yun ang nakalagay sa card.
Hindi ko mapigilang mapangiti.
Tama.
Alam kong kay Jungkook na naman nanggaling ito.
Ipinasok ko nalang yun at inilagay sa isang vase na napuno na ng white roses na lagi kong natatanggap araw-araw.
Saka ako nangingiting lumabas nalang uli at naglakad paalis.
*************
“Sorry talaga sarang ha…hindi na tayo madalas na magkita ngayon dahil sa busy na schedule ko. Aiiiishh..! Nakakainis talaga ang nangyayari na ‘to!” yan ang reklamo nya habang magkatabi kami sa kotse nya at nagmamaneho sya.
Pero ngumiti ako. “Okay lang naman yun. Naiintindihan ko naman…”
Tama yun.
Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin ngayon. Kabi-kabila ang project s ng grupo nila kaya busy na talaga ang schedule nila.
“So saan ba gustong mamasyal ngayon ng sarang ko ha?” ang nakangiti nyang tanong.
I smiled. “Ah sa ano---”
*Saranghae Snow! Saranghae Snow!*
Biglang tumunog ang cellphone nya.
“Hello?” ang sagot nya at nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ng sa kabilang linya. “Ha? Ano? Bakit biglaan naman ata?”
Ano nga kaya ang…pinag-uusapan nila?
“Ah sige, I’ll be there” ang sabi nya saka ibinaba ang phone nya at bigla nalang nya iniliko ang sasakyan.
Nagtaka naman ako pero hindi na ako nagsalita.
Saka sya lumingon sa akin. “Sarang sorry ha...ini-move nila ngayon ang schedule ng pictorial namin kaya siguro hindi muna matutuloy ang date natin…”
Hindi ko alam pero after nyang sabihin yun ay bigla nalang nawala ang saya at excitement na nasa dibdib ko kanina.
“Sarang…sorry talaga…” ang malungkot na sabi nya pa lalo na ng mapansin na nalungkot ako.
At mukhang nalungkot din sya na hindi kami matutuloy ngayon.
Pero…
Nagtaas ako ng mukha at ngumiti.
“Okay lang yun. May susunod na araw pa naman eh…”
For a moment ay tinitigan nya lang ako na para bang binabasa nya ang iniisip ko.
Pero nanatili lang akong nakangiti sa kanya.
And then…he sigh at nilingon uli ang daan.
“Hays, kawawa naman ang sarang ko…hindi na kita nadadala sa isang matinong date dahil sa busy na schedule ko…pero wag kang mag-alala sarang…” he said then smiled and turned to me. “Matapos lang ang lahat ng ito…babawi talaga ako sayo. Ha? Sarang ko? ”
Ngumiti din ako. “Oo…sa susunod na mga araw nalang…dapat bumawi ka sa akin”
He pats my head ang smiled. “Okay sarang ko!”
Saka bumalik sa daan ang mga mata nya.
Pero doon na nawala ang ngiti sa labi ko at lumingon nalang sa katabi kong bintana.
At hindi ko alam kung kailan ba ang susunod na araw na yun kung saan pwede ko na syang makasama ng matagal…
***************
Isinama na nya ako sa pictorial nila.
At ngayon ay papasok na kami sa malaking building na yun.
Pagpasok na pagpasok palang namin ay pinalibutan na sya agad ng mga taong iyon.
“Mr. Jeon! It’s nice to see you again!” ang bati ng isang lalaki at tinapik pa sya sa balikat.
“Oo nga! The BTS leader is here!” ang sabi naman ng isang babae.
Samantalang ngumiti lang sa kanila si Jungkook at nakipagkumustahan.
Habang ako ay naitulak palayo sa kanya at ngayon ay nakatayo sa isang sulok habang nakatingin sa kanya.
“O Mr. Jeon! You’re here! Kanina pa naghihintay ang ibang cast!”
At hindi ko alam pero…
“Nasaan na ang mga make-up artists?! At yung damit na isusuot ni Mr. Jeon pakidala narin dito!”
Habang nakatayo sya ngayon sa harapan ko at pinagkakaguluhan ng mga taong yun…ay pakiramdam ko…
“Kanina pa nandito ang ibang members mo at nakunan na sila ng pictures kanina. Ikaw nalang ang hinihintay Mr. Jeon”
…pakiramdam ko…
“Naku, nanduon narin pala si Seohyun at naayusan narin sya!”
…kahit na magkalapit lang kami ngayon ay parang…
“Aiissh…pasensya na kayo kung na-late ako ha. May pinuntahan pa kasi ako” ang nakangiting sagot nya lang.
…ang layo-layo na nya sa akin.
Nabigla pa ako nang lingunin nya ako at ngumiti.
“Sarang, hintayin mo ako ha! Pagkatapos nito, ihahatid kita sa apartment mo, okay?”
Ngumiti din ako.“Okay…”
He just pat my head habang nakatitig parin sa akin. “Sarang…”
Nagtaas naman ako ng mukha at ngayon ay nagkatitigan na kami.
“Sana kahit na busy ako…mahalin mo parin ako ha?” ang sabi nya.
Bigla akong namula sa sinabi nya.
“Ah eh…”
“Mr. Jeon! This way po!” ang tawag na sa kanya ng isang staff.
Napahinga naman sya ng malalim.
“Aiiishhh…” ang reklamo nya lang saka nilingon ako uli. “Bye sarang. Dito ka lang ha? Ihahatid kita mamaya, promise. At kung may free time ako mamaya, maybe we could grab some lunch together. I love you...bye sarang”
Yun lang saka sya tumalikod.
At ngayong nakatalikod na sya sa akin kasama ang mga taong yun…
Ay ngayon ko lang naramdaman kung gaano kalaki ang agwat naming dalawa.
He is a star.
While I'm a nobody...
Pero...nandito ako at nakakapit parin sa kanya...
To be continued...