ShadowoftheStars
Chapter 12
Once upon a time…
“HO! HO! HO! HO!” ang patuloy ko habang patuloy na nagsasayaw sa harapan ng magandang babaing yun.
An Alien landed into Earth…
At ngayong nakikita ko syang tumatawa ng malakas ay pakiramdam ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.
And fell in love with an Earthling…
At wala ng mas mahalaga pa sa akin kundi ang makita syang masaya ngayon.
Pero…
“Taehyung” I heard that voice from my back.
Napatigil naman ako sa pagsasayaw at hinarap ang bagong dating na lalaking yun.
Oo. Ang lalaking totoong nagmamay-ari sa babaing kaharap ko.
He just looked at me with those cold emotionless eyes.
Pero ngumiti ako.
Ngumiti ako kahit na sumasakit ang dibdib ko sa iisiping hindi ko nga pala pagmamay-ari ang babaing pinapatawa ko ngayon.
“Oy maknae, nandito ka pala” ang nakangiti kong bati.
But for a long moment ay tinitigan nya lang ako gamit ang malalamig na mga matang iyon saka nya nilingon si Snow.
“Sarang…” he called her. “Let’s go…”
Agad namang napatingin sa kanya si Snow pero tumayo lang ito nang mapansing parang wala sa mood ang boyfriend nito.
But then he smiled at her.
“Mauna ka na sa kotse sarang…” he said then pats her head. “May sasabihin lang ako kay V hyung”
For a long moment ay tinitigan lang sya ni Snow saka naman sya lumingon sa akin.
“Sige Taehyung…” she said then smiled at me. “Mauuna na ako. Salamat pala sa pagpunta sa audition ko”
At sa tuwing ngumingiti sya sa akin ay hindi ko mapigilang mapatulala sa maganda nyang mukha.
Oo.
Nagpunta ako kahit na may show kami dahil hindi ko kayang isipin na mag-o-audition sya na walang kasama.
Nagpunta ako dahil alam kong kailangan nya ng suporta.
But still…
I smiled. “Okay lang yun. Nag-enjoy naman ako”
She smiled too then nod.
But still…
Yun lang saka sya tumalikod sa amin at naunang umalis.
…ang lalaking kaharap ko parin ngayon ang totoong hinahanap nya at hindi ako.
At doon ay nakaharap ko ang malalamig na mga matang iyon ni Jungkook.
“Taehyung…” he started.
Sinalubong ko naman ang tingin nya at nagtitigan lang kami.
“…talaga bang…naka-move on ka na kay Snow?” he asked.
For a long moment ay hindi ako sumagot. Nanatili lang kami sa posisyong yun na nagtititigan at walang nagsasalita sa aming dalawa.
Hindi.
Hindi pa ako nakaka-move on sa babaing yun.
Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin sya pero hindi ko sya pwedeng angkinin dahil pagmamay-ari mo na sya.
Ang dami kong sinabi sa isipan ko but…
I smirk. “Hay…hanggang ngayon ba naman iniisip mo parin yan? Of course, naka-move na ako. Aiissh…wag ka ngang mag-isip ng ganyan maknae. Naawa lang ako sa kanya kaya nagpunta ako dito”
For a long moment ay tinitigan nya lang ako.
Na para bang tinitignan nya sa mga mata ko kung totoo ba ang mga sinabi ko.
And I really try hard to keep my face blank.
Oo. Sa ngayon ay ipinagpapasalamat ko na naging natural na sa ibang tao ang makitang ganun lagi ang ekspresyon ng mukha ko.
Kahit na gusto ko ng sabihin sa kanya ngayon na hindi totoo ang mga sinabi ko.
But then…
He grin. “Ganun ba V hyung? Salamat ha! Salamat at pinuntahan mo ang sarang ko! I really feel bad na hindi ako nakapunta pero buti nalang at pinuntahan mo sya. Aiiishh…! Oo nga pala, matagal ka ng naka-move on sa kanya kaya hindi na ako dapat nag-iisip ng kung anu-ano. Pero salamat talaga hyung! Salamat at sinuportahan mo ang sarang ko!”
I almost put on a smirk.
Pero ang bigat-bigat ng pakiramdam ko para gawin yun.
Yes. This is a lovestory between an Alien and an Earthling.
At hindi ko alam kung saan pa ba ako kumuha ng lakas para ngumiti sa kanya at nagsalita.
“Oo naman maknae! Girlfriend mo yun eh kaya susuportahan ko sya! Susuportahan ko kayong dalawa!” I said that broke my heart in silence.
“O sige V hyung! Mauuna na ako ha! Kanina pa kasi naghihintay ang sarang ko! Bye!” ang sabi nya saka kumuway.
Kumuway din ako at doon na sya tumalikod at naglakad pabalik ng kotse nya.
At sa pagtalikod din nyang iyon ay doon na unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin nalang sa babaing nakaupo na ngayon sa tabi ng driver seat ng kotse nya.
At nang makita ko kung paano sya ngumiti nang makita si Jungkook ay parang…
Para akong sinaksak ng ilang milyong patalim sa dibdib.
My name is Taehyung Kim.
Tumalikod na ako dahil ayoko ng makita ang masakit na eksenang iyon.
I’am the Alien V.
Saka ako nagsimulang maglakad paalis.
And I fell in love with an Earthling with the name of Snow Sanchez.
At nang mapaliko ako sa isang walang katao-taong daanan na yun ay pinagsusuntok ko ang sementong pader na yun. Saka ko pinagsisipa ang mga trash cans na nanduon.
But before this lovestory could start…
At nang mapagod na ako ay doon na ako napasandig sa pader na yun at napayuko at napahawak sa noo ko.
…it already has ended.
To be continued...