Shadow of the Stars
Chapter 13
Naging tahimik lang kami pareho habang nagmamaneho sya.
Ayoko ding magsalita dahil hanggang ngayon ay frustrated parin ako na hindi sya nakapunta sa audition ko.
Naiintindihan ko din naman na busy sya pero...bakit...nalulungkot parin ako?
"Sarang..." He called me.
Pero hindi ako lumingon.
"Sarang pasensya ka na ha...late kasi nagsimula ang show kaya hindi ako nakapunta sa audition mo. Sorry talaga sarang..."
Nilingon ko naman sya at nakikita kong sobrang lungkot nya at halatang masama din ang loob nya dahil hindi sya nakapunta.
"AIISSSHH..! Kasalanan to ng mga crew na yun eh!" Ang galit pa nyang sigaw. "Hindi ko man lang nasuportahan ang sarang ko!"
Doon na ako nagsalita at ngumiti.
"Okay lang yun..." Ang sabi ko.
Oo. Wala na akong magagawa pa sa bagay na yun. At isa pa ay naiintindihan ko naman na busy lang talaga sya.
Lumingon naman sya sa akin at tinitigan ako.
At nang makita nyang nakangiti ako sa kanya ay ngumiti din sya at bumalik sa pagmamaneho.
"Pero buti nalang talaga at pinuntahan ka ni Taehyung. Alam kong mapapagalitan sya sa ginawa nya pero somehow nagpapasalamat din ako dahil sinuportahan ka nya" ang sabi nya na nagpabigla sa akin.
"Pagagalitan?" Ang ulit ko.
" Alam mo kasi sarang..." He said habang nagmamaneho sya. "...before mag-start ang show ay tumakas si V hyung. Aiiishh...that hyung...sigurado akong makakatikim sya mamaya ng mahabang speech kay manager"
Nabigla ako sa narinig ko.
Tumakas si V...para mapuntahan ako sa audition ko?
Bakit nya...ginawa yun?
"So sarang..." Ang lingon nya sa akin. "...kumusta naman ang audition ng sarang ko? Kinabahan ka ba ha?"
He looked so worried ng itanong nya yun sa akin.
Pero ngumiti ako. "Nung una kinabahan ako pero nung nagsimula na akong tumugtog gumaan na ang pakiramdam ko"
Totoo yun.
Nung una kinabahan talaga ako pero...pero ng dumating si Taehyung ay gumaan ang pakiramdam ko.
At...hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit nya iniwan ang show para puntahan ako.
Then I felt Jungkook's hand on my head kaya napataas ako ng tingin.
And I saw that familiar big grin on his face.
"At dahil hindi ako nakapunta sa audition ng sarang ko, babawi ako ng date sayo ngayon" he said then wink.
Bigla naman akong namula. At hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko ng sabihin nyang magdi-date kami kaya napangiti ako.
"Okay..." I said while smiling.
Tinitigan naman nya ako at ngumiti din sa akin.
"Ays...ngumingiti na naman ang sarang ko..."he said saka ibinalik sa daan ang tingin nya. "...natutuwa talaga ako sa tuwing napapangiti kita. Pero..."
He said then paused. At halatang may iniisip sya.
"Pero?" Ang ulit ko.
Pero tumingin lang sya sa akin at ngumiti at ginulo nya lang ang buhok ko.
"Wala sarang." he said. "So saan ba gustong mamasyal ng sarang ko ngayon ha?"
Napatitig naman ako sa kanya.
Bakit kaya hindi nya ipinagpatuloy ang sasabihin nya?
Pero yumuko nalang ako. "Ah eh...kahit saan..."
Oo. Kahit saan basta kasama ko lang sya ay masaya na ako.
He grin. "Okay! Manunuod tayo ng sine ngayon. Matagal na kasi simula nung nakanuod tayo ng sine. At dapat horror movie na naman ang panuorin natin ngayon, diba sarang?"*wink*
Bakit parang...
Parang may naalala ako bigla sa horror movie na yun?
Pero...
*Saranghae Snow! Saranghae Snow!*
Hindi ko alam kung bakit namula ako ng marinig ang ringtone ng cellphone nya.
Hindi parin pala nya pinapalitan yun?
"Hello?" Ang sagot nya at nakita ko kung paano biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha nya sa sumunod na narinig. "Ano?! Pero may pupuntahan pa kami ngayon ng---"
Pero binabaan ata sya ng phone.
Agad naman nyang binitiwan yun at parang asar na bumalik sa pagmamaneho.
"Anong nangyari?" Ang tanong ko.
Nilingon naman nya ako at alanganing ngumiti. "Pasensya ka na sarang ha. Pero pinapatawag pala kami ngayon ng manager namin...may mahalaga daw kasi kaming pag-uusapan ngayon..."
Hindi ko mapigilang malungkot. So...hindi matutuloy ang date namin ngayon?
Mukhang napansin naman nya yun kaya hinawakan nya ang pisngi ko.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Sorry talaga sarang ha...aiiissshh! Gusto talaga kitang makasama ngayon pero...aiissh! Kaasar!!"
Nagbaba nalang ako ng tingin but later on ay ngumiti din ako.
"Okay lang" I said while smiling. "May susunod na mga araw pa naman eh"
Tumingin naman sya sa akin. "Talaga sarang? Totoong okay lang sayo na hindi muna tayo makapag-date ngayon?"
I smiled. "Oo totoong okay yun. Naiintindihan ko naman na marami kang ginagawa ngayon"
He smiled too. "Wag kang mag-alala sarang. Babawi ako sayo sa sunod...okay?"
Ngumiti ako. "Okay"
****
"What are you planning to do with your career V?!" Ang galit na galit na sigaw na yun ni Mr. Han ang unang nadatnan ko nang makarating ako sa kwartong yun.
Aissssh...kawawa naman si V hyung. Bakit ba kasi sya umalis kanina sa show para puntahan ang sarang ko?
Buti nalang talaga at sinabi nyang naka-move on na sya dahil kung hindi ay iisipin kong may gusto parin sya sa sarang ko.
Naihatid ko narin ang sarang ko sa apartment nya at ngayon ay nasa pinto na ako ng meeting hall na yun.
Pagbukas ko ng pinto ay agad naman silang napalingon sa akin.
Pero sa bigat narin siguro ng atmosphere sa kwartong iyon ay walang makangiti at maka-greet sa akin ngayon.
"Where have you been Mr. Jeon?! Kanina ka pa namin hinihintay dito!" Ang galit na baling naman nya sa akin.
Oh geez. Nadamay pa ako sa galit nya kay hyung.
I grin. "Eh kasi hinatid ko pa ang sarang ko sa apartment nya”
For a long moment ay nakatingin lang sya sa akin and then he sigh. Saka nya hinawakan ang noo nya.
"Okay, sit now. I have something to discuss to all of you" ang kalmado na nyang sabi.
Naglakad nalang din ako sa harapan nya at tumabi kay Taehyung na ngayon ay nakayuko lang habang hawak ang noo nya.
Tinapik ko naman sya sa balikat at lumingon sya sa akin at tumango.
"I hope this will be the last time you'll do this Mr. Kim" ang dugtong pa ni Mr. han. "Alam mong mahirap lumusot sa iba't-ibang speculations ng tao dahil lang sa hindi mo pagsipot sa show"
Pero hindi na sumagot si V at nanatili lang na nahawak sa noo nya.
"Okay, now lets go to this important matter that I'm going to discuss with you" he continued at nakinig lang kami. "May bago kayong project na gagawin with the ZBZ Network"
Nagkatinginan naman kami ng mga ka-myembro ko.
"This is a movie kaya mapapasabak kayong pito sa mga acting lessons" he announced na nagpanganga sa amin.
Movie?
"P-pero manager..."si Rapmon. "Bakit nyo naman kami isasali sa isang movie?"
Tinignan naman sya ni Mr. han. "Its because you need this kind of opportunity para mas lalong tumaas ang popularity rating nyo"
Nagkatinginan kami uli.
"Tungkol saan naman ang movie na gagawin namin manager?" Si Suga.
"It's about a lovestory of two highschool student who fell in love with each other. Yes. This is a teen movie at pinili na ng director kung sino ang tatakbong lead male sa inyong pito"
At bigla nalang napunta sa akin ang tingin nya.
"And you Mr. jeon is the leading male" he said.
Agad na nagsalubong ang kilay ko. "WHAT?! AT BAKIT AKO ANG---"
"Dahil ikaw ang pinili ng directors" he cut me off. "At wala ka ng magagawa pa sa bagay na 'to dahil pumirma na ako ng contract that you Mr. Jeon will be the leading man"
Napatulala ako sa narinig ko.
Ako ang...magiging lead male?!
"Eh kung si leader ang magiging lead male manager..." Si Jimin. "...sino naman ang lead female?"
Nagkatinginan naman kami nun.
And then...Mr. Han turned to me at bigla nalang sya ngumiti ng nakakaloko.
"Sigurado akong matutuwa ka Mr. Jeon..."he said. "Because it's Ms. Seohyun of the girl performimg band Girls Kiss"
At after sabihin ni Mr. Han yun ay bigla nalang nagsigawan ang mga hyung na parang kinikilig sa nalaman kung sino ang makakatambalan ko.
Samantalang natigilan naman ako.
Si Seohyun?
Sya ang makakatambalan ko?
"Ayyeee...! Si leader! Makakatambalan si Seohyun! Ayeeeee...!" Si J-hope.
“Oo nga!” si Suga. “Diba since pre-debut crush na crush mo na ang sunbae na yun?”
“Ayyyeee…! Magiging exciting ito! Ayyeee..!” si Rapmon.
Tama.
Makakatambalan ko ang sunbae na yun?
Ang sunbae na hinahangaan ko na simula pa nung trainee palang ako?
At hindi ko alam…
Pero…
Napangiti ako sa iisiping iyon.
To be continued...